CHAPTER 7

1441 Words
FRANCHESKA POV “CHESKA!” Nakita ko si Rosy na kararating lang from campus. Nakita ko ang mukha niyang todo ang ngiti. “Anong mayroʼn, Rosy? Bakit ang laki ng ngiti mo, ha? May good news bang nangyari sa iyo, ha?” tanong ko sa kanya. Nilapag niya ang bag sa kanyang chair and tinignan niya ako. “May good news nga... Paano naman kasi ay ligtas na ako sa date na mayroʼn kami ni Stephan tomorrow. May practice sila that day,” sabi ni Rosy habang malaki ang ngisi sa kanyang labi. Naging happy na rin ako sa kanyang sinabi. “Mabuti naman kung ganoʼn nga, Rosy. At least, walang asungot tomorrow sa iyo,” sabi ko sa kanya. “Yes it is. Pero, magku—kulay red ako. How about you, Cheska?” balik na tanong niya sa akin. “Red of course! In love kaya ako dahil kay Ninong Xeron!” Tinaas—baba ko ang aking magkabilang kilay ko. “So, may date ba kayo ni Mr. Ford, Cheska?” tanong niya sa akin. Tinignan ko si Rosy and I sighed. “I hope so, Rosy. Gusto ko rin na maging ka—date siya bukas, Rosy. But, how? I mean, hindi nga siya sumasagot sa mga messages ko! Pero, I hope na may pa—surprise siya sa akin,” sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Rosy. Hinawakan niya ang aking magkabilang kamay. “Donʼt be sad, Cheska. For sure may pa—surprise si Mr. Ford sa iyo, okay? Kaya magiging maganda ang Valentines Day mo tomorrow,” sabi ni Rosy sa akin. “I hope so talaga!” Nakngusong sabi ko sa kanya. Sana talaga ay may pa—surprise si Ninong Xeron sa akin bukas. ~~°°°~~ Napadilat ako ng aking mga mata nang mag—ring ang aking alarm clock. Napangiti ako nang makita ang date roon. “Today is February 14!” malakas kong sabi at napatingin ako sa paligid dahil dama kong pagmamahalan ngayon. Iniisip kong may magbibigay sa akin na flowers today at si Ninong Xeron ang nasa isipan ko. Sana nga lang talaga. Bumangon na ako sa kama at mabilis na dumiretso sa aking bathroom para makaligo na ako at maisuot ang aking red shirt. In love kaya ako. Sobrang in love. Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na rin ako, sinuot ko ang red shirt ko na may puso pa sa left side kung nasaan ang heart ko, then for my bottom ay naka—skirt ako ng white and heels kong red and white too. Kailangan kong maging maganda ngayong araw. Naglagay na rin ako ng makeup ko, not overpowered, hindi katulad ng kay Queen na akala mo ay araw—araw ay putok ang magkabilang cheekbones niya. “Iʼm done!” Tinapos ko sa liptint ang aking makeup. “Napaka—ganda natin, Francheska!” Nakangiting sabi ko at flinip ang aking hair, kinulot ko lang ang dulo nuʼn. Lumabas na rin ako sa walk—in closet ko na dala ang aking sling bag, kaunti lang ang dadalhin ko today. Panigurado namang wala kaming gagawin today dahil may pa—festive sila para sa Valentines Day. “Good morning, mom!” malakas kong bati nang makarating ako sa dining hall. Nakita ko sina mom, dad and kuya Harold. Nakita ko ang paghagod ng tingin ni kuya Harold sa akin. “What? Ang ganda ko ba today? I mean, always naman akong maganda.” Nakangiting sabi ko sa kanya at naupo ako sa tabi ni mom. “Mom, nababaliw na niyang si Cheska!” I rolled my eyes to him. “Inggitero ka talaga!” malakas na sabi ko at nagsandok na rin ako ng pagkain ko, nagugutom na ako. “You are so beautiful, Cheska. Why are you wearing red shirt?” tanong ni mom sa akin. Tinignan ko si mom and naningkit ang aking mga mata sa kanya. “Mom, hindi mo ba alam na today is Valentines day kaya nga naka—red shirt ako ngayon because Iʼm in love!” malakas na sabi ko sa kanya. “In love? Kanino, ha?” “Mom, may lamok na umeepal na naman,” sabi ko at hindi tinignan si kuya Harold. “Valentines Day pala today? Kaya pala binigyan ako ng dad ninyo ng gamit for my garden.” Napatingin kami kay mom. Gamit for her garden? “Thanks for that, Henry!” Ibang klase talaga si mom, ano? “No worries, Frances. Alam mo naman kung gaano kita ka mahal. I know na ayaw mo ng flowers lalo naʼt ang dami mong flowers sa greenhouse mo.” Nag—iiba ang tingin ni dad kapag si mom ang kausap niya. “Miss Francheska, may delivery po para sa inyo.” Napatingin kaming lahat kay ate Pola nang magsalita siya. Nakita ko siyang may hawak na bouquet of flowers, chocolates na malaki and paper bag na kulay red. “K—kanino po galing iyan, ate Pola?” tanong ko sa kanya. “Nagtanong pa siya, oh. Binili mo lang naman niyan at pina—set na i—deliver dito.” Sinipa ko si kuya Harold. “Gawain mo iyon kaya pinapasa mo sa akin?” balik na sabi ko sa kanya kaya hindi siya nakapagsalita. “Harold, donʼt say that, okay? Pola, sino ang nagbigay ng mga iyan?” malumanay na tanong ni mom sa kanya. “Sabi po ng delivery man ay galing daw po kay Mr. Xeron Ford—” “Kay Ninong Xeron?” bulalas kong tanong sa kanya. Tumango siya sa akin kaya tumayo na ako at nilapitan ang bouquet of tulips, chocolates and paper bag na red. “B—bigay po talaga ito ni Ninong Xeron, ate Pola?” Tinuro ko ang mga dala niya. “Opo, Miss Francheska. Sa inyo po ito at galing po sa kanya.” Napalingon ako kay mom. “Mom...” “Mag—thank you ka sa kanya, Cheska.” sabi ni mom sa akin. Ngumiting tumango ako sa kanya. “Of course, mom! I will!” Ang laki ng aking ngiti sa labi ko nang sabihin ko iyon sa kanya. Tinignan ko si kuya Harold. “How about you? Wala ka man lang ibibigay sa akin?” tanong ko sa kanya at nilahad sa kanya ang aking kamay. “Mamaya pagkauwi mo.” Napailing na lang ako sa kanya. “Ako na nga lang ang sister mo tapos wala ka pang ibibigay!” Tinignan ko siya nang masama at binalik ang bouquet of tulips kay ate Pola. Pi—picture—an ko iyon mamaya. Binilisan kong kumain at nang matapos ay umalis na rin ako sa dining table. Lumakad ako papunta sa living room at nagpa—picture ako kay ate Pola. “Maganda ba ako dʼyan, ate Pola?” pagtatanong ko sa kanya. “Yes po, Miss Francheska.” Pinakita ko sa picture ang bouquet of tulips, chocolates and bag na branded, galing doon sa paper bag na red. “Really? Thanks, ate Pola!” Tumayo na ako at muling pinicture—an ang mga iyon, tig—iisang shot. Ipo—post ko sa aking social media para naman maging star ako ngayong Valentines Day! Nang ma—picture—an ang mga iyon ay nagpost na rin ako sa aking social media at naglagay ng caption na. “I feel in love today! Thanks, my Valentino!” Iyon ang caption ko and pinost ko na iyon. Paniguradong maraming magko—comment sa mga kamag—anak namin and especially mga pinsan ko. Tsismoso at tsismosa kaya ang mga iyon lalo na si Queen. Kaya paniguradong dudumugin itong post ko. “Ate Pola, pakilagay po ang lahat ng ito sa room ko, ha? Thanks! Papasok na po ako sa campus!” sabi ko sa kanya at lumakad na ako palabas. Excited na ako i—tsismis kay Rosy ito. Paniguradong maging siya ay kikiligin din sa sasabihin ko. Nasa loob na ako ng car nang maalala kong hindi pa pala ako nakapag—chat kay Ninong Xeron kaya nagchat na ako sa kanya, baka makalimutan ko pa. Francheska: Ninong Xeron, thanks for the bouquet of tulips, chocolates and bag! Sabi na nga baʼt may gusto ka rin sa akin. I knew it! I love you so much, Ninong Xeron! Chat ko sa kanya para sa pa—thank you rito sa kanyang gifts. Mahal talaga ako ng universe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD