TULALA lang si Trina habang pinapanood si Daryll na nagpiprito ng manok. Hindi siya makapaniwala na marunong na nga talaga itong magluto, samantalang dati ay tadtad ng mura ang isda bago tuluyang maluto. Pero ngayon ay kalmado lang ito at parang nag-e-enjoy pa sa ginagawa. "I can't believe this, you really know how to cook," hindi makapaniwalang sambit habang nakatingin sa sariling plato kung saan may laman ng fried chicken. "Vanilla ice-cream, please?" parang bata niyang sabi sa asawa na kinailing-iling naman nito. "Tsk.. Lahat na lang ng kinakain mo ay hindi healthy para sa buntis." Napasimangot siya. "Anong magagawa mo? Bakit may angal ka?" Napailing naman ito at agad na binuksan ang ref bago kinuha ang isang maliit na cup ng vanilla ice-cream at ibinigay sa kanya. "Wala akong ang