TUMAYO ako at sinipat ang sarili sa harap ng salamin. Hinaplos ko ang mahaba na silver earrings. Malalaki ang alon ng pagkaka-kulot ng aking itim na buhok. Maganda ang pagkaka-ayos ng aking make-up. It's Kylie Jenner inspire make-up na ginawa ni Aloe para sa akin. Hindi na kailangan mag-hire ng artist dahil siya lang ay kaya niya ng gawin. Humagikgik si Aloe ng makita akong hindi mapakali. Tinampal niya ang puwitan ko. "Kahit anong tingin mo diyan, maganda ka pa din! We are twins. Kaya kung maganda ako, ganoon ka din!" Natatawang sabi ni Aloe. Tumayo akok ng tuwid at kinuha sa ibabaw ng dresser ang silver clutch bago siya hinarap. "Sigurado ka bang hindi ka sasama?" tinagilid ko ang ulo habang pinagmamasdan siya. Umiling ito. "Vera, may date kami ni Gary sa Shang ngayon." Umirap ako
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books