Amanda’s POV “Gusto ko lang malaman, bakit ka nga pala pumunta sa bahay kagabi?” Dahan-dahang tanong ko, may pag-aalangan rin dahil kanina ko pa iyon gustong itanong. Kasalukuyan na kasi kaming nasa byahe ngayon ni Kaiden at binabalot kami ng katahimikan. Hindi ito umimik habang nakatingin lang ng diretso sa daan. Hanggang sa sumulyap ito saakin. “I wanted to see you.” Diretsong sagot nito saka na umiwas ng tingin. Ako naman ay natigilan at ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ako kaagad na nakaimik dahil hindi ko inasahan ang pagsagot nito ng diretso. Napahinga ako ng malalim at umiwas ng tingin. He’s been showing motives and all but he’s not clearly stating what he feels. I no longer can’t help but to assume. Pinilit kong ngumiti. “Uhm, siguro may gusto kang sabihi

