"You okay?" tanong ni Clyde kay Aiyanna habang nasa sasakyan, papunta sila ngayon sa Francesca's para sa fitting. Simula sa araw na iyon ay magfo-focus na sila ni Clyde sa wedding preparations dahil halos isang buwan na lang bago ang kasal nila. "Oo naman!" aniya rito bago mariing kinagat ang pang-ibabang labi dahil naalala na naman niya ang nangyari noong isang gabi. They kissed! Alam naman niyang hindi lang iyon ang unang beses siyang halikan nito pero iba 'yung kiss na ito. There is something she can't explain at hinding-hindi mawala sa isip niya ang halik na iyon. She also remembered that she screamed when she got inside her room, nagsasayaw pa siya na parang kiti-kiti dahil sa kilig. Only to find out na binuksan pala ni Clyde ang pintuan ng kwarto dahil narinig nito ang pag-tili niy