FRANCHESKA POV
NAGMAMADALI akong lumakad papunta sa building namin kahit may natanggap akong chat na need kong pumunta sa Haven, pero wala naman akong pake sa kanila. Kaya mamaya na lang ako pupunta sa Haven.
“Oh my gosh! Ang ganda ng design ng campus, ha? Love is in the air talaga!” nakangiting sabi ko habang dinadama ko ang paglalakad sa buong paligid.
“Hey, Francheska! Ang ganda ng ngiti mo, ha?”
Nagulat ano nang may umakbay sa akin, nilingon ko iyon and nakita ko si kuya Ryker. “Oo nga naman pala, Valetines day! May nakuha ka na ba?” tanong niya sa akin. “Naka—red and white ka pa, ha?”
Hinawakan ko ang kanyang kamay at inalis iyon sa akin. “Of course, I am! Hindi mo ba nakita ang pinost ko?”
“Oh... Nakita ko.” Bumalik muli ang kamay niya sa aking balikat at lumakad kaming dalawa.
“Hey, saan mo ko dadalhin?” tanong ko sa kanya nang makitang nakatingin sa amin ang iba.
“Sa Haven. May na—receive ka naman sigurong chat sa GC natin?”
“Mamaya pa ako pupunta roon!” sabi ko sa kanya, pero hindi siya nakinig sa akin.
Dumating kami sa Haven na ang daming design na heart din. “Hello, Francheska and kuya Ryker! Look at my outfit! Para akong si Ms. Cupid, right?”
Alam ko na kaya galit si Alice sa kanya, ang sakit sa tenga ng kanyang boses.
Nakita ko si Alice na nakaupo sa tapat ng Playstation, naglalaro silang dalawa ni Tyron, paniguradong pustahan iyon.
“Ano bang gagawin natin dito?” tanong ko sa kanila.
“Magbibigay sila ng Valetines gift sa atin, Francheska! Oh, nakita ko ang post mo pala. Kaninong galing iyon?” tanong niya sa akin.
Napaka—tsismosa talaga niya.
“Wala! Huwag mo ng alamin,” sabi ko sa kanya.
“Okay, kahit hindi mo na pala sabihin sa akin ay alam ko naman na... Iyong Ninong Xeron mo, right?”
Sarap talaga tirisin ang isang ito, ano?
Pinang—ikutan ko ng mga mata ko si Queen. “Ibigay ninyo na ang ibibigay ninyo sa akin. May kailangan pa akong gawin sa classroom,” sabi ko sa kanila.
“Parehas talaga kayo ni Alice, masyadong mainipin.” Nakita ko ang pag—iling ni kuya Ryker habang sinasabi niya iyon.
“May kailangan naman talaga akong gawin, kuya Ryker. Kaya dali nasaan na ang ibibigay ninyo sa amin?” Nilahad ko na ang aking kamay sa kanyang harapan.
“Heto na. Tig—iisa kayong tatlo dʼyan, ha? Tig—isang bouquet of flowers, isang malaking chocolates, pair of shoes, and bag para sa inyong tatlo,” sabi ni kuya Ryker. “Kumuha na kayo kahit wala pa ang iba.” dagdag niyang sabi sa amin.
“Okay!” Ngumiti ako sa kanya. “Thanks!” Lumakad na ako papunta sa harap at kinuha ang flowers, tatlong piraso lang iyon, chocolates na kasing laki ng face ko—saan naman kaya nila nabili ito? Next kong kinuha ay ang paper bag na may shoes and bag.
Para akong may boyfriend na rin, pero hindi pa rin nila nasapat ang ginawa ni Ninong Xeron ko.
“Alis na ako!” malakas na sabi ko at kumuha na rin ng can of softdrink and biscuits.
“Wala talaga akong masabi sa iyo, Francheska! Para ka talagang si Alice bigla—bigla na lang umaalis!”
“Katulad ng sinabi ni Francheska kung wala lang akong ginagawa today at hindi ako nakipagpustahan sa Tyron na ito ay aalis na rin ako.”
“Tignan mo! Parehas talaga kayo ng ugali nitong si Francheska.”
“Because weʼre cousin!”
“Magpinsan kaya kami, duh?”
sabay naming sabi kay kuya Ryker.
Nakarinig kami nang malakas na tawag mula sa kanya, hindi lang sa kanya dahil maging kay Tyron kaya nakatikim siya ng batok kay Alice.
Makaalis na nga.
Hindi na lang ako umimik pa at lumakas palabas sa Haven namin. Nakita ko na naman ang mga makukulay na design sa buong paligid.
“May heart stage sa may west wing! Pumunta tayo roon!”
“May photobooth sa east wing!”
“May dedication board sa may center ng quadrangle. Ilalagay ko roon na crush ko si Ryker!”
“Pagkakataon ko na for Chaser!”
Naririnig ko ang mga boses sa paligid ang dami nilang gagawin dahil maraming activities ngayong araw. Nakita kong napalingon sila sa akin dahil sa bitbit ko. Sinong hindi makakapansin sa akin ngayon.
Malapit na ako sa building nang mapansin ko ang Analyn na iyon. Napangisi ako kasi dahan—dahan akong lumakad palapit sa kanila. Kaya nakita kong napalingon sila sa akin lalo na siya. Nakita ko kung paano namilog ang kanyang mga mata.
Tinignan ko siya at ngumiti nang malaki. “Hello!” Tinaas ko ang aking mga dala imbis na kumaway ako.
Nakita ko ang kanyang ngipin na nagngitngit.
“Sana mayroʼn din kayo. Oh! Alam kong may magbibigay ng flowers near sa garden later... Alam ko ay project iyon ng mga agriculture students, so, kuha na lang kayo roon. Support you know?” Nakangiting sabi ko sa kanila.
“Ang sinasabi mo ba ay walang magbibigay sa amin—”
“Bye! Happy Valentines day!” malakas na sabi ko at mabilis na lumakad papunta sa building namin.
“Argh! Bwisit ka, Francheska!”
Napahalakhak na lang ako nang marinig ko ang malakas niyang boses.
“Bigay ng mga pinsan mo?” tanong ni Rosy nang mapaupo ako sa silya ko.
“Yes, Rosy. But, hindi lang ito ang mayroʼn ako...” Napatingin ako sa paligid at bumulong sa kanya. “Nagsend si Ninong Xeron sa akin ng mga tulips, chocolates and bag. Nagulat nga ako kanina nang sabihin ni ate Pola na may delivery raw ako, iyon pala galing sa kanya.” Kinikilig na sabi ko habang hindi maalis ang malaking ngiti ko sa aking labi.
“Oh my gosh! Seryoso ba? Iyon ba ʼyong pinost mo kanina?”
Tumango ako sa tanong niya. “Yes, iyon nga! Hindi ko pa rin talaga inaasahan ang bagay na iyon. Akala ko talaga ay matatanggap ko lang ulit ay galing sa mga pinsan and kapatid ko, but no! Nag—iba ang ikot ng mundo para sa akin! Kinikilig talaga ako!” Napapikit ako habang ninanamnam ang tamis at saya na nakuha ko ngayong araw.
“Iʼm so happy for you, Cheska!”
Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Kaya ikaw, Rosy, humanap ka na rin ng iba. Huwag kang mag—stick sa sigbin na iyon. Ang daming boys sa buong paligid, ano ka ba!” sabi ko sa kanya. “Oo nga pala, nakasalubong ko sila Analyn... Nagmayabang ako katulad ng pagmamayabang niya about sa kanyang debut. Napahiya ang mga gaga nang sabihin kong pumunta sa Agriculture department para makakuha ng bulaklak. Nagngitngit ang ngipin ng mga gaga!” Tsika kong sabi sa kanya.
“Really? Deserve naman nila ang mga iyon!” Tumango ako sa kanyang sinabi.
~~°°~~
Natapos na rin ang Valentines Day na wala pa akong natatanggap na reply mula kay Ninong Xeron. Nalulungkot na tuloy ako.
“Hey, Cheska, iyong Valentines gift ko ay nasa room mo na!”
Napahinto ako sa pag—akyat nang marinig ang sinabi niya. “What? Binuksan mo ang room ko? Pervy!” malakas kong sabi sa kanya.
“Hoy! Si ate Pola ang nagbukas ng room at pinalagay ko sa room mo!”
Nakahinga ako sa kanyang sinabi. “Mabuti naman!” malakas na sabi ko at umakyat na muli sa room ko.
Pagbukas ko sa aking room ay nakita ko ang tinutukoy ni kuya Harold, may isang paper bag doon kaya binuklat ko iyon and nakita ang backpack na branded.
Ang dami ko ng bag.
Pumasok na ako sa walk—in closet para makapagpalit ako ng damit. Nang matapos ay lumabas na rin ako at nakita ko ang aking phone na umiilaw na nasa side table.
Nagmadali akong kinuha iyon and nakita ko ang name ni Ninong Xeron kaya nagningning ang aking mga mata. Binuksan ko na agad ang kanyang message and hindi ko napigilang mapangiti nang malaki.
Si Ninong Xeron talaga!
Ninong Xeron:
No worries for the gifts.
I hope you like it!
Naramdaman kong namula ang magkabilang pisngi ko, as in pulang—pula. Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi ko.
Napatili ako dahil for the first time ay nagreply siya sa akin. “Heto na iyon, Francheska! Heto na ang hinihintay nating love life!” malakas kong sabi sa aking sarili.
Heto na. Umuusbong na ang aking love life. Maaakit ko na rin siya.
Francheska:
Yes, gustong—gusto ko ang gift mo, Ninong Xeron. Until next time, okay?
But, I want kiss from you. Iyon ang gusto kong makuha na gift from my debut. Can I get that?
Reply ko sa kanya.
Iyon talaga ang gusto kong makuha, ibigay kaya niya sa akin?