FRANCHESKA POV
“WHEREʼS dad? Wala pa rin ba siya?” tanong ko sa kanila.
Napahinto sila sa pagkain at tinignan ako. “Cheska, iha! Kumain ka muna bago ka ayusan. Paniguradong magugutom ka at hindi pa rin tayo nagla—lunch,” sabi ni mom sa akin.
Hindi nila sinagot ang tanong ko. Lumakad ako palapit sa kanila at kinuha ang aking food, naupo ako sa tabi niya at kumain na rin. Kumakain pa rin naman ang mga mag—aayos sa akin kaya okay lang. Nang matapos akong kumain ay nagsepilyo na rin ako at nagmumog para walang amoy ang aking bibig.
Naupo na rin ako sa harap ng vanity morro para maumpisahan na rin nila akong ayusan. Nilinis muna nila ang aking face na dala kong skin care and naglapat na rin sila ng makeup sa aking mukha, halos hindi ko masundan ang pinaglalagay nila sa aking face. Minsan kasi ay pinapapikit nila ako para lagyan ng color ang aking talukap. Ngayon ay nakita ko na ang sarili ko na naka—full makeup.
“You are so pretty, Miss Francheska. Kamukhang—kamukha mo si Mrs. Frances,” sabi ng makeup artist ko sa akin.
“Of course, nag—iisang anak ko siyang babae kaya kamukha ko siya.” Nakangiting sabi ni mom sa akin.
Hinaplos niya ang aking buhok na nakaayos na rin, ngumiti lang ako kay mom at tumayo na rin ako para isuot naman sa akin ang aking first gown, kulay white and blue iyon na maraming beads na sa ibaba ng dress.
“Para kang prinsesa, Miss Francheska. Magniningning ka ngayong gabi,” nakangiting sabi ng hair stylist ko.
“Sobrang thank you po,” nakangiting sabi ko sa kanila dahil sa mga papuri na nakukuha ko mula sa kanila.
Napatingin ako sa full body mirror at nakita ko ang aking sarili, sobrang ganda ko nga. Napatakip ako ng aking bibig dahil sa nakita mo sa mirror. “A—ako po ba talaga ang nasa mirror ngayon?” pagtatanong ko sa kanila habang hindi pa rin makapaniwala.
“Of course, iha. Ikaw niyan, Cheska. Napaka—ganda ng anak ko!” Hinaplos ni mom ang aking buhok habang nakatingin kami pareho sa full body mirror na nandito. “Harold, maganda ang kapatid mo, right?” Dinamay niya pa si kuya Harold.
Nakita ko ang pagtayo niya at tumàngo sa akin. “Yes, mom. Ngayong gabi nga lang—”
“Ang gustong sabihin ng kuya Harold mo ay everyday kang maganda,” sabi ni mom sa akin.
Napangiti tuloy ako dahil sa sinabi niya. “Alam ko naman pong maganda ako, mom. Kahit huwag na niyang sabihin pa.” Nakangiting sabi ko sa kanila.
“See, mom? Lumalaki talaga ang ulo niya kapag sinasabihan siyang maganda,” sabi ni kuya Harold sa akin.
Lumipas ang ilang oras hanggang nakita kong mag—a—alas sais naʼng gabi. “Mom, wala pa ba si dad? Mag—uumpisa na ang party ko,” sabi ko sa kanya. Wala ka si kuya Harold dahil nauna na siyang bumaba sa amin. Kaya kaming dalawa na lang ni mom ang nandito sa standby area, wala na kami sa aming hotel room.
“Cheska, parating na iyon—”
“Parating, mom? Kanina ninyo pa po sinasabi ang salitang niyan pero until now ay wala pa rin si dad. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ba niya napansin ang oras?” tanong ko sa kanya.
Hinawakan ni mom ang kamay ko. “Parating na rin siya, tiwala lang.” Wala na akong nagawa kung ʼdi tumango sa kanya.
“Mrs. Quezon and Ms. Francheska, kayo na po ang lalabas,” sabi ng organizer namin at napatingin sa paligid. “Kayo lang po ba ang maglalakad?” dagdag niyang tanong sa amin.
Ngumiti akong malaki sa kanya. “Yes, kami lang ni mom.” sagot ko sa kanya.
Hindi ako pʼwedeng sumimangot ngayon lalo naʼt debut ko. Ayokong masira ang gabing ito.
“Sige po. Nasa gitna na rin po si Mr. Ford para hintayin kayo,” sabi niya sa akin.
Biglang lumiwanag ang paligid ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. “Really? Okay! Thanks!” malakas kong sabi sa kanya.
Hindi ko alam na nandito na pala si Ninong Xeron. Hindi ko napansin, hindi rin naman kasi siya dumaan sa amin.
“Mom, tara na! Hayaan na natin si dad!” Hinila ko si mom palabas na para makita ko na si Ninong Xeron ko.
Excited na ako.
Nasa tapat na kami ng pinto at inayos pa ni mom ang gown ko. “Mom, pakiramdam ko ay ikakasal ako today. Ganito iyong napapanood ko iyong bubukas ang pinto tapos maglalakad tayo hanggang makita ang groom!” nakangiting sabi ko sa kanya. “Tapos ang groom si Ninong Xeron!” Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin.
“Ikaw talaga, Cheska. Oh, siya, magbubukas na ang pinto. Ngumiti ka nang malaki, ha?” Tumango ako sa sinabi ni mom at bumukas na ang pinto.
“Letʼs all welcome our debutant, Ms. Francheska Lazaro Quezon with her mom, Mrs. Frances Lazaro Quezon.”
Narinig ko ang sinabi ng emcee kaya napangiti ako sa kanilang lahat. Kumaway ako sa magkabilang side kung nasaan ang mga kamag—anak namin, halos Lazaro lang naman. Napansin ko ang bulungan ng iba, mukhang hinahanap si dad.
Huwag hanapin ang wala. Bwisit ako sa kanya.
Nawala muli ang lungkot at galit ko nang makita ko si Ninong Xeron. “Mom, ang gwapo talaga niya. Saka dumating din ang dalawang kapatid niya,” nakangusong sabi ko kay mom.
“Nasa ibang bansa sina Yasir ang Zirco, Cheska. Iyon ang sabi ni Josefina sa akin.”
“Ay, sayang! Akin lang sila, mom!” Tumango siya.sa sinabi ko.
Nasa tapat na namin si Ninong Xeron, nagmano siya kay mommy. “Hello, Ninong Xeron. Ang ganda ko po, right?” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako sa aking mga mata at tumàngo sa akin. “Of course, sobrang ganda mo, Fran.”
Napatigil ako at parang may sumabog sa akin ulo ngayon. Nag—iinit din ang magkabilang pisngi ko. Hindi man lang siya tumutol?
“Oh my gosh, Fran. This is it!” bulong ko sa aking sarili.
“Thanks, Ninong Xeron. Alam ko naman pong maganda ako.” Todo ang ngiti ko sa kanya.
Humawak na ako sa kanyang braso para makapaglakad na muli kami. Nakita ko ang best friend kong si Rosy at kumindat ako sa kanya. Nakita ko ang pagtango niya sa akin at nag—thumbs up.
Nakarating na rin kami sa harap at nakita ko si grandpa na nakaupo sa right table kasama ang iba pang elders. Ngumiti lang ako sa kanila.
“Our debutant is here. Sobrang ganda naman talaga ni Ms. Francheska, along side si Mr. Xeron Ford na kanyang escort tonight. Bagay sila, right?”
Napangiti ako nang marinig ang sinabi ng emcee. Ay, bet ko ang emcee na ito! Dagdagan ang sweldo niyan mamaya!
Nag—umpisa na muna kami sa prayer pero until now ay wala pa rin si dad. Nakita ko sa hindi kalayuan si kuya Harold na hawak ang phone, mukhang kino—contact si dad.
Whatever!
Umattend man siya or hindi, wala akong pake. Basta na sa tabi ko si Ninong Xeron at hindi rin naman siya ang last dance, pang—15th dance ko siya mamaya.
Nang matapos ang prayer ay muling nagsalita ang emcee. “Good evening everyone! Uumpisahan na natin ang debut ni Ms. Francheska sa pag—uumpisa ng 18th candles!” malakas na sabi ng emcee.
Inuna ang candles dahil wala pa si dad.
Nakita ko ang pagtayo ng mga kasama sa candles ko, ako naman ay tumayo na rin. 18th candles ay ibang kamag—anak namin na hindi gaanong ka—close, doon namin nilagay ni mom.
Isa—isa tinatawag ni emcee ang mga nasa 18th candles ko, bumabati lang naman sila sa akin kaya ngumingiti ako sa kanila.
Nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil pumunta sila sa debut, nakuha ko ang kanilang time.
Pero, time ni dad? Mukhang hindi ko nakuha.
Nagbabago ang flow ng debut ko dahil sa kanya.
Nakakainis!