ROSY POV
“ARE we clear about this?”
Narinig namin ang malakas na boses ng Professor namin sa Prof. Ed. Tumango kami sa kanya kaya umalis na rin siya sa harapan namin.
Sumasakit talaga ang ulo ko dahil sa subject namin ito.
“Cheska, nagpa—breast cancer test kayong lahat ng magpipinsan na babae?” Kinalabit ako ni Rosy.
Tumango ako sa kanya. “Yes. Nabahala na sina grandma and grandpa about sa aming magpipinsan na babae kaya pina—test na nila kami. Thanks God lahat kami ay normal ang test. Pero, gagawin pa rin namin iyon every six months to be sure talaga na wala kaming cancer. Hindi lang sa breast, maging sa aming ovaries,” sabi ko sa kanya.
“Dapat din ba ako? No, magpapa—check na rin ako!”
“You should, Rosy! Mas mabuting maaga malaman para hindi na maging huli ang lahat,” sabi ko sa kanya habang hinahanap ang aking phone sa bag ko.
Nangunot ang noo ko nang makita ang misscalls. Heto na naman ang kabog ng puso ko, sobrang lakas na naman.
“Cheska, come on. Letʼs eat our lunch now—why? Bakit namumutla ka?”
Napalingon ako sa kanya nang dahan—dahan. “Maraming misscalls akong nakuha, Rosy. Kinakabahan ako na baka tungkol na naman kay mom ito. A—ano na naman kaya nangyari sa kanya?” nauutal kong sabi sa kanya.
“Hey, donʼt be scared. Dapat sagutin no na ang call na niyan. Baka emergency na naman. Ako na ang tatawag—”
“Francheska is here?” Narinig ko ang boses ni Alice at nakita ko ang pamumutla ng kanyang mukha. Mabilis siyang pumasok sa room namin. “Emergency! Sinugod si tita Frances sa hospital! Hindi kita masasamahan... Nasa parking lot na sila kuya Ryker. Go with them!” malakas na sabi ni Alice habang minamadali ako.
Shet, sinasabi ko na nga ba.
Nakaupo na ako rito sa sasakyan habang iniisip na naman kung bakit siya sinugod. Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi habang hindi mapakali ang aking magkabilang kamay.
“M—may alam ba kung bakit na naman sinugod si mommy?” tanong ko sa kanila habang nakatingin sa magkabilang paa ko.
Napatingin si Asher sa akin, siya ang kasama ko maliban kina kuya Ryder and kuya Ryker. Hindi kasi pumunta sina kuya Cole and kuya Harry sa Lazaro University, nalaman ko ring hindi sila hinatid dahil busy ang dalawa sa work nila.
“Walang may alam, Francheska. Sinabihan lang kami ni uncle Javier na sinugod si tita Frances sa Lazaro Hospital ngayon at kailangan kang dalhin doon. Siguro itanong mo sa mga kasambahay mo na nagsugod muli sa kanya,” mahinang sabi ni Asher sa akin.
“f**k! Traffic pa! May alam ka bang short cut, Ryder?”
“Wala. EDSA ito at paniguradong kung may short cut man ay traffic doon. Hindi lang ikaw ang nakaisip ng short cut.”
Napalingon sa akin si kuya Ryker. “Sandali lang, Francheska, ha? Aabante rin tayo,” sabi niya sa akin. “Pero, maitanong ko lang sa iyo... Ano bang ginagawa ng daddy mo? At, sa ganitong bagay lagi siyang out of coverage? Wala na naman siya sa bahay nang maisugod si tita Frances. Gago ba ang daddy mo?”
“Hey, kuya Ryker!”
“Ryker!”
sabay na sabi nina kuya Ryder and Asher sa kanya.
“What? Walang mali sa tanong ko, ha? Curious lang ako. Noong unang sinugod si tita Frances, anong oras siya dumating? Ah, gabi na, right? Parang wala lang sa kanya kung nasa hospital si tita Frances. Noong si mom nga ang na hospital halos nagpanic si dad, iyong tipong kahit may meeting ay inalisan niya. Niyang daddy ni Francheska inuuna ang business nila. Tangina! Hindi naman nalalaos ang keso sa pamilihan! Pasalamat nga siyaʼt sumikat ang business nila dahil sa pangalan natin! Tangina, umandar ka na!”
Napalunok ako nang marinig ko ang sinabi ni kuya Ryker. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ni kuya Ryker, Francheska.” Hinawakan ni Asher ang kamay ko kaya ngumiti ako sa kanya.
“Huwag ka na magsalita. Ako na magda—drive. Umalis ka dʼyan!”
“Ayoko nga! Ayan na umaandar na rin! Sasabihan ko nga si uncle Richard na gumawa ng sasakyan na lumilipad para iwas traffic!”
Sa bangayan nilang dalawang magkapatid ay nakarating na rin kami sa Lazaro Hospital. Nauna na akong bumaba habang ramdam kong nakasunod sina Asher and kuya Ryder. “Nasaan daw si mom?” Nilingon ko si Asher habang tumatakbo ako ngayon.
“Private room 403, Francheska!”
Nang marinig ko iyon ay huminto ako sa elevator, pinindot ang up button. “Please, bumaba ka na!” bulong ko habang nakatayo sa harap.
Nasa gilid ko na rin sina kuya Ryder and Asher. Bumukas na rin ang pinto kaya pumasok na kami, papasara na sana iyon nang may humarang na kamay.
“Tangina, ang bibilis ninyong tumakbo!”
Nakaabot si kuya Ryker habang hinihingal kaya napangiwi kami sa kanya.
Hinanap na rin namin ang private 403 nang makababa kami sa fourth floor ng hospital. Napahinto rin nang nasa harapan ko na ito. Huminga akong malalim at binuksan iyon, doon ay nakita ko sina grandma and grandpa na nasa loob, tanging sila lamang.
“Apo!” tawag ni grandma sa akin.
Ngumiti ako sa kanila at nagmano kami hanggang lumapit ako kay mommy na mahimbing na natutulog.
Hinawakan ko ang kamay niyang may IV muli sa kanyang likod palad. “Mommy, Iʼm here na. Donʼt be sad,” mahinang sabi ko habang mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. “Grandma, a—ano pong dahilan kung bakit sinugod po siya?” lakas loob kong tanong sa kanila.
“Apo, sabi ng kasambahay ninyo na bigla na lang nawalan ng màlày ang mom ninyo pagkatapos niyang kumain ng breakfast sa dining hall. Kaya hindi na sila agad nag—isip na dalhin agad siya rito, tinawagan rin kami ni Pola.” mahinang sabi ni grandma sa akin.
“N—nakita na po siya ni uncle Javier?”
Tumango si grandpa sa akin. “Yes, apo. Pina—test na muli si Javier. Lalabas din ang result ngayong araw.” Base sa boses ni grandpa parang hindi magiging maganda ang result ng test ni mom.
“Grandpa, Grandma, lalabas po muna ako. Tatawagan ko po sina dad and kuya Harold.” Wala silang sinabi sa akin kaya lumabas na ako sa room.
“Samahan na kita, Francheska.” Sumunod si kuya Ryder sa akin. Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking balikat. “We are here for you, Francheska.” bulong ni kuya Ryder sa akin.
Nang matapos kong magsend ng message kina dad and kuya Harold na nasa hospital si mom muli ay lumakad ako papunta sa chapel dito. Hindi na naman sila ma—contact as always kapag may nangyayari kay mom.
Lumuhod ako sa harap ng malaking krus. “Sana hindi maging malala ang result ni mom ngayon. God, kung totoo ka man, dinggin mo ang panalangin ko. Ngayon lang ako humihiling... Sana bigyan mo pa nang mahabang panahon ang mom ko. Sana maging cancer free na siya. Kung totoo ka man talaga... Dinggin mo ang panalangin ko.” Piping—dalangin ko habang nasa harap niya ako.
Lumabas na rin kami sa chapel, naglalakad na kami pabalik sa room nang umilaw ang aking phone, nakita ko ang name ni Ninong Xeron.
Ninong Xeron:
Everything is okay, Fran.
Alam kong malaki ang pinagdadaanan mo ngayon, but Iʼm always here for you.
Sana magustuhan mo ang gift ko sa iyo.
Always fighting, okay?
Napahinto ako sa paglalakad at napangiti. Isang chat lang ni Ninong Xeron para bumalik sa saya ang puso ko.
Ang lakas talaga ng charisma ni Ninong Xeron sa akin.
Francheska:
Gift? Hindi ako makapaghintay na makita ang gift mo para sa akin, Ninong Xeron.
I know na kaya ko itong lampasan.
I hope na maging okay rin ang business na inaasikaso mo dʼyan.
So, love mo rin ako, ano?
Nag—aalala ka rin sa akin. Hehe.
Reply ko sa kanya at hindi ko mapigilang mapangiti nang malaki.
“Francheska, come on! Nagchat si Ryker na may food na sa room!”
Narinig ko ang sinabi ni kuya Ryder sa akin. “Okay! Susunod na!” mabilis kong sabi sa kanya.
Kumakain na kaming lahat nang dumating sina dad and kuya Harold parang walang sense of urgency na naganap sa kanila. “Good day, Mr. and Mrs. Lazaro. Kumusta si Frances?” pormal na tanong ni dad habang nakatingin kay mom.
“Hindi pa lumalabas muli ang result, Henry. Bakit late na naman kayo? Wala ba sa isipan ninyo na nasa hospital si Frances?” malakas na sabi ni grandpa na halos hindi ko malunok ang sinubo kong pagkain.
“We are sorry. Na—traffic kami sa EDSA kaya natagalan kami sa pagkarating dito.”
Totoo kaya ang sinasabi niya?
“Grandpa, nagsasabi kami ng totoo—”
“Nandito na muli ang lahat.” Hindi na muli naituloy ni kuya Harold ang sasabihin niya nang dumating si uncle Javier.
“Javier, ano ang result?” tanong ni grandma.
Napatingin si uncle Javier kay mom na tulog pa rin hanggang ngayon. “Hindi maganda ang maibabalita ko sa inyo, uncle and auntie, maging sa inyo Francheska, Harold, and Henry... Kumalat na sa buong dibdib niya ang cancer, hindi lang doon dahil maging ang buong katawan niya kasama roon ang bones, lives, lungs and ever her brain. Kaya sa simpleng lakad or pagtayo ay kinakapos agad siya ng hininga,” sabi niya sa amin.
“Kaya ba laging iniinda ni mom ang kasu—kasuan niya?” tanong ni kuya Harold. “Dahil kumalat na sa buong katawan niya ang cancer?”
Kumalat na sa katawan ni mom ang cancer?
Tumango si uncle Javier sa tanong niyang iyon. “Yes, Harold. Then, may bad news pa akong ibabalita... Hindi ko gustong sabihin sa inyo ito but may tatlong buwan na lang si Frances if babasehan ang sitwasyon niya ngayon.”