ISANG buwan ng panay ang buntot ni Caleb sa akin... sa amin. Nanawa na si Mama. Hinayaan na niya pero hindi ibig sabihin nun ay okay sa kanya na tanggapin ko si Caleb bilang nobyo ko. Parang hindi pa ata handa si Mama na ipaubaya ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nag-iisip pa din ito na baka saktan lang ako ni Caleb at baka hindi naman talaga ako ang mahal niya. Walang palya si Caleb sa pagiging boy niya sa amin. Dahil nga hinayaan na siya ni Mama na tumulong sa store. Umaga pa lang ay nasa labas na ito ng bahay para isabay kami na pumunta sa tindahan. Noong una ayaw ni Mama pero dahil nga ma-tiyaga si Caleb. Araw-araw niyang ginagawa ay napa-oo din niya si Mama. Hindi nga lang siya nakikipag-chika-han. Maging ako ay tipid din makipag-usap dahil binabantayan ni Mama ang bawat galaw ko. Nai