PABALING-baling ng higa si Trina sa malambot na kama at hindi mapakali dahil iniisip niya si Daryll. Kahit ano kasing gawin niyang pagpapansin dito ay hindi man lang siya nitong magawang tingnan, o sulyapan man lang. Hindi niya akalain na ibang klase pala itong magtampo at magselos. Pakiramdam niya ay parang kumikirot ang kanyang puso sa klase ng trato nito sa kanya. Kung siya ang papipiliin ay mas gusto pa niyang magalit na lang ito sa kanya, kaysa para siyang hangin lang dito. "Hays... ano kaya ang dapat kong gawin?" hindi niya mapigilang tanong sa sarili. Napayakap na lang siya sa puting unan na at nag-isip ng paraan kung ano ang dapat niyang gawin para mapansin ng asawa. Nang mapatingin siya sa nakasabit na orasan ay 06:32 PM na, kaya naisipan niyang lumabas na ng kuwarto para makapa