KABANATA 37

2434 Words

  LAHAT ng tao doon ay napapalingon sa kasama ko. Sinusundan ng tingin si Caleb at aliw na aliw ang mga nasa tindahan dahil sa kanya! Instant celebrity, hindi tuloy kami makapamali!   "Ate, pa-picture."   Inabot sa akin ng dalagita ang hawak niyang cellphone. Wala na akong nagawa kundi kunan sila ng litrato.    "Sige, okay na po! Mamimili pa kasi kami ng misis ko!"    Nagulat ako sa announcement ni Caleb. Natatawang inakbayan niya ako at hinapit palapit sa kanya. Wala akong nagawa kundi mapatitig sa kanya. Mabilis na nag-init ang magkabila kong pisngi! Nagtilian ang mga tao doon. Hiyang-hiya ako pero tila mas ikinatuwa pa ni Caleb ang atensyon. Mas hinapit niya ako lalo sa kanya. Marahan ko siyang tinulak.   "Kagagalitan tayo kung hindi tayo matatapos ngayon." Sinimangutan ko siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD