PAGDATING ni Trina sa tagaytay kung saan ang address na binigay sa kanya ni Clarence ay may lumapit agad sa kanya na isang matandang babae na tagalinis daw, at agad itong binigay sa kanya ang susi. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay agad niyang inilibot ang kanyang tingin sa loob.Wala pa masyadong gamit maliban sa mga couch na nakaayos ng mabuti, at isang flat screen TV. Tama lang ang laki ng bahay para sa isang pamilya. Hindi niya alam na may bahay pala ang kaibigan niya sa tagaytay, ni hindi naman kasi ito nabanggit sa kanya. Nakatayo lang siya sa loob ng bahay habang nakatanaw sa glass window kung saan kitang-kita niya ang karagatan at alon na humahampas sa puting buhangin. Hindi niya maiwasan ang tipid na mapangiti habang nakatanaw sa dalampasigan. Pakiramdam niya ay nare-relax siy