PAGSAPIT ng gabi ay halo-halo ang aking emosyon. Excited na may halong kaba ang aking nararamdaman. Makakalabas na ako matapos ang ilang linggo na pananatili sa mansion niya. Parang kailan lang inaasam ko ‘to para makatakas ako. Ngayon na andito gusto ko na lang na lumabas kasama si Caleb para maiba naman ang atmosphere pero wala pa akong balak na tumakas. Pagdating ng umaga ay naghanda na kami ni Caleb. Hawak kamay kaming lumabas sa kwarto. “Kakausapin ko muna si Mommy,” anito. Tumango ako at umupo na lang sa sofa para mag-antay. Sinulyapan ko ang pinto kung nasaan pumasok si Caleb. Narinig ko ng nag-uusap ang dalawa. Nagulat ang Mommy niya na aalis kaming dalawa at maiiwan siya. “Saan ba kayo pupunta?” “We’re going to meet someone,” dinig kong sabi ni Caleb. Bumukas ang pinto at n