CHAPTER 13

1252 Words
FRANCHESKA POV “CHESKA, bakit pawisan ka?” takang tanong ni Rosy nang makalapit ako sa kanya. Tinignan ko siya at naupo sa tabi niya. “Tumakbo ako.” Hinihingal kong sagot sa kanya. Nangunot ang noo niya sa aking sinabi. “Tumakbo? Bakit ka naman tumakbo? Nagpapapayat ka ba?” “Nagpapapayat ako pero hindi ako tatakbo sa campus, Rosy. Nakita kasi ako nina kuya Chase and kuya Louie tapos nagparinig ako nang makita ko si Analyn, hindi naka—imik ang gagang iyon. Paano siya iimik ay tinalo ko siya pagdating sa mahal ng debut ko, gown pa lang tapos na ang usapan.” Nakita kong tumawa si Rosy. “Hindi rin iimik ang isang iyon... Kasama mo pala ang mga pinsan mo. Kumusta ka naman, Cheska? Nagamit mo na iyong car mo?” tanong niya sa akin. “Yes it is! Nagamit ko na today! Gusto mo bang mag—road trip tayo?” Wala naman na kami gaanong gagawin today. Malapit ng matapos ang campus year and next school year, third year na kaming lahat. Blocked section kami kaya never kong magiging kaklase si Alice. “Yes! Road trip tayo? Ayoko ring umuwi pa nang maaga. Paniguradong pagsasabihan na naman ako ni mom about kay Stephan.” Tumango—tango ako sa kanya. “Okay, road trip tayo!” malakas kong sabi sa kanya. Magagamit ko na rin ang sasakyan ko papunta sa Trinity Mall. “So, anong ganap ninyong dalawa, Cheska? Kayo ng ninong Xeron mo?” tanong ni Rosy sa akin habang papunta kami sa Mall. Tinignan ko siya nang saglit. “About sa sinabi mo, Rosy. Hindi pa siya muli nagre—reply sa messages ko muli! Simula matapos ang debut ko!” malakas kong sabi sa kanya. Yes, ilang beses akong nagcha—chat muli sa kanya after my debut pero wala akong reply na nakuha muli sa kanya. Ang ganda pa naman ng gift niya sa akin, shoes, bags and jewelries. Iyong ang gift niya sa akin. “Wala ulit? Back to zero?” I sighed. “Huwag naman sana, Rosy. Kaya ang gagawin ko ang lahat muli para magreply siya. Sa ngayon, mag—enjoy muna tayo mag—shipping!” sabi ko sa kanya at pinark na ang sasakyan, nandito naa pala kami sa Trinity Mall. “Yes, letʼs enjoy our shopping day!” I giggles nang marinig ko iyon, pero hindi ako pʼwedeng magpatalo muli kay Ninong Xeron. Kukulitin ko muli siya. Ilang araw ang nakalipas nang mapansin kong maputla pa rin si mommy. Nakita ko ring may namumuong itim sa kanyang ilalim na mga mata. Stress ba si mommy? “Mommy, are you okay? Gusto mo bang magpahinga muna?” pagtatanong ko sa kanya. Nandito pala kami sa greenhouse niya at dinidiligan niya ang mga ito. Ang iba naman ay nililipat niya sa ibang lalagyan. Hindi na kasi sila seedlings. Tinignan niya ako at ngumiti. “Iʼm okay, Cheska.” Pilit ang ngiti niya. Binitawan ko ang watering can at nilapitan si mommy. “Sure po ba kayo, mom? Maupo na po muna kayo at ako na ang bahala sa mga tanim ninyo,” sabi ko sa kanya. Mabuti na lang ay sinunod niya ang sinabi ko. “Inom po muna kayo ng tubig.” Inabutan ko siya ng glass of water, kinuha niya iyon at ininom. “Anak, ayos lang talaga ako. Siguro sa pagod lang ito, umiinom din naman ako ng vitamins ko. Kaya huwag kang mag—alala sa akin,” sabi ni mom sa akin at binigyan niya ako nang malaking ngiti. Hindi na ako naniniwala sa ngiti niyang ʼyan. “Mom, nagpa—check up na po ba kayo this month? Para sa akin po ay hindi kayo okay. Napapansin ba ni dad ang pagiging maputla ninyo?” tanong ko sa kanya. “Nagpa—check up na ako last month... Maayos naman ang lahat ng result, Cheska.” “Mom, last month pa po iyon. How about this month? Free lang naman po iyong pa—check up natin sa Lazaro Hospital.” I sighed nang makitang nakatingin lang siya sa akin. “Hay. What about tomorrow, mom? Samahan kita sa hospital. Hindi na lang ako papasok—” “Hindi na, Cheska. Kaya ko naman na. Ako na lang pupunta bukas para malaman mong maayos lang ako.” Nakangiti siya nang malaki sa akin. Kaya wala na akong nagawa kung ʼdi tumango sa kanya. “O—okay po, mom. Just tell me kung ano ang result, ha? Pʼwede naman po talaga kitang samahan dahil wala naman na kaming gagawin sa campus—” Hindi ko na naman naituloy ang aking sasabihin nang magsalita muli siya. “Hindi na, Cheska. Magpapasama na lang ako kay Wakim.” Hindi ko na siya mapipigilan pa. “Okay po, mom. Sa ngayon, magpahinga na po kayo.” Inalalayan mo muli siya sa kanyang pagkatayo. “Ate Pola, kayo na po magpatuloy sa pagdidilig ng mga halaman dito. Ipapasok ko na po si mom sa room niya,” sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin kaya iniwan na namin siya roon. “Cheska, kaya ko naman na maglakad nang mag—isa kaya hayaan mo na ako—” Umiling ako sa kanya. “Mommy, hindi na po.” Hindi ko binintawan ang kanyang kamay hanggang makarating kami sa room nila ni dad. Pinahiga ko na siya sa kanilang kama. “Mom, matulog po kayo nang mahimbing, ha? Huwag po kayong mag—iisip ng negative. Nandito lang kami sa tabi ninyo.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Magiging kalaban ko ang lahat kapag may umaway sa mom ko. Nauna akong nagising kay mom, tinignan ko ang mukha niya pero namumutla pa rin. Hindi rin naman nagtagal ay nagising na rin si mom, nakita ko ang malaking ngiti niya. “Nakatulog ka rin pala, Cheska.” Nauna siyang bumangon sa akin at bumaba na rin agad kaya bumangon na rin ako. “Ano kaya ang niluto ni Nita? Naalala kaya niya ang sinabi ko kanina? Na mag—ampalaya ngayong gabi.” Narinig ko ang binubulong ni mom habang naglalakad papunta sa bathroom nila. Pagkagising pa lang ay iniisip niya agad ang pagkain namin. “Mom, mauna na po muna ako sa room. I—che—check ko ang phone at baka may message na muli kay Ninong Xeron.” Napailing si mom sa akin. “Hindi pa ba muli... Nagpaparamdam si Xeron sa iyo?” Umiling ako sa kanya at napanguso. “Sabi ni Josefina ay lagi raw pumapasok at umuuwi nang maaga si Xeron. Huwag kang mag—alala, wala naman girlfriend ang Ninong Xeron mo.” Kumabog nang mabilis ang aking dibdib at kuminang ang mga mata ko. “Alam ko naman po iyon, mom. Ako kaya ang future girlfriend niya. Tanging ako lang ang magiging Mrs. Ford, mom!” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Oo na, Cheska. Ikaw rin naman ang gusto ni Josefina at ni Zephyr. Oh, siya bumalik ka na sa room para makita ang phone mo,” sabi niya sa akin. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon. Tumango ako kay mom. “Okay po, mom. See you later!” Kumaway ako sa kanya at lumabas na rin sa kanilang room. Anong oras na ba? Hindi ko kasi nakita sa room nila mom. Ay, bahala na! Panigurado namang pa—dinner dahil nabanggit iyon ni mom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD