Amanda’s POV Kinabukasan... There was a mutual understanding. ‘Yan lang ang masasabi ko pero ayaw ko talagang mag-assume. Hinahayaan ko lang kasi itong gawin ang mga bagay na gugustuhin na alam kong hindi naman ginagawa ng mga normal na boss at empleyado lang. Nahihibang na siguro ako pero wala na akong lakas ng loob na magtanong. Mabilis lang na lumipas ang oras at napagpasyahan na rin naming bumalik ng Maynila ngayong gabi. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o ma-eexcite. Babalik ba kami sa dati? Mananatili ba itong pagbabago ng pakikitungo niya saakin? Kasalukuyan na kaming nandito ngayon sa ospital at nagpapaalam na kami kay Seyang, kanina kasing umaga ay bumalik kami sa bahay para makaligo at magbihis, para na rin kunin ang gamit ko. Nakakapanghinayang lang dahil hindi ko n

