CHAPTER 9

1444 Words
FRANCHESKA POV MABILIS lumipas ang araw nang makita ko sa calendar na bukas ay debut ko na. “Debut ko na talaga bukas!” Hindi ako makapaniwala dahil pagkatapos ng ilang araw na paghihintay kong birthday ay darating na rin. “Cheska, iha? Gising ka na ba?” Narinig ko ang boses ni mom kaya mabilis akong lumakad para pagbuksan siya ng pinto. “Good morning po, mommy! Kanina pa po ako gising. Nakakain na rin po ako ng breakfast ko. Bakit po?” tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagngiti ni mommy. “Ganoʼn ba? Hindi ko kasi namalayan ang oras sa greenhouse. Halika sa ibaba, ipapakita ko sa iyo ʼyong mga tulips, napaka—ganda ng tubo para sa debut mo bukas,” malumanay na sabi ni mom sa akin. “Talaga po, mom? Sige po, tara po!” sabay na kaming bumaba sa living room namin. Lumakad kami papunta sa greenhouse ni mommy at doon ay nakita ko ang tinutukoy niyang mga tulips. Ang ganda nga ng tubo ng tulips ni mom. “Mommy, ang ganda nga! Thank you po sa pagtanim at pag—alaga nito.” Nakangiting sabi ko sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. “No worries, anak. Para sa 18th birthday mo ay gagawin ko ang lahat.” “You are the best, mom! Sobra—sobra po!” nakangiting sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. “Gusto ko lang na maging ang debut mo, Cheska. Kaya dapat maaga kang matulog mamaya, ha? Handa na ang lahat—lahat for your debut. Kaya tomorrow ay mag—enjoy ka lang.” Tumango ako sa kanyang sinabi. Iyon naman talaga ang gagawin ko ang mag—enjoy bukas. Lalo na si Ninong Xeron ang aking escort and my last dance. Kinikilig na tuloy ako kahit bukas pa ang aking debut. ~~°°°~~ Naging maaga ang gising ko dahil ngayong araw ay debut ko na. Dinilat ko na ang aking mga mata at ngumiti nang malaki habang nakatingin sa paligid. Yes, today is my 18th birthday. Hindi ko mapigilang mapangiti nang malaki kaya bumangon na ako sa kama ko. Nag—unat ako ng aking mga kamay ko at napahikab. “Good morning and happy birthday, Francheska!” Nakangiting sabi ko habang may malaking ngiti sa aking labi. Lumakad na ako papasok sa loob ng bathroom ko para makapaghilamos na ako. Aalis pa kami papunta sa Lazaro Hotel dahil doon gaganapin ang debut ko kahit 6PM pa ang start nuʼn. Nang matapos akong makapaghilamos ay nagpalit ako ng damit ko. Hindi pa naman magarbo itong suot ko dahil aayusan pa ako kaya nga hindi rin ako naligo pa, doon na lang ako sa hotel maliligo. “Good morning and happy 18th birthday, Miss Francheska!” nakangiting sabi sa akin ng mga kasambahay namin ng makababa ako. Ngumiti ako nang malaki. “Thanks po! Imbitado po kayong lahat, ha?” sabi ko sa kanila. Kasama ang lahat ng kasambahay namin. Lumakad na muli ako hanggang nakita ko sina mom and kuya Harold na nasa dining hall. “Good morning, Cheska. Happy birthday, anak.” Nakangiting sabi ni mom sa akin. Niyakap at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. “Thanks, mom! Hindi na ako makapaghintay sa birthday party ko later!” Kinikilig na sabi ko sa kanya. “Oh, legal age ka na ngayon! Pʼwede ka na mabuntis—” “Harold!” Nagulat kami nang magsalita si mom nang madiin at malakas. Napatingin ako sa kanya at dinilaan. “Buti nga sa iyo,” mahinang sabi ko sa kanya. “Donʼt say that again, Harold. Masyado pang bata si Cheska para roon. Sa ngayon ay i—enjoy mo muna ang pagiging dalaga mo. Hindi naman kami tututol ng dad mo kung magkaroon ka na ng boyfriend, kung maging kayo ni Xeron. Pero, tapusin mo muna ang pag—aaral mo. Huwag ka tumulad sa akin na maaga akong nabuntis... Hindi ko naman pinagsisihan iyon lalo naʼt si Harold ang lumabas at sumunod ka rin after ng ilang taon. Mahal na mahal ko kayong dalawa,” nakangiting sabi ni mom sa akin. Napalunok ako sa kanyang narinig. “Mom, donʼt say that! Mas proud kaming ikaw ang mom namin.” Nagulat ako nang yumakap na rin si kuya Harold sa amin. “Hey, huwag kang yumakap, kuya Harold!” Inuusog ko ang mukha niya pero hindi siya sumusunod sa akin. “Kayong dalawa talaga. Kumain na tayo ng breakfast at para makapunta na tayo sa Lazaro hotel para maayusan na itong si Cheska,” sabi ni mom kaya umalis na rin si kuya Harold. Ang lagkit—lagkit kaya niya. Mukhang hindi pa siya naliligo. Naupo na ako sa tabi ni mom at doon ko nakirang wala si dad. Nangunot ang noo ko nang mapatingin sa pʼwesto niyang sa gitna. “Um, n—nasaan po si dad?” tanong ko sa kanila. Nakita ko ang mukha ni kuya Harold na napatingin kay mom. “May inaasikaso lang sa company ang dad mo, Cheska. Sa hotel naman na siya susunod kaya huwag kang mag—alala, okay? Darating ang dad mo sa inyong debut,” sabi ni mom, bakas sa boses niya assurance roon. “Yes, Cheska. May importante lang na kailangan sa company ngayon,” segundang sabi ni kuya Harold sa akin. Tinignan ko silang dalawa. “Dapat lang na pumunta si dad, mom and kuya Harold. Hello? Ako lang naman ang nag—iisang daughter niya tapos wala pa siya sa debut ko? Uunahin niya iyong company niya kaysa sa debut ng kanyang magandang anak! Magagalit ako kay dad if gawin niya talaga iyon!” malakas na sabi ko at napanguso. “Magandang anak na magde—debut today? Nasaan iyong magandang anak?” Nakita ko ang mukha ni kuya Harold na naghahanap ng maganda ngayon. Kinuha ko ang aking spoon at pinalo ang kanyang kamay. “Hey! Anong sinasabi mo, ha? Hindi ako maganda? Hello, kamukha kaya ako ni mom, kuya Harold! Tsk! Huwag mo ko ini—stress ngayon. Donʼt forget na birthday ko today, okay? Maging mabait ka dapat sa akin! Nasaan pala ang gift mo? Hindi ako tumatanggap ng hindi at wala akong regalo, okay? So, nasaan ang gift ko?” pagtatanong ko sa kanya at nilahad ang aking palad sa kanyang harapan. Nakita ko ang pagngiwi ng kanyang labi. “Wala?” Pinangdilatan ko siya ng mga mata ko. “Of course—” “Kumain na tayong tatlo at mamaya na niyang gift—gift na iyan. Kailangan ay maaga tayo dahil darating ang mag—aayos sa iyo ng by 1PM at start ng debut ng 6PM pero magpapasok na ng 5PM. Kaya huwag na muna kayong mag—away—away dʼyan,” sabi ni mom sa amin ni kuya Harold. “Mommy, siya lang naman iyon. Pakiramdam ko talaga ay wala siyang gift sa akin.” sabi ko at tinuro si kuya Harold. “May regalo ako, Cheska. Paniguradong iiyak ka sa magiging gift ko sa iyo.” Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. “Iiyak? Baka prank niyan, ha?” Umiling siya sa akin. “Siguraduhin mong hindi niyan prank, okay?” babalang sabi ko sa kanya. Kapag prank talaga ang gift niya sa akin, isusumbong ko siya kay grandpa. Speak of grandpa. “Mom! Ano kayang klaseng car ang ibibigay ni grandpa sa akin? Debut ko na... Ako ang unang magkakaroon ng car sa aming lima nina Alice, Queen, Tyron and Asher! Kaya ano kaya ibibigay sa akin?” Nakangiting tanong ko kay mom. “Truck ang ibibigay ni grandpa sa iyo—” “Hindi ka kasali sa usapan namin!” pambabara kong sabi kay kuya Harold. Napabaling ang aking tingin sa kamay ko nang hawakan ni mom iyon. “Paniguradong maganda ang ibibigay ni dad sa iyo, Cheska. Katulad ng sa kuya Harold mo. Huwag muna iyon ang isipin mo dahil wala ka pang license, pang—student license pa lang ang mayroʼn ka. Ang isipin mo ay ang debut mo today. Kaya bilisan ninyong kumain para makaalis na rin tayo,” sabi ni mom sa amin. “Bilisan mo raw kumain, Cheska.” Nakangising sabi ni kuya Harold at nauna na siyang kumain. Hindi na rin ako nagsalita at kumain na rin ako. Baka nga mahuli pa kami sa pagpunta sa Lazaro hotel. Masira pa ang debut ko dahil kay kuya Harold. Sa kanya ko isisisi ang lahat kapag pumalpak ang aking debut.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD