CHAPTER 13.2

1363 Words
FRANCHESKA POV NANG makapasok ako sa loob ng room ko ay kinuha ko ang aking phone ay wala pa ring reply mula kay Ninong Xeron, but may sumusuko bang Lazaro? Wala. Kinuha ko ang aking phone ay nagchat mo sa kanya. Hindi ko pʼwedeng balewalain ang ningning sa mga mata mo nang makita ako noong debut ko. Alam ko namang mahal niya rin ako. Your Baby Francheska: Hello, Ninong Xeron? Pagod ka na today? Gusto mong pawiin ko ang pagod mo at palitan ko ng init? I can do that, alam mo iyan. Just call me, Ninong Xeron. Iʼm always here for you. Chat ko sa kanya na may kasamang maraming emojis na heart, lip bitting, hot face and fire. Para naman magliyab din siya katulad ko. Miss ko na ang mukha niya. Hindi rin naman kasi siya nagpo—post ng photos niya sa kanyang facetagram. Kaya ano na kaya ang itsura niya? “Ugh, I miss him talaga! Try ko kaya siyang tawagan? No. Paniguradong hindi niya ako sasagutin.” Binitawan ko na lang ang aking phone ay naghilamos. Dama kong inaantok pa ako. Hindi naman kasi ako natutulog sa tanghali. This is the first time. Mabilis din ako lumabas sa bathroom at pinatuyo ang aking face using tissue. Bago ako umalis sa room ko and chineck ko muna ang aking phone, pero walang reply mula sa kanya. Hinayaan ko na lang muna siya at panigurado kapag namiss niya ako ay siya na ang tatawag sa akin. Alam ko iyon. Bumaba na ako at dumiretso sa kitchen, doon ay nakita ko si mommy na inaasikaso ang dining table namin. “Cheska, maupo ka na. Mag—a—alas siyete naʼng gabi. Baka parating na ang dad and kuya Harold mo,” sabi ni mom sa akin. Mag—se—seven naʼng gabi? Ang haba ng tinulog namin to the point na hindi kami nakapag—meryenda. “Mom, tulungan ko na po kayo,” sabi ko sa kanya. “Salamat, Cheska.” Kumuha na ako ng glass at nilagay na rin sa dining table. Ngayon ko lang napagtanto na halos lahat ng gawain sa bahay kahit may katulong kami, siya pa rin ang gumagawa. Napahinto si mommy sa paglagay ng spoon sa pʼwesto ni dad, sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Nandʼyan na sila, Cheska.” Nakangiting sabi niya sa akin. Ganoʼn niya kamahal ang pamilya namin lalo na si dad. Sumunod na rin ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa main door. Hinihintay namin ang pagpasok nila pero nakita kong si kuya Harold lang naglalakad. Whereʼs dad? Nakita ko ang gulat sa mukha niya, maging kami rin. Alas—siyete na kaya. Kaya nasaan si dad? “Um, mom! Good evening!” Nakangiting sabi ni kuya Harold, humalik pa siya sa pisngi. “Whereʼs your dad, Harold?” Nakita ko ang mata niyang nagulat. “Mala—late siya ng uwi, mom. Come on, letʼs eat? Nagugutom na ako! Paniguradong masarap na naman ang dinner natin.” Hinila na niya si mom kaya ako ay napatingin din sa likod, pero wala talagang dad na lumitaw. Nakaupo na ako sa pʼwesto ko, si mom naman ay pumunta sa kitchen para kunin ang dessert namin. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa gitna. “Whereʼs dad, kuya Harold?” mahinang tanong ko sa kanya. “May meeting siyang pinuntahan,” sagot niya sa akin at umiwas ang kanyang tingin sa akin. Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Meeting? Ganitong oras? Really?” Hindi ako naniniwala sa sinagot niya. Tinignan niya muli ako. “Yes, meeting.” Pinipili talaga niya. “Nagsasabi ka ba ng totoo, kuya Harold? Ayaw kong ma—stress si mom lalo naʼt kanina ay muntik na siyang mahimatay.” I lied sa nahimatay para naman matakot siya at magsabi ng totoo. “Muntik ng mahimatay? What do you mean?” “Maputla si mom. Hindi ninyo ba napapansin? Kaya nga pinatulog ko siya kanina, nakatulog din ako katabi siya. Kaya sinabihan ko siyang magpa—check up bukas, balak ko ngang samahan siya pero huwag na raw. Magpapasama na lang siya kay kuya Wakim. Kaya nasaan si dad—” “Nasa meeting, Francheska. Huwag ka na makulit. Parating na si mom.” I sighed at napailing sa kanya. Ayaw niya talagang magsalita. Kung gusto niyang pagtakpan si dad, bahala siya. “Heto ang dessert natin. Pinabili ko ito kaninang umaga. Kumain na tayo at titigan ko na lang ang dad ninyo.” Hindi ko alam kung marunong lang ba magtago ng nararamdaman si mom. Or, sadyang sanay na siya? Hindi ko alam. Kumain na rin kami kahit dama kong may mali sa sitwasyon ngayon. Itʼs been a weeks nang mangyari ang debut birthday ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na natapos iyon. Mabuti na lang may video akong napapanood kaya kapag gusto kong kiligin, pinapanood ko iyon. Sobrang saya ko pa rin kahit hindi pa rin ako pinapansin ni Ninong Xeron. Nawala sa isipan ko ang tungkol kay Ninong Xeron nang maalala ko ang medical ni mom. Ano pala result ng medical niya? Hindi ko pala naitanong dahil abala ako ngayon sa requirements namin. Panahon na para habulin ang mga Professor. Itatanong ko nga pala kay mom about sa medical niya. Mabilis akong lumakad hanggang nakarating ako sa dining hall, nakita ko si mom na nakatalikod sa akin at bigla siyang na—out of balance. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. “Mom, are you okay?” Bigla akong nataranta nang muntik na siyang bumagsak kaya hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay. Nanginginig ang aking katawan. Paano kung hindi ko siya nakita? Paano kung bumagsak siya? Baka nabagok na ang ulo niya. “Mom, a—ayos lang po ba kayo?” ulit kong tanong sa kanya. Pinaupo ko siya sa silya. Napahawak siya sa kanyang sintido. Tinignan niya ako at ngumiti, hindi ngiti iyon. “A—ayos lang ako. N—na—out of balance lang ako, Cheska. Naunang tumapak ang heel ko. Kaya huwag kang mag—alala sa akin.” mahinahon niyang sabi. Tumango ako sa kanya. “Um, mom, k—kumusta pala iyong medical ninyo? Nakalimutan ko pa lang itanong sa iyo.” tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako. “Ah, about sa medical ko? Kulang daw ako sa iron, Cheska. Kaya binigyan ako ng vitamins. Oh, siya, kumain ka na.” Kulang siya sa iron? Kaya siguro siya maputla. “Okay po, mom. If may kailangan kayong ipabili sa akin ay tawagan ninyo na lang po ako, ha?” sabi ko sa kanya nang makaupo ako sa silya rin. “Sure. Ikaw lang ba magda—drive papunta da campus?” Umiling ako sa kanya. “Nope, mom. Coding po ako ngayon kaya gagamitin namin iyong isang car. Every Wednesdays ay coding po ang car ko. Kaya kailangan ko po si kuya Jeffrey,” sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay. “Katulad kita dati. Kapag hindi ko kotse ay hindi ko i—da—drive. Bilisan mo ng kumain at baka mahuli ka pa sa class ninyo.” Tumango ako sa kanya kahit wala naman na kaming class at naghahabol lang kami ng requirements. “Kuya Jeffrey, m—may something po ba kay mom? What I mean... Kapag mag—isa lang siya ay may ginagawa po ba siyang kakaiba?” tanong ko kay kuya Jeffrey kasi madalas na siyang maiwan sa bahay. “Si Maʼam Frances po? Wala naman po, Miss Francheska. Always po siyang nasa greenhouse kapag siya na lang mag—isa.” Napatango ako sa kanyang sinabi. “Ganoʼn po ba? Akala ko ay may kakaiba po.” “Paanong kakaiba, Miss Francheska?” “Ah, huwag ninyo na lang po pansinin ang sinabi ko.” Baka nag—o—overthink lang talaga ako. Baka maayos lang talaga si mom at kulang lang talaga siya sa iron. Iyon lang talaga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD