CHAPTER 9

2744 Words
“KASALANAN MO iyan.  Kaya matuto ka na sanang huwag akong bibiruin sa umaga.” “Hindi naman kita biniro, ah.  Nagkukuwento lang ako nun.  Pakikuha naman ‘yung medicine kit dyan sa ilalim ng center table.” Sumunod naman agad si Sierra.  Pagkagaling nila kanina sa paaralang naging saksi na naman sa kaguluhan nila ni Reigan ay sinamahan na niya ito hanggang sa bahay nito.  Nakukunsensiya na rin naman talaga siya sa nagawa niyang pagtulak dito kanina kaya ito nagkasugat sa kamay. Sumobra na masyado ang pagiging brutal niya rito. “Bakit hindi na lang tayo roon sa clinic mo?” tanong niya pagbalik.  Inilapag niya sa mesita sa sala ang nakuhang medicine kit. “Mas madaling gamot dun, di ba? Mas marami kang magagamit para dyan sa sugat mo.”  “First aid lang naman ang kailangan ko.  At tinatamad na akong magbukas ng clinic kaya dito na lang tayo.” holding his injured arm up, he looked at her. She looked at him. “O, bakit?” Iginalaw-galaw nito ang mga kamay. “Paano mo ako maaasikaso ang