WALA akong nagawa kundi ang sundin si Caleb. Hindi nga ako pumasok sa school dahil hindi din siya pumasok sa trabaho. Maga-away kami kung pipilitin ko pa. Bukod doon, bumabalik ang sakit ng panga ko. Hindi ako makakain at makanguya! Nagtagal kagabi ng ilang minuto pero nawala din. Akala ko hindi na babalik kaya sabi ko huwag na muna pumunta sa dentista ngayon. Pero nung nag-apply ako ng make-up. Napaiyak ako sa matinding sakit. Kumikirot na parang may kuryenteng dumadaloy sa panga ko hanggang sa ulo. Kaya dumiretso na kami sa Dentist. Iniwan namin si Nolan kay Mama kasama ang Yaya. Pagdating namin sa Dental Clinic ako agad ang inuna. Asawa ng kakilala ni Caleb ang may-ari kaya VIP ang turing sa amin. "You have no wisdom tooth. Okay ang ipin mo, Maam," sabi ng Dentista. Kumunot ang noo k