ROSY POV
NINE in the evening nang may kumatok sa pinto. Binuksan iyon ni kuya Harold and nakita namin si dad and uncle Javier.
Wow!
Nine in the evening na ngayon lang siya dumating. Ang galing niya.
Wala ba talaga si mom para sa kanya?
Really?
Nakita ko ang mata ni Grandpa na kasamang nakatingin kay dad. Kahit naman siguro ay masama ang tingin sa kanya. Na para bang hindi importante si mom sa kanya.
“Javier, anong lumabas sa results ni Frances?” tanong ni Grandpa kay uncle Javier. Hindi niya pinansin si dad. He doesnʼt exist naman.
Napatingin sa amin si uncle Javier. “Nandito naman ang lahat.” Nakita ko kung paano huminga nang malalim si uncle Javier. Sinarado niya ang pinto at tumayo lang doon, malapit sa door. “Ayoko kayong matakot at mabahala kayo pero... May cancer si Frances.” mahinang sabi ni uncle Javier sa amin.
“C—Cancer? Si mommy... May Cancer? A—ano pong cancer niya?” Naninikip ang aking dibdib nang marinig ko iyon. Hindi lang dibdib ko ang may problema, maging labi ko ay nanginginig na rin.
“Ayon sa mga test na ginawa namin sa kanya. She has a breast cancer.”
Napaupo ako sa kanyang sinabi nang marinig ko iyon. “Breast cancer? K—kaya ba mabilis siyang mapagod at mamutla?” tanong ko sa kanya.
“Itʼs not one of the main symptoms, Francheska. Kaya siguro nararanasan ni Frances iyon dahil nasa stage 4 na ang cancer niya. Stage 4 breast cancer are key symptoms include severe bone pain, persistent headaches or vision changes, shortness of breath, unexplained weight loss, extreme fatigue and jaundice.”
Napaisip ako sa sinabi ni uncle Javier dahil lahat ng iyon ay napansin ko kay mom. Kasalanan ko ba kasi hindi ko sinabi iyong nakikita ko kay mom?
Hindi ko napigilang mapaluha habang iniisip na kasalanan ko kung bakit umabot hanggang stage 4 ang breast cancer niya.
“Breast cancer?” Nakita ko ang tingin ni Grandpa kay mom. “Nakuha niya ang sakit kay Carmella. Ang mom and one of her sister died sa sakit na iyon. Hindi ko naisip na makukuha niya iyon dahil hindi nakuha ni Carmella ang sakit na iyon. Nag—iisang anak lang din namin siya na babae,” sabi ni Grandpa habang napagawi ang tingin kay mommy.
“S—stage 4? M—may magagawa pa tayo, right, uncle Javier? L—like chemotherapy? Pʼwede pa naman sigurong gawan? P—para hindi mamatay ang mom ko?” Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak nang sabihin ko iyon sa kanya.
Nagulat ako nang yakapin ako ni kuya Harold. “Sshh... Magiging okay rin si mom, Francheska.” mahinang sabi niya sa akin.
Tinignan ako ni uncle Javier. “Of course magagawan pa natin na gumaling si Frances, Francheska. Kailangan niya lang uminom ng targeted medicines, like inhibitors and hormone therapy, chemotherapy or immunotherapy para gumaling agad siya. But, naka—depende pa rin iyon kay Frances and sa kanyang katawan.” sabi ni uncle Javier sa amin.
“K—kaya ni mom niyan!” madiin na sabi ko sa kanila. “Kaya ni mom ang mga iyon. Malakas siya. Kaya... Grandpa, ituloy natin itong pagpapagamot sa kanya. Please?” Hindi pa rin tumitigil ang pagdaloy ng luha sa aking magkabilang pisngi.
“Of course, apo. Gagalingan ang mom mo, okay? Gagaling siya.” Nakangiting sabi ni Grandpa sa akin.
Hinawakan ni Grandpa ang kamay ni mom na hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog.
Mommy, gagawin namin ang lahat para gumaling ka dyan, pero bakit tinago mo sa amin?
Kinabukasan, nagising akong may humahaplos sa aking buhok kaya napadilat ako at nakita ko si mommy na nakatingin sa akin.
“M—mom!” bulalas kong tawag sa kanya.
Sa malakas kong boses ay halos lahat sila ay nagising.
“Frances, iha!”
Nakita ko kung paano ngumiti nang hiyaw si mommy. “Dad, why are you here? Bakit nandito kayong lahat? Thursday pa lang ngayon, ʼdi ba? Dapat nasa company and campus.”
Kami pa rin ang inaalala niya.
“Mom, huwag po kayong mag—alala sa amin. Kayo po ang inaalala namin ngayon. B—bakit ninyo po tinago sa amin?” nauutal kong tanong sa kanya.
Wala akong nakitang gulat sa kanyang mga mata. “Alam ninyo na pala.” Nakangiting sabi niya sa amin.
“Mom, bakit tinago ninyo? K—kailan ninyo pa nalaman?” tanong ko sa kanya.
Si Grandpa ay nakatingin lang sa kanya ngayon habang ang mukha niya ay hindi na rin mapinta, naiiyak na rin siya.
“Ayokong mag—alala na kayo sa akin. Ayos lang din naman ako—”
“Frances, stage 4 na ang breast cancer mo. Alam mo ba iyon, anak?” Hindi na rin nakatiis si Grandpa na hindi magsalita.
Tumingin si mom kay Grandpa. “I know, dad. Last week lang... Nagpa—test ako pero hindi alam ni kuya Javier. Pinasabi ko sa kanila na huwag na sabihin. I know na stage 4 na ang cancer ko. Alam ko ring nakuha ito sa side nila mom. Kaya I know kung saan din ako hahantong—”
“Donʼt talk about that, Frances. Lalaban tayo, okay? Gagaling ka, anak.” Hinawakan ni grandpa ang kanyang kamay.
“Yes, mom. Grandpa is correct, gagaling ka.” sabi ni kuya Harold.
She smiled to us. “I will. By the way, whereʼs your dad?” tanong ni mom habang nakatingin sa paligid.
“Bumili ng food si dad, mom. Babalik din siya.” Tumango si mom sa sinabi ni kuya Harold.
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si dad, nasa likod niya ay sina uncle Javier, Grandma, uncle Carlos, uncle Richard, uncle Richmond and uncle Martin, mga kapatid ni mommy.
“K—kuyas, bakit nandito kayong lahat?” Nagulat na tanong ni mom sa kanila.
“Are you okay? Nalaman namin ang kalagayan mo, sinabi na ni Javier sa amin. Bakit mo nilihim ang tungkol sa sakit mo?” Nag—aalalang sabi ni uncle Carlos sa kanya. “Wala si Carl dahil may meeting siyang inasikaso pero mamaya ay pupunta rin dito ang isang iyon.”
Nakita ko kung paano ngumiti si mom. “Sobrang nag—alala talaga kayo sa akin, ha? Halos nandito na ang mga kapatid ko... Si mommy rin.”
Lumayo ako kay mommy nang lumapit si uncle Richmond, dad siya nina kuya Ryker and kuya Ryder.
“Nag—iisang kapatid ka naming babae, Frances. Kaya we are here for you. Kailangan mong magpagaling, no, kailangan mong gumaling. Naiintindihan mo ba kami? Cancer lang niyan, malakas at matapang ka.” madiin na sabi ni uncle Richmond.
“I know. Kaya donʼt be sad, mom. Huwag kang malungkot, ha? Kaya ko itong sakit ninyo. Lalaban ang nag—iisang anak ninyong babae ni dad,” sabi niya kay grandma at niyakap siya nang mahigpit.
Lalaban din kami para kay mommy.
~~°°~~
“Cheska, kumusta na si tita Frances?” pagtatanong ni Rosy sa akin.
Tatlong buwan naʼng malaman namin ang tungkol sa cancer ni mom. Patuloy pa rin ang pag—intake niya ng inhibitors and chemotherapy niya, sa ngayon ay wala na siyang buhok. Mas pinili niyang magpakalbo agad para hindi na siya malungkot na makitang unti—unti nalalagas ang kanyang buhok dahil sa chemotherapy.
“Ayos lang naman siya, Rosy. Patuloy pa rin siyang lumalaban para sa amin. Kaya iyong atensyon ko ngayon ay wala muna kay Ninong Xeron. Balak ko munang ibigay ang atensyon ko lahat—lahat kay mom. Pero, china—chat ko pa rin naman siya lalo naʼt nalaman kong nasa iba bansa siya dahil sa kanyang business doon. Nagpapayaman siguro siya para sa amin.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Third year college na kami ni Rosy.
“For sure, Cheska. But, If you need a shoulder to cry on... Iʼm always here for you, okay? Kaya mo iyan,” sabi ni Rosy sa akin at niyakap niya akong mahigpit.
“I know, Rosy. Alam ko namang gagaling si mom lalo naʼt ginagawa na nina grandpa and grandma ang lahat—lahat.”
Nakauwi na muli ako galing sa campus. “Thanks, kuya Jeffrey.” Nakangiting sabi ko at pumasok sa loob.
Lumakad akong mabilis papasok sa bahay namin. Gusto ko na agad puntahan si mom and sabihin ang ginawa namin ngayong araw. Pero, bago ko siya puntahan ay kailangang malinis ako dahil delikado kay mom na mahawaan siya ng flu or iba pang sakit.
Kaya pumasok na agad ako sa room ko and naghilamos para maging malinis once na humarap ako kay mommy. Nang matapos ay lumabas na rin ako at pumunta sa room ni mom sa ngayon ay hiwalay muna sila ng room ni dad dahil sa equipments na ginagamit kay mom.
“Good day, mom! Howʼs your day po? Kami ni Rosy sa campus same pa rin po. Kayo po ba?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang ngiti niyang hindi umabot sa kanyang mga mata. “Heto naiinip ako... Hindi ko na maalagaan ang greenhouse ko pero pinapakita naman sa akin ni Pola kapag nagdidilig siya roon. Namimiss ko na ang palagi kong ginagawa,” mahinang sabi ni mom sa akin.
Tinignan ko siya. “I know, mom. Magagawa mo rin ang mga iyon muli basta magpagaling ka lang. Nandito lang kami for you. I love you so much, mom.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
“Mahal din kita, Cheska... Kayo ng kuya Harold mo. Kaya magpapagaling ako para sa inyo.” Napangiti ako sa kanyang sinabi. “Kumusta na pala kayo ni Xeron?” tanong ni mom sa akin.
Nagulat ako sa kanyang tanong. “Mom naman. Sa ngayon sa inyo ako busy pero always ko pa rin naman siyang kinukulit. Nasa ibang bansa siya dahil sa kanyang company. But, donʼt worry po... Magiging Mrs. Ford ako!” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Aasahan ko iyan, anak. Gusto kong ako ang kasama mo kapag naglakad ka na papunta sa altar.”
“I swear, mom!”