Chapter 55

1036 Words

NAKATITIG lang si Trina sa hawak na suicide note at cell phone na pag-aari ni Clarence. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya makapaniwala na talagang wala na ang kaibigan. Parang pinipiga pa rin ang puso niya sa pagkawala nito. Hindi siya lubos na makapaniwala na kikitilin nito ang sariling buhay para lang mai-donate ang puso nito kay Daryll. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang pinirmahan niyang papeles nung isang araw ay ang lahat ng mga pag-aari ng kanyang kaibigan. Nakasaad doon na mapupunta sa kanya ang lahat ng pag-aari nito. 'Yung bahay sa tagaytay ay hindi niya inaakala na ipinatayo pala ni Clarence para sa kanya, eh wala naman kasi itong nabanggit. At napunta rin sa kanya ang 15% shares nito sa Zandiego's Group. Lahat ng pag-aari nito ay nakapangalan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD