Amanda’s POV Sinundan ko lang ng tingin ang sasakyan ni Kaiden na papalayo. Napabuntong-hininga ako nang tuluyan na itong makaalis. Mabuti nalang at napagpasyahan na nitong umuwi at umalis bago pa ito makita ni Aling Josie na mukhang hindi pa rin gising. Malamang ay nababad ito sa higaan dahil sa lamig ng panahon. Tumalikod na ako para bumalik sa tinutuluyan ko. Pero natigilan rin ako nang mapasulyap ako sa may itaas, sa railing at nandoon si Lei na lumabas na pala mula sa pinagtataguan. Ilang saglit akong napatitig sa mukha nitong tila nakatitig rin sa malayong direksyon. Bahagyang nangunot ang noo ko habang nakatingin sa mukha nitong napaka-seryoso. Umiwas na ako ng tingin saka na tinuloy ang pag-akyat sa itaas. Nang malapitan ko ito ay ni hindi man lang itong bumaling saakin, nanat

