Pagkapasok ni Trina sa loob ng hospital room ay agad niyang nakita si Clarence na nakaupo na sa kama, kausap na nito si Daryll at ng mga kaibigan nito. Agad na napalingon ang mga ito sa kanya nang marinig ang pagbukas niya ng pinto. “Wife.” Tumayo si Daryll at lumapit sa kanya, hinalikan siya nito sa pisngi. “We need to talk later, Daryll,” seryoso niyang wika sa asawa. “Sure, wife.” Malalim siyang napabuntong hininga at lumapit naman kay Clarence. “Hey, kumusta ang pakiramdam mo? Masakit ba ang balikat mo? Ang paa mo?” tanong niya sa kaibigan at naupo sa gilid ng kamang kinauupuan nito. “I'm okay, as long as you're okay,” sagot ni Clarence at tipid na ngumiti sa kanya. Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ng kaibigan. “I'm so sorry—” Hindi niya na tapos ang kany