CHAPTER 8

3029 Words
SUMILIP SI Sierra sa pinto.  Madilim pa sa labas dahil mag-a-ala singko pa lang ng madaling araw.   “Okay, the coast is clear,” aniya sa sarili.  Nagbilang siya ng hanggang sampu at malalim na bumuntunghininga. Ngunit pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay saka naman niya nakita ang grupo ng apat na kababaihan na nagdya-jogging sa kanilang kalye.  Di kalayuan sa mga ito ay ang tila mag-asawang matanda na naglalakad bilang sarili nilang morning exercise. “O, Sierra, anong ginagawa mo riyan?” tanong ng kanyang ina.  “Sinong sinisilip mo?” “Wala, ‘Nay.”   Nakangiti nitong tiningnan ang outfit niyang puting t-shirt at jogging pants.  “Magdya-jogging ka?” “Hindi na.” “Ha?  Bakit?  Ayan nga at handang-handa ka ng tumakbo.” “Ang daming tao sa labas, eh.  Nakakahiya.” “Nakakahiya?  Ano naman ang nakakahiya dun?” “E…”  Ang totoo, sa sarili niya siya nahihiya.  Ito ang unang pagkakataon na magdya-jogging siya at parang hindi siya sanay na makita ng iba ang ginagawa niya. “Hay naku, lumabas ka na at tumakbo.  Marami naman kayo kaya bakit ka mahihiya?  Kung gusto mo, ihatid mo ako hanggang sa sakayan papuntang palengke para makabuwelo ka.” “Hindi na, ‘Nay.  Ayoko na.  Ihahatid ko na lang kayo hanggang dun sa kanto.  Magbe-belly dancing na lang ako mamaya pagbalik ko.” “Hay, ikaw na nga ang bahala.” Araw-araw na gumigising ng maaga ang kanyang ina para mamili ng mga kakanin sa palengke.  Hilig kasi ng mga tao roon sa kanila ang mga ganong pagkain sa umaga, lalo na ang mga bata dahil sa mga kakaibang kulay niyon.  Napalingon siya sa bahay at saradong klinika ni Reigan nang madaanan nila iyon. “O, nanunulis na naman iyang nguso mo,” puna ng kanyang ina.  “Ikaw talaga, Sierralaine.  Hindi ko maintindihan kung bakit ang init ng dugo mo kay Reigan e napakabait naman ng taong iyon sa iyo. Ano ba ang ginawa niya sa iyo at ganyan na lang ang galit mo sa kanya?” Inismiran niya ang bahay nito, as if it was really Reigan.  “Sabi niya kahapon sa akin, susunduin daw niya ako paglabas ko sa trabaho.  Hindi siya dumating.” “Kaya nagda-drama ka ngayon diyan?” “’Nay, sino ba naman ang hindi magre-react ng ganito sa ginawa niya?  Inasahan ko siya kagabi.  Ang tagal kong nagmukhang tanga sa paghihintay sa kanya sa tapat ng branch namin.  Nagka-varicose veins na ako sa kakahintay.” “Eksaherado ka naman masyado.  Wala ka namang varicose, ah.” “E, paano nga kung magka-varicose ako?  Puro na nga ako bilbil, magkakaroon pa ako ng ugat-ugat sa binti.  Magmumukha na akong tigang na puno, ‘Nay.  At dahil iyon sa kagagawan ng ipinagmamalaki ninyong doktor na iyon.” Tumawa lang ito.  “Sa tono ng pananalita mo, parang gusto mo ng sakalin si Reigan.” “Hindi lang iyon ang gusto kong gawin sa kanya, ‘Nay.” “Bago ka magwala riyan, naitanong mo na ba sa kanya kung ano ang dahilan at hindi siya nakarating sa usapan ninyo kagabi?”   Saglit siyang natigilan.  “E…basta.  Kung hindi siya makakarating, sana tinawagan man lang niya ako o kaya nag-text siya para hindi namuti ang mga mata ko sa kakahintay sa wala.” “Alam ba niya ang numero ng cellphone mo?” Hindi.  Malay ba niyang magkakaroon ng lakas ng loob si Reigan na sunduin siya sa kanyang trabaho?  Hindi rin naman nito hiningi ng personal ang numero niya.  O, kasalanan ba niya iyon? “Kung ako sa iyo, Sierra, kung talagang hindi ka mapakali sa ginawang iyan ni Reigan, puntahan mo siya at tanungin ng diretso.” “Ayoko nga.  Baka isipin ng kumag na iyon e big deal sa akin ang nangyari.” “Bakit, hindi ba?” Napangiti na lang ang kanyang ina nang hindi siya sumagot.  “Alam mo, Sierra, hindi naman masamakung magugustuhan mo si Reigan.  Mabait ang batang iyon.  At matagal na rin naman siyang nanliligaw sa iyo.” “Hindi iyon nanliligaw, ‘Nay. Trust me. Nag-e-enjoy lang talaga siyang asarin ako at ang paborito nyang joke e ang panliligaw niya kuno sa akin. Ganon siya ka-sira ulo, ‘Nay.”“Kung totoo iyang sinabi mo, sana noon pa siya nagsawa.  Pero nakita mo naman, mula noong highschool kayo hanggang ngayon, sabi mo nga, pinagti-trip-an ka pa rin niya.  Aba’y kung nabuhay lang noong kabataan ko iyang si Reigan at pinag-trip-an din niya ako, papatulan ko na ang mga sinasabi niya.” “’Nay!” Tumawa lang ito saka pinara ang paparating na dyip.  “Si Reigan ang tipo ng lalaking sineseryoso at hindi dapat pinapakawalan.” “Wala akong balak mag-asawa.” “Magbabago rin iyan.  Tanungin mo na si Reigan.” “I’m not gonna ask him to marry me!” “Anak, huwag ka naman masyadong obvious.  Sagutin mo na muna si Reigan bago mo siya yayaing magpakasal.” Bago pa makahirit si Sierra ay nakasakay na ng dyip ang kanyang ina. Kalokang nanay ‘to. Kung hindi lang ito ang nagluwal sa kanya sa mundo, baka pati ito ay nasakal na rin niya.  Bakit ba lahat na lang ng tao sa paligid niya ay ginagawa ng past time ang pang-aasar sa kanya?  Pang-asaran ba talaga ang mukha niya?   Pabalik na siya sa kanilang bahay nang mapansin ang ilan pang mga nagdya-jogging.  Nahihiya talaga siyang makisabay sa mga ito.  hindi na nga bale kung hindi siya makapag-jogging.  Meron pa namang ibang alternative na puwede niyang gawin na makakatulong sa pagpapapayat niya.  ‘Yung hindi na niya kakailanganing makipagsabayan sa ibang tao para hindi siya naiilang. “Sierralaine.” Bahagya pa siyang napahiyaw nang marinig ang boses na iyon sa kanyang tabi.  Hindi niya tinigilan sa paghampas sa balikat nito si Reigan. “Aray—aray—aray—uy, tama na.  Masakit na.” “Nakakainis ka talaga!  Bakit mo ba ako tinatakot ng ganon, ha?”  Isa pang hampas sa braso nito ang pinakawalan niya.  “Lagi mo na lang akong niloloko!  Akala mo ba nakakatuwa ka pa?  Ang sarap mong katayin talaga!” “T-teka, kailan naman kita niloko—aray ko!” “Kagabi!  May pasundo-sundo ka pang nalalaman e hindi ka rin naman pala sisipot!  Ang tagal kitang hinintay dun sa labas ng branch namin pero ni anino hindi nagpakita!” Natigilan ito sa kabila ng patuloy niyang paghampas dito.  “Hinintay mo ako?” “Ay, hindeee…” sarkastiko niyang sagot. Pero nanggigigil pa rin talaga si Sierra  kaya maghigpit niyang pinisil ang magkabila nitong pisngi dahilan para mapangiwi na lang ang binata. “Aw…”  He still has his eyes closed, as if waiting for her to hit him.   Hindi nga lang nagawa ni Sierra na sampalin ito sa kabila ng pagkabuwisit niya rito.  Ito ang unang pagkakataon na nahawakan niya nang ganito ang mukha nito.  His skin felt so smooth and soft. She never thought men’s faces could ever be this soft.  His face handsome as the first time she saw him years back.  The face her young heart had falllen inlove with.  