“Michelle, you ready?” “5 minutes!” sigaw ni Aiyanna mula sa loob ng bathroom, ngayong araw kasi sila pupunta sa Universal Studios Singapore at nae-excite siya dahil bata pa yata siya noong huling punta niya sa isang Theme Park. She wore a black crop top, white high waisted shorts and her white sneakers. Isang black back pack ang pinili niyang dalhin na bag para kumportable siya sa pag-galaw. She’s 100% sure na para siyang batang first time makapunta sa park mamaya kaya kumportableng damit lang ang sinuot niya. She put her wallet with cash and cards, cellphone, lipstick and a pack of tissue paper inside her bag. “Pang-ilan mo nang 5 minutes ‘yan.” reklamo ni Clyde na nginisian lang niya kahit hindi naman nito nakikita. Matapos kasi niyang maligo ay nagpa-tuyo pa siya ng buhok, at nagla