Unti-unting iminulat ni Trina ang kanyang mga mata nang wala na siyang marinig na putok ng baril. Sa kanyang pagmulat ay sina Clea at Gillan agad ang nakita niya na parehas may hawak na baril, at nang mapatingin siya sa lalaking may hawak na baril kanina ay nakahandusay na ito sa semento at naliligo na sa sariling dugo. Napatingin si Trina sa lalaking yumakap sa kanya nang naramdaman niya ang unti-unti nitong pagbitaw. “A-Are you... o-okay, Trina?” nanghihirapang tanong ni Clarence sa kanya. Agad na nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa kaibigan na hinang-hina na sa pagbigkas ng salita. “Oh my god, Clarence! 'Yung balikat mo dumudugo!” taranta niyang wika nang mapatingin sa balikat ng kaibigan na umaagos na ang dugo. “P-Parang... n-nahihilo ako, kitten,” muling wika ni Clare