Hayun na naman ang papalakas na t***k ng kanyang puso.  Gaya ng nararamdaman niya rito nitong mga nakaraang mga araw.   Gaya ng nararamdaman niya noong highschool pa lang sila. He slowly opened his eyes when he probably noticed she wasn’t gonna scratched his face.  At daig pa ni Sierra ang pinompiyang sa magkabilang tenga nang salubungin niya ang mga matang iyon.  Umarangkada kasi nang husto ang t***k ng puso niya.  Mas matindi pa iyon kaysa doon sa mga nauna niyang naranasan nang maging aware siya sa kakaibang t***k na iyon ng kanyang puso pagdating kay Reigan. No.  Way. “You know, you could hit anytime you want,” wika nito. “Pwede ring hindi na. I would really appreciate that one. Pero ikaw, kung gusto mo pa rin talaga akong upakan, buong puso kong tatanggapin dahil may kasalanan naman talaga ako--” “Manahimik ka nga minsan, Reigan. Napakadaldal mo.” Tinalikuran na siya niya ang binata.   Naloloka na yata siya.  Bakit ganon ang nararamdaman niya para sa kumag na ‘yon? She had hated him since their highschool days.  She had hated him all these years.  Kaya paano nangyaring kilala pa rin niya ang damdaming iyon na ngayon ay mas malinaw na niyang naipapaliwanag sa sarili. “Sierra!”  Humarang na sa daraanan niya si Reigan.  “Let me explain why I didn’t make it yesterday. Totoo ito. Pakinggan mo lang sandali ang sasabihin ko. Give me few minutes--” Humarang na naman ito para pigilan ang dalaga nang magtangka uli si Sierra na iwan ito. “Five minutes. Give me just five minutes to explain.” Gusto nang lamukusin ni Sierra ang guwapong mukhang iyon.  Bakit ba ayaw pa siya nitong tigilan samantalang puro lang naman mga panlalait at p*******t ang nakukuha nito sa kanya sa tuwing nagkakaharap sila? Lalo lang tuloy nagugulo ang magulo na niyang isip na may kinalaman sa kumag na ‘to. Hindi lang isip niya, actually, involved na rin ang puso niyang kakaiba na ang unti-unting nararamdaman para rito. “Sierra…” At paano nga ba niya tatanggihan ang guwapong mukha ng makulit na unggoy na ‘to? Her heart just couldn’t say ‘no’. “Fine.” She crossed her arms over her chest. “Three minutes.” “Okay.” Agad nagliwanag ang mukha nito kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi. He really was that happy? “Nagkaroon kasi ako ng emergency situation kagabi.  Tatlong bata ang dinala sa clinic.  May Dengue ‘yung dalawa at ‘yung isa, inaatake ng hika.  Delikado ang lagay nung may Dengue at wala naman ako sapat na aparatus para sa pangangailangan nung may hika kaya isinugod ko na sa ospital ang mga bata. Para maasikaso agad. I monitored their progress all night since I’m their pedia. Hindi ko sila maiwan. Hindi rin naman ako mapapakali kung iiwan ko sila sa ibang doktor. I’ve been very busy kaya late na nang maalala ko na may usapan nga pala tayo na susunduin kita. Hindi rin naman kita ma-contact dahil nakalimutan kong hingin sa iyo ang cellphone number mo.  Tinawagan kita sa bahay ninyo kaya lang, tulog na yata kayo dahil wala ng sumasagot.”   So, that was his reason. Hindi tuloy makaimik si Sierra dahil nahihiya siya sa kanyang sarili. Bakit nga ba hindi muna siya nagtanong kung ano ang nangyari kung bakit hindi ito nakarating imbes na mag-inarte agad? “Alam kong galit ka, Sierra.  