CHAPTER 6

1336 Words
FRANCHESKA POV BIGLA tuloy akong nauhaw kaya imbis na dumiretso sa building namin, lumakad ako papunta sa Haven ng mga Lazaro. Minsan lang ako pumunta rito dahil sa mga pinsan kong lalaki. “Oh, Francheska, you are here! Anong nakain mo at bakit nandito ka?” Katulad nitong si Tyron na siraulong sa aming magpipinsan, no, hindi lang pala siya. “Kukuha ako ng drinks. Alis!” malakas kong sabi sa kanya. “Bakit ang susungit ninyong lahat, ha? Una si Alice tapos ikaw naman ngayon? Araw ba ngayon ng red day—” “Babatuhin kita ng baso dʼyan kapag nagsalita ka pa.” Nakita kong tinikom niya ang kanyang bibig. “Ayan ang napapala mo, Tyron! Alam mo namang same ng ugali sina Alice and Francheska, right? Kaya donʼt talk to her na ganyan, okay?” Nakita ko si Queen na nasa pink sofa niya at may hawak na makeup brush niya. “Oo nga naman!” malakas na sabi ni Tyron at mabilis na lumayo sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at kumuha na lang ako ng maiinom dito sa Haven. Kinuha ko ang mandarin softdrinks and slice of strawberry cake, dalawa. “Francheska, masarap ang lunch later. Boneless chicken, fish fillet ang crab! Dapat yayain mo si Rosy na here mag—lunch! And, ano na pala ang ganap sa debut mo?” tanong ni Queen sa akin. Nilagay ko sa paper bag ang mga kinuha ko. “All is well, Queen!” sagot ko sa kanya. “Thatʼs good! May narinig ako sa quadrangle kanina, nag—debut daw siya this week. How much nga iyong nagastos nila? Oh, 2M, I guess? So cheap! Para sa debut ko ay aabot na mahigit 5M!” malakas na sabi ni Queen. Narinig din pala niya ang bruhildang iyon. “Narinig mo rin ba ang tungkol doon, Francheska?” Tumango ako sa kanya. “Yes, I heard it. Si Analyn ang nagsasalita from Tourism department.” “Oh? Ang yabang naman pala niya.” “Francheska, 18th roses ako, ha? Huwag mong kalimutan ang name ko, okay?” “Anong mayroʼn ngayon? Nandito ka pala, Cheska! Ano iyong 18th roses—debut mo pala next month. Kasama ba ako dʼyan?” tanong niya sa akin. Nakita ko si kuya Cole na nakataas ang labi sa akin. Nandito na silang lahat, kailangan ko nang umalis. Mahirap na at kapag nagsama—sama ay magkakaroon ng gulo rito lalo na kung nandito na rin ang kambal na sina kuya Chaser and kuya Louie? Gulo talaga ang buong Haven. Mabuti na lang ay wala pa si kuya Ryker, kuya Ryder naman ay wala tahimik lang ang isang iyon kaya kapag may gulo, hindi niya patitigilin. Hahayaan niya lang na magkagulo. Ganoʼn ang gusto niya. “Sino may debut next month?” Speak of the devil, nandito na rin sina kuya Chaser and kuya Louie. Si Alice kaya nasaan? Umikot ang mga mata ko at nakita ko ang isang room na occupied, mukhang nandoon siya. “Si Francheska! Debut niya! Naalala kong siya pala ang panganay sa kanilang lima nina Alice, Queen, Tyron, and Asher!” Nakangising sabi ni kuya Cole. Talagang inemphasize pa niya ang matanda sa aming lima, ha? Pasalamat siya at matanda siya sa akin. Ang dami naming magpipinsan, pero ang pinaka—matanda sa aming lahat ay sina kuya Jin, kuya Jix and kuya Jim, dads din kasi nila ang panganay na anak ni grandpa. Then, sumunod sina kuya Cole and kuya Harry, then sina kuya Hellion, kuya Lemillion, kuya Ryker, kuya Ryder, kuya Chaser, kuya Louie, and kuya Kaillion, then kaming lima na. Iyong iba naman ay iba rin ang gamit na surname na katulad ko, hindi ko na maalala kung sino—sino sila, alamin ninyo na lang. “Talaga ba? Nasa 18th roses mo rin ba kami, Francheska?” Nakangising tanong ni kuya Chaser sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Oo naman. Hindi 18th roses ang tawag sa debut ko, 18th tulips!” sagot ko sa kanya. “Oo nga pala ay tulips ang favorite flower mo. Sure, pupunta kami sa magde—debut naming pinsan.” Naalibadbaran talaga ako sa mukha nina kuya Chaser and kuya Louie, sino bang naaakit dito? “Okay. I need to go!” sabi ko sa kanila kahit nangangati ang dila ko kung bakit nandito si kuya Cole. Hello, matagal na kaya siyang graduate, sila ni kuya Harry. “Bye, Francheska! Basta tama iyong gown ko for your debut! And, huwag mo kong agawan ng pink theme!” Narinig ko pa ang boses ni Queen. “Pink? Sa kanya na ang theme na iyon, white and blue kaya ang akin!” sabi ko sa aking sarili at lumakad na pabalik sa building namin. Teka, si Alice? Hindi pa ba papasok? Same lang kami ng course ng isang iyon, iba nga lang section namin. “Cheska, ang tagal mo yatang dumating? Saan ka galing?” tanong ni Rosy nang makita ko siyang nakaupo sa silya niya. Nilapag ko ang pagkain sa kanyang harapan. “Galing ako sa Haven namin, kumuha ako ng food dahil nainis ako sa Analyn from Tourism department. Narinig kong pinagyayabang niya iyong debut niyang worth of 2M! Binara ko nga siya kanina roon sa quadrangle, then nainis ako kaya pumunta ako sa Haven. Kumuha ako ng food pero biglang dumating ang mga pinsan ko... Alam mo na kung sino ang mga iyon, Rosy!” mahabang sabi ko sa kanya habang hinihingal ako, tumakbo kaya ako. “Hindi ka pa masanay sa mga pinsan mo, Cheska. Maiingay naman talaga kayong mga Lazaro,” mahinang sabi niya. “Sila lang, ha? Hindi ako. Kaya nga hindi ako tumatambay sa Haven, ʼdi ba? But, anyway, huwag na natin iyon pag—usapan, Rosy! Dahil I have something to tell you!” madiin na sabi ko sa kanya at ininom itong dala ko. “Kahapon... Pagkauwi ko? Parang ordinaryo lang ang paligid, kumain pa nga ako ng cookies na binake ni mom then nang pumunta ako sa greenhouse niya, tinanong ako ni mom. Guess what kung ano iyon?” tanong ko sa kanya habang hindi maalis sa aking labi ang saya. “Ano? Huwag mo na akong bitinin, Cheska!” “Heto na nga... Tinanong ako ni mom if may gusto ba talaga ako kay Ninong Xeron, Rosy. Siyempre hindi na ako nakapagsinungaling, nagsabi ako nang totoo. Tapos, iyon pala may pa—surprise si mom sa akin dahil nang bumalik kami sa living room, nandoon si Ninong Xeron! Kaya nag—ask na ako sa kanya if mahal ba niya, just joking, kung pʼwede ba siyang maging escort ko sa aking debut! Kaya secured na siya, Rosy!” nakangiting sabi ko sa kanya. “Then, sinabi ko rin na bakit hindi niya ako ni—re—reply—an sa mga messages ko, inakit ko rin siya habang kami lang dalawa sa living room namin... Dama kong may gusto rin siya sa akin, nagpapakipot lang.” dagdag na sabi ko sa kanya. “Gaga ka talaga, Cheska! Wala siyang sinabi?” Umiling ako sa kanya. “Wala nga, eh! Akala ba niya ay titigilan ko siya? Hindi noh! Ako kaya ay isang Lazaro! Kaya magiging akin din siya!” Nakangising sabi ko sa kanya. Nakita ko na lang ang pag—iling ni Rosy sa sinabi ko. “Why? Wala naman mali sa sinabi ko, ha? Gusto ko lang talaga malaman niyang sa akin lang siya, okay? Baka magagawa pa ako ng mga babaeng umaaligid sa kanya! Gwapo kaya si Ninong Xeron ko!” Kailangan ko talagang bakuran si Ninong Xeron ko. “Oo na, Cheska. At least, may escort and last dance ka na talaga sa inyong 18th tulips mo.” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Totoo iyon! Kaya secured na secured na talaga!” Akin lang si Ninong Xeron, magiging akin din siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD