Amanda’s POV “So... what do you think Karina? Ready ka na ba magka-girlfriend ang Kuya mo?” Nakatingin lang ako kina Lei at Karina na nag-uusap. Kasalukuyan kaming nagpapahinga ngayon rito sa harapan ng bahay ni Aling Josie at dito raw ulit matutulog si Karina, kakatapos lang rin naming kumain. May dala pa talaga itong folding bed. Ano bang ayaw niya sa bahay niya at bakit ayaw niyang umuuwi sakanila? Lihim nalang ako napabuga ng hangin at napailing dahil sa itinanong ni Lei kay Karina. Nangunot lang ang noo ni Karina pero hindi rin ito kaagad na nakasagot, mukhang hindi rin nito inasahan ang itinanong ni Lei. Kumindat lang saakin si Lei habang nakangiti ng parang nanunudyo. “Syempre ready si Harina, lalo na kung ako ang magiging gerpren.” Sabay-sabay kaming napatingin kay Aling