Kaya lang talagang may mga ganong pagkakataon talaga sa buhay naming mga doktor na hindi maiiwasan.  Ahm, susunduin na lang kita uli—“ “Huwag na.”  Napansin niya ang pagbagsak ng mga balikat nito.  “Kumusta na ang mga bata?” “Ang mga bata…?” “Ang mga pasyente mo. Maayos na ba ang lagay nila?” Saglit itong tila naguluhan yata si Reigan sa tanong ni Sierra kaya hindi ito agad nakasagot. Hindi siguro nito inaasahan na ganon kahinahon ang magiging reaksyon niya lalo at mainit ang ulo niya rito.  O masyado na lang itong nasanay sa karinyo brutal niyang pakikitungo rito kaya hindi ito makapaniwala na magpapakita siya ng ‘kabutihan’ dito ngayon. Pero ilang sandali lang naman ang lumipas ay nagliwanag na ekspresyon ng guwapo nitong mukha at kasabay ng pagkislap ng mga mata nito ay ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.  The creep was a total hottie!  Darn! “Stable na ang kundisyon nila. Pero under monitoring pa rin for a few more days just to make sure na wala na ngang lalabas na ibang symptoms. ‘Yung may hika puwede nang makauwi bukas o sa makalawa. The other two would probably still stay at the hospital for a week or so until they’re fully recovered.” Tumango-tango lang si Sierra. “That’s good to hear. I’m glad they’re all stable now.” “So…pinapatawad mo na ba ako ng lagay na iyan?” “Ginawa mo lang naman ang trabaho mo. Nothing wrong with that.” “So…pinapatawad mo nga ba ako ng lagay na iyan?” “You want me to be the villain so badly, huh.” “Hindi, ah. Hindi bagay sa iyo ang maging villain. You will always be the princess in every fairytale.” “Princess na mataba.” “At napakaganda.” Gustong irapan ni Sierra ang halatang pambobola lang ni Reigan. But she just couldn’t help smiling, kaya iniwan na lang niya ang tingin para itago ang pinipigil na ngiti. “Ewan ko sa iyo, Reigan.” “Bati na tayo?” “Para kang bata.” “Ganon ba?  Sabi nga rin ng mga kaibigan ko sa Stallion Riding Club kapag nadadalaw ako dun.  Pero hindi na siguro talaga maiiwasan na mahawa ako sa mga makukulit kong pasyente. ‘Lakas kasi nila mang-impluwensya.” “Mga bata pa talaga ang sinisi.” “Pero cute naman kami, ‘di ba?” “’Yung mga pasyente mo, oo.  Pero ikaw, hindi.”  Handsome was the right word to described this hottie.  Ngumisi lang si Reigan.  Yeah, a hottie alright. “Magdya-jogging ka ba?  Sabay na tayo.” “Jogging?  Hindi ko na kailangang mag-jogging, ‘no?” “Maganda sa katawan ang jogging, Sierra...” Sinimangutan niya ito.  “Akala ko ba okay lang sa iyo na mataba ako?” “Hindi lang naman para sa mga nagpapayat ang pagdya-jogging.  Para iyon sa lahat dahil maganda iyon sa katawan.  Para maging healthy tayo at hindi agad dapuan ng sakit.” Kung ganon, mataba nga talaga siya dahil hindi nito ikinaila ang sinabi niya.  Puwes, magdya-jogging na siya.  Sumabay na si Reigan sa kanya sa pagtakbo.  They jogged around their village without talking.  Pero paminsan-minsan, lihim niya itong sinusulyapan.  At mas lalo lang niyang napapatunayan sa sarili na hindi na nga biro talaga ang nararamdaman niyang iyon para rito. Peste!  Dapat pala ay hindi na lang siya nagpauto rito tungkol sa pagganda ng katawan dahil sa pagdya-jogging.  Luminaw pa tuloy sa isip niya ang dahilan ng kaguluhang iyon sa puso niya.  Kaya imbes na mas pagtuunan niya iyon ng pansin, ibinaling na lamang niya sa ibang bagay ang kanyang atensyon.  Wala pa siyang balak na kumprontahin sa ngayon ang katotohanang iyon sa likod ng kakaibang damdamin niya kay Reigan. Isang paaralan ang madadaanan nila.  Iyon ang nag-iisa at pinakamalapit na paaralan sa kanilang subdibisyon.  Ang Mary Seat Of Wisdom Academy.  Sarado iyon at walang estudyante dahil araw ng Sabado. “Ang ating sintang paaralan,” sambit ni Sierra.  “Ngayon ko na lang uli nakita ito.” “Ikaw kasi, hindi ka lumalabas ng lungga mo.” “Busy lang ako sa trabaho, ‘no?  Bakit ikaw?” “Madalas akong mag-jogging dito.  Marami kasi akong naalala sa lugar na ‘to.” “Gaya nung unang beses kang lumabas ng C.A.T. Headquarters ng naka-puruntong lang at mahabang medyas?” “Hey, that wasn’t funny.” “It was funny for us.”  Napag-trip-an noon ng mga co-officers ni Reigan nang may isang sumigaw sa loob ng headquarters ng ‘sunog!’ habang nagbibihis ito ng uniporme.  Ilang linggo ding pinagpiyestahan ang eksena nito kung saan nagkukumahog itong lumabas ng HQ na shorts lang at mahabang medyas ang suot.  Kahit hanggang ngayon, natatawa pa rin si Sierra kapag naalala iyon. “’Kita mo ‘tong ang babae na ‘to. Sadista talaga,” reklamo ni Reigan. “Pinagtatawanan ang kamiserablehan ng iba.” “Alangan namang kamiserablehan ko ang pagtawanan ko.” “Hmm, you have a point.”  Isang puno ng narra na malapit sa gilid ng paaralang iyon ang madadaanan na rin nila.  It was his turn to grin.  “Alam mo bang napaka-memorable ng punong iyan para sa akin?”   Tila tinadyakan ng kabayo sa dibdib si Sierra nang makita ang matandang puno. Parang gusto niyang bumalik sa kanilang bahay at kumuha ng palakol para putulin ang punong iyon.  Kung meron man kasi siyang iniiwasang maalala ay ang araw na iyon.   “Nadaanan kasi kita rito na umiiyak mag-isa—“ “Hindi ako umiyak dito, ‘no? Excuse me lang,” mabilis niyang kaila. “Umiiyak ka.  Nakita ko iyon.  Binato mo pa nga ako ng nadampot mong buto ng mangga nang tanungin kita kung anong problema.  Hindi ba’t sinabi mo pa nga na layuan kita dahil baka makita tayo ng girlfriend ko?”  Tumingala pa si Reigan sa mataas na puno saka muling nagpatuloy.  “Then I realized, you were jealous of Lena.  Alam mo, kung nalaman ko lang agad noon na may gusto ka sa akin, hindi ko na sana sinagot si Lena.” “Sinagot mo…si…Lena…” “Oo. Alam mo kasi, siya ang masugid na nanligaw sa akin--” “Wow. Ang hangin, ‘lakas, grabe.” “Siya talaga ang nanligaw sa akin. Itanong mo pa sa nanay at tatay ko. Sila ang mga piping saksi sa lahat ng Pogi Problems ko.” “Taragis na ‘yan.” “Pero mabalik tayo sa pinag-uusapan natin. As I’ve said, kung alam ko lang na nagseselos ka nun--aray!” Malakas na nahampas ito ni Sierra sa braso. “Ang kapal mo!  Wala akong gusto sa iyo!” Nakangisi siya nitong nilingon.  “Akala mo lang wala.  Pero meron, meron, meron—“ Bumagsak ito sa mabatong ilalim ng puno ng narra nang sa panggigigil niya ay itulak niya ito.  Napasinghap ito nang mapasubsob doon.  Agad namang ng nginatngat ng kunsensiya ang kalooban niya.  Mukhang nasaktan kasi ito.  Nakumpirma lang ang hinala niya nang maupo ito sa lupang kinabagsakan at tumambad sa kanilang mga mata ang mga palad nitong may mga nakadikit na malilit na bato at ilang bubog. “I’m hurt, Sierralaine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD