Nananatiling nakatulala si Aiyanna habang bumibyahe sila pabalik sa penthouse ni Clyde, hindi pa rin malinaw sa kanya ang mga nangyari kanina. Saktong palabas na siya sa mall nang magtakbuhan ang mga tao, nakarinig din siya ng putok ng baril kaya kaagad na rin siyang tumakbo palabas. Sunod sunod ang sigawan at putok ng baril dahilan ng panghihina at panginginig ng katawan niya at nang dumating ang mga pulis ay in-escort sila ng mga ito sa ligtas na lugar doon. Nanginginig talaga ang katawan niya kaya napaupo na lang siya sa gutter ng kalsada. Bumalik sa ala-ala niya ang tangkang pagdukot sa kanya noong isang araw. Kinuha niya ang cellphone upang tawagan si Clyde ngunit naka-patay na iyon, hindi naman siya maka-punta sa Francesca's dahil mukhang hindi kaya ng tuhod niyang tumayo at maglaka