“Hello, Sephoraaaaa!” Aiyanna giggled when she spotted a big sephora store inside ION Orchard, excited na pumasok siya at kumuha ng isang basket. Wala kasing Sephora shop sa Pinas kaya kapag lumalabas siya ng bansa ay nagho-hoard talaga siya ng mga skin care and make up items. Maganda rin kasi iyong pang-regalo sa kapwa niya babae, at siyempre dahil mahilig siya sa make-up. She’s a party girl, remember? Pumunta siya sa mga brand na trusted na niya at kumuha ng ilang produkto mula doon, nang lapitan naman siya ng isang sales lady doon ay nagtanong siya kung anong mga bagong skin care products na maganda at trending ngayon. She even got her new Foreo Luna 3, na talagang sikat ngayon dahil magandang facial cleansing gadget iyon at mayroon din iyong facial massage vibration. Matapos iyon ay