CHAPTER 14

1682 Words
FRANCHESKA POV “MS. QUEZON, magpapapirma ka ba?” Napapitlag ako nang sikuin ako ni Rosy. “Iyong clearance mo? Papirmahan mo na,” mahinang sabi niya sa akin. Napatingin ako sa aking harapan at nakita ko ang head teacher namin sa Filipino. “Um, ah, opo! Magpapapirma po ako!” mabilis kong sabi at binigay iyon sa kanya. “Akala ko ay ayaw mo sa pirma ko. Ako ang head ninyo.” Ngumiti ako sa kanya. “Sorry po, Prof.” Binalik na rin niya ang clearance paper ko at nagpasalamat kami sa kanya. “Huy, ano bang nangyayari sa iyo? Kanina pa lumilipad ang isipan mo, Cheska. May problema ka ba?” tanong ni Rosy sa akin. Naupo kami sa isang bench at tinignan niya ako. “Cheska, pʼwede mo kong sabihan ng sikreto mo. May problema ka ba? Tungkol ba sa Ninong Xeron mo? Hindi ka ba niya muli nire—reply—an?” tanong niya muli sa akin. Tinignan ko si Rosy. “Hindi tungkol kay Ninong Xeron, Rosy. Hindi nga niya ako nire—reply—an pero hindi iyon ang iniisip ko.” “Ano naman ang iniisip mo? About sa clearance ba? Dalawang signatures na lang kailangan natin. Nandito raw iyong dalawang professor natin kaya huwag ka na malungkot.” Napabuga ako dahil sa sinabi ni Rosy. Napaka—positive talaga ng pag—iisip ng isang ito. “Hindi rin naman iyon, Rosy. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Sobrang lakas. Iyong tipong gusto ng kumawala sa aking dibdib. Ganoʼn ang nararamdaman ko ngayon,” sabi ko sa kanya. “Baka naman na—heatstroke ka, ha?” Hinawakan niya ang aking noo. “Hindi ka naman mainit.” “Hindi ako na—heatstroke—” “Francheska! Finally, I saw you!” Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang makita ko si Queen na tumatakbo nang mabilis. Napahinto siya sa harapan ko. “Oh my gosh! Iʼm so hinihingal!” maarteng sabi niya habang napaupo sa tabi ko. “A—anong kailangan mo sa akin, Queen?” tanong ko sa kanya. “Oh! Muntik ko nang makalimutan! Whereʼs your phone?” Wala ba siyang phone? “Ha? N—nasa bag ko. Why?” Iniwan ko iyong phone ko dahil nagcha—charge ako sa powerbank ni Rosy. Nakalimutan ko kasing magcharge kanina. “Kaya naman pala hindi ka namin ma—contact! So, hindi mo pa alam?” Ano bang pinagsasabi nitong si Queen. “Anong hindi ko pa alam?” Napalunok ako ng aking laway. Hindi ko alam pero bigla ako kinabahan dahil sa kanyang sinabi. “So, wala ka talagang alam? We need to go, Francheska!” malakas niyang sabi sa akin. “We need to go? Where? Diretsuhin mo na nga ako, Queen. Ano ba ang pinagsasabi mo, ha? Umiinit ang ulo ko dahil sa init ng panahon!” malakas kong sabi sa kanya. Isama pang kabog kung kabog ang aking dibdib. “A—ano... S—si tita Frances... S—sinugod sa hospital ng mga kasambahay ninyo, Francheska!” nauutal niyang sabi sa akin. Nabitawan ko ang clearance paper ko nang marinig ko ang sinabi niya. “H—ha? S—sinugod si mommy sa hospital?” nauutal kong tanong sa kanya. Napalunok ako nang paulit—ulit at halos manginig ang katawan ko dahil sa sinabi niya. “Oo, Francheska! Kaya nga kanina pa tumatawag ang kasambahay ninyo sa iyo pero hindi ka raw ma—contact kaya tumawag sa Haven, then si Alice ang nakasagot. Natulala pa nga siya... Alam mo naman ang nangyari sa mom niya rin, right? Kaya tara na! Pumunta na tayo sa Lazaro Hospital!” malakas na sabi ni Queen sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Cheska, be strong! Susunod ako! Kukunin ko ang gamit natin! I swear susunod talaga ako!” Narinig ko ang malakas na boses ni Rosy pero ang isip ko ay sarado na. “Kuya Cole, nakita ko na si Francheska! Papunta na kami sa east wing parking lot!” Napatingin ako kay Queen na hawak pa rin niya ang kamay ko, mabilis kaming tumatakbo. “Okay—okay!” Napalingon siya sa akin. “Stay calm, Francheska!” Hindi ko alam pero tumango ako sa kanya. Nakarating na rin kami sa east wing parking lot, doon ay nakita namin si kuya Cole and kuya Harry, isa sa mga panganay naming pinsan besides sa triples na sina kuya Jin, kuya Jim, and kuya Jix. “Hop in! Pupunta na tayo sa Lazaro Hospital!” Pinasakay agad kami ni kuya Harry. Wala na akong nagawa kung ʼdi pumasok sa sasakyan. “Cole, ikaw na bahala sa iba nating pinsan. Mauuna na kami sa inyo.” dagdag na sabi ni kuya Harry. “Um, s—si Rosy s—sasabay rin sa inyo. H—hintayin ninyo lang siya.” Kahit sobrang clouded na ng isipan ko, nagawa ko pa ring magsalita. “Okay, ako na bahala sa best friend mo, Francheska.” Tumango ako kay kuya Cole at sinarado na niya ang pinto. Umandar na ang kotse at napatingin ako kay kuya Harry. “B—bakit sinugod si mommy sa hospital?” nauutal at nanginginig kong tanong sa kanya. Hinawakan ni Queen ang aking kamay. “Same with you, Francheska. We are clueless too. We donʼt know what happened to tita Frances. Basta theyʼre told us na dinala sa Lazaro Hospital ang mom mo. Thatʼs it,” sabi ni Queen sa akin habang ang mukha ay nababahala na rin. Napatitig ako sa aking harapan na wala akong nakuhang sagot na gusto kong marinig. “Ha!” I sighed. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin kami sa Lazaro Hospital. Mabilis akong bumaba halos hindi ko na hinintay ang pagpark nang maayos ni kuya Harry. “Francheska, wait for us!” Narinig ko ang malakas na boses ni Queen pero hindi ko iyon pinansin. Mabilis akong lumakad papunta sa medical assistance, hinihingal ako nang dumating ako roon. “N—nasaan si Mrs. Frances Lazaro Quezon? A—anong room niya?” mabilis kong tanong kahit hinahabol ko pa ang aking hininga. Tinignan ako ng Nurse at mabilis na tumingin sa monitor na nasa harap niya. “Mrs. Frances Lazaro Quezon... W—wala pa po siyang room. N—nasa emergency room pa po siya hanggang ngayon—” “Thanks!” Hindi ko na naman pinatapos ang kanyang sasabihin nang tumakbo muli ako. “Hey, Francheska! Why are you running! Iʼm so pagod na!” Narinig ko na naman ang boses ni Queen, hinayaan ko na lang siya dahil kasama naman niya si kuya Harry. “Emergency room? Saan ang emergency room? Hindi naman kasi ako madalas pumupunta rito.” pagtatanong ko sa aking sarili at mabilis pa rin lumakad. Nang lumiko ako sa kaliwa ay roon ko nakita ang malaking pangalan na Emergency Room or E.R. Sakop niya ang buong left side nitong first floor ng hospital. Pumasok ako roon at hinanap si mom, doon ay nakita ko siyang nakahiga kasama si ate Pola, kuya Wakim and kuya Jeffrey. “M—mom...” Nauutal kong sabi habang palapit ako ngayon sa kama niya. “Miss Francheska!” Nakita ko ang gulat sa mukha nila ate Pola. Napahawak ako sa kamay ni mom nang makalapit na ako sa kanya. “A—ano raw ang sakit niya?” pagtatanong ko saa kanila. Walang màlày si mommy nang makita ko siya. “Ayos lang daw po siya ayon sa nurse na nag—asikaso sa kanya, Miss Francheska. Pagkatapos nuʼn ay wala ng pumunta.” Nagulat ako sa kanyang sinabi. Nilingon ko si ate Pola. “I—iyon lang ang ginawa? S—sinabi ninyo po bang Lazaro si mommy? May personal doctor kami!” Hindi ko napigilang tumaas ang boses ko nang malaman ko iyon, kaya pala nandito pa siya. “Yes, Miss Francheska, pero hindi sila naniniwala. N—nakalimutan ko pong dalhin iyong IDʼs Maʼam Frances sa pagmamadali po namin. K—kaya wala po kaming maipakitang patunay sa kanila.” nauutal na sabi ni ate Pola. “Whereʼs dad or kuya Harold?” malakas kong tanong sa kanila. “Alam ba nilang nandito si mom?” “Kino—contact ko pa po muli, Miss Francheska. Wala pa pong sumasagot sa kanila, kanina pa po namin sila tinatawagan. Sinabihan din namin ang ibang kasambahay na once dumating sina Mr. Henry and Young Master Harold ay sabihing sinugod si Maʼam Frances sa hospital.” Si kuya Jeffrey ang nagsalita. Napaawang ang aking labi. “Ganoʼn ba sila ka—busy sa company na iyon? Kaya maging ang phone nila ay hindi makita?” Teka, hindi ko rin pala hawak ang phone ko kanina. Kinuyom ko na lang ang aking magkabilang kamao at mabilis na lumapit sa nurse station na nandito. “Nasaan si Dr. Javier Lazaro ngayon?” madiin na tanong ko sa Nurse na babae na tumatawa ngayon. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Dr. Lazaro? Wala. Maghintay kayo dʼyan. Libre na nga ang pagpapagamot ninyo rito, gusto ninyo pang agarang check—up, ha?” Nakangising sabi niya at muling bumalik sa isang nurse na babae. What the hell? Ganito ba ang mga nurse sa emergency room? Napatingin ako sa iba at wala ni—isang nurse ang nag—aasikaso sa mga pasyenteng nandito. “Hey, hihintayin ninyo bang mamatay ang pasyente bago kayo kumilos! Binabayaran kayo nang malaki rito para asikasuhin ang mga pasyente at hindi makipagdaldalan! Anong name mo at i—re—report kita—” “Name ko? I—re—report? Who cares? As long as malaki ang sweldo namin—” “Whatʼs your name and your license ID!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD