FRANCHESKA POV
NAKAAYOS na kaming lahat pero si dad ay wala pa rin talaga. Ano ba talaga ang inaasikaso niya sa company today? Hindi ba pʼwedeng ipa—bukas iyon?
Sa debut party ko pa talaga?
Hawak ko ang aking phone and naka—maong shorts and pink shirt lang ako today dahil magpapalit din naman ako.
Nakita ko ang phone kong may message galing kay Rosy.
Rosy:
Good day, Cheska!
Happy happy 18th birthday!
See you later, okay?
Legal age ka na!
Love yah!
Napangiti ako sa chat niyang iyon. Hindi pa rin talaga nagbabago si Rosy simula noong naging magkaibigan kaming dalawa.
Francheska:
Thanks, Rosy!
Donʼt be late, ha?
Ihanda mo na rin ang long message mo sa akin, okay? Dapat iyong maiiyak ako, char!
See you later too!
Reply ko sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti. Umalis ako sa conversation namin at pumunta sa conversation namin ni Ninong Xeron.
Francheska:
Hello, Ninong Xeron!
Good morning! Today is my birthday, okay? Donʼt forget na ikaw ang akin escort and my last dance, ha?
18 na ako and Iʼm legal now!
You know what I mean. Hihi.
Love yah!
Nagchat ako sa kanya para naman maalala niya at baka kasi nakalimutan na niya ang tungkol sa aking debut.
Hindi pʼwedeng mangyari!
“Hey, Cheska! Aalis na tayo!”
Narinig ko ang boses ni kuya Harold na tumatawag. Nandito naman na ako sa labas ng room ko.
Kaloka siya.
“Pababa na ako! Sandali lang!” malakas na sabi ko at ilalagay ko na sana ang aking phone sa sling bag ko nang makita kong umilaw ang aking phone.
Tinap ko ang screen na iyon and nakita ko ang name ni Ninong Xeron. “Oh my gosh!” Hindi ko napigilang mapatili nang malakas.
“Hoy, Cheska, anong nangyayari sa iyo sa itaas?”
Narinig ko na naman ang boses ni kuya Harold. Hindi ba siya pʼwedeng tumahimik man lang kahit saglit?
“W—wala! Saglit lang may kukunin lang ako. May nakalimutan akong kunin!” malakas kong sabi at chineck ang message niya sa akin.
Ninong Xeron:
Good morning, Fran.
Hindi ko nakalimutan ang tungkol sa birthday party mo. Iʼll be there before mag—umpisa ang party. Huwag kang mag—alala.
Naramdaman kong namula ang aking magkabilang pisngi dahil sa aking nabasa. Sure na sure na talagang pupunta si Ninong Xeron sa debut ko, may escort and last dance na talaga ako.
Francheska:
Hindi ako makapaghintay na makita ka mamaya, Ninong Xeron!
Gusto kong makita na suot mo ang pinagawa kong suit for you kung bagay ba. Dalawa iyong pinagawa ko, pares iyon para sa two gowns ko later.
See you later, Ninong Xeron!
Reply ko muli sa kanya. Ang isang gown ko ay for opening then ang second gown ay for my performance at sa 18th tulips ko. Iyon ang nasa schedule ng aking party.
“Ang tagal mong bumaba, Cheska. Gusto mo bang ma—late tayo ng dating sa Lazaro Hotel? Kapag na—late tayo ikaw naman ang may kasalanan, sa iyo rin naman debut party iyon.” Nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng kanyang labi.
Pinang—ikutan ko siya ng mga mata ko at nakita ko na sila ate Pola na nasa sofa at mga nakaupo, nakabihis na rin sila.
“Sorry po kung late akong nakababa. Tara na po? But, whereʼs mom?” I asked them.
“Nauna na sa labas at inaasikaso ang tulips para sa 18th flowers mo,” sabi niya sa akin.
“Whereʼs dad? Wala pa rin ba siya? Ano ba talaga mayroʼn sa company ngayon?” tanong ko kay kuya Harold.
“May inaasikaso lang talaga si dad sa company, Cheska. Tumawag naman na siya kay mom na didiretso na siya sa Lazaro Hotel. Kaya umalis na tayo, anong oras na.” sagot niya at pinakita ang kanyang wristwatch na ala—una naʼng hapon.
Napatango na lang ako sa kanyang sinabi. Lumakad na ako at sumunod na rin sila sa amin, nakita namin si mom na nasa tapat ng isang Morse, dalawang kotse ang dala namin, isang van na seventeen seater and isang car na seven seater naman.
“Sumakay na tayo. Nasa van na ang mga tulips na gagamitin para sa 18th flowers mo, Cheska.”
Ngumiti ako sa kanyang sinabi. “Thanks po, mom!”
Sumakay na kaming lahat sa sasakyan, si kuya Jeffrey naman ang nag—drive para sa amin at si kuya Wakim naman nag—drive sa van. Umandar na rin ang sasakyan papunta sa Hotel Lazaro.
Nakarating na rin kami sa hotel kung saan gaganapin ang aking debut party. Nandito na rin ang aming coordinator kaya sila ang kumuha ng mga tulips na dala ni mom. Ako naman ay lumakad papunta sa venue, nakita ko ang kabuuan nuʼn puro tulips ang nasa paligid and naghahalo ang blue and white na color sa buong paligid.
“Ang ganda!” bulalas na sabi ko.
“Thank you for the feedback, Miss Francheska.”
Napatingin ako sa organizer ng aking debut mo. “No worries, maganda naman talaga. Hindi na tuloy ako makapaghintay na mag—umpisa ang debut ko,” nakangiting sabi ko sa kanya.
Yumuko siya sa akin kaya tumango ako. Hindi na ako umikot—ikot pa dahil nag—aayos pa rin sila hanggang ngayon, makaka—istorbo pa ako sa work nila.
“Cheska, come on? Pumunta na tayo sa hotel room mo. Naghihintay na roon ang makeup artist mo,” sabi ni mom nang makabalik ako sa kanila.
“Okay po, mom. Tinignan ko lang iyong venue po,” sabi ko sa kanya.
“Maganda ba, Cheska?”
Sunod—sunod akong tumango sa kanya. “Opo, mommy. Hindi pa tapos pero sobrang ganda na po. Hindi na po ako makapaghintay na mag—umpisa ang debut ko po.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Hinawakan ni mom ang aking kamay. “Lahat ay gagawin ko for you, Cheska.” Napangiti tuloy ako sa kanyang sinabi.
Nakarating na rin kami sa aming hotel room, nadatnan namin na nandoon na ang makeup artist and hair stylist ko, nakita ko rin ang dalawang gowns kong naka—display roon, may mannequins silang dala.
“Good day! Pasensya kung nahuli kami. Kumain na ba kayo? May pina—deliver na ako. On the way na rin dito,” sabi ni mom nang makalapit siya sa mga mag—aayos sa amin. “Harold, check my phone, okay? Baka dumating ang delivery ng food and your dad too. Baka mag—chat na rin siya.” dagdag na sabi ni mom kay kuya Harold.
“I understand, mom!”
Wala pa rin si dad? Nasaan na ba siya? Mas importante ba ang business niya kaysa sa debut ng kanyang nag—iisang anak na babae?
Hello?
“Miss Francheska, nakaligo na po ba kayo? Umpisahan na po natin ang pag—aayos sa inyo.”
Napatingin ako sa kanya. “Hindi pa po. Mag—sha—shower lang po ako... Mabilis!” sabi ko sa kanila at mabilis akong pumasok sa bathroom ng hotel room. Mayroon naman doon na bathrobe and dala ko rin ang aking soap, shampoo and conditioner ko na nasa travel size nito. Mabilis akong naligo, siyempre nagkuskos ako ng aking katawan para walang libag na makita si Ninong Xeron ko.
Hindi rin nagtagal ay natapos na rin ako. Nag suot ako ng aking underwear, cycling shorts and aking tube.
Nagdala ako.
Sinuot ko na rin ang bathrobe sa aking katawan at lumabas na rin. Hindi ako pʼwedeng maglagay ng kahit ano sa aking mukha dahil skin care first.
“Sorry! Ready na akong ayusan! Wala akong nilagay na kahit ano sa face ko,” sabi ko sa kanila at nakita kong dumating na ang pagkain na pina—deliver ni mom, pero si dad wala pa rin.
Saan ba talaga siya pumunta?
Magagalit at magtatampo talaga ako kapag hindi na talaga dumating si dad.
Bwisit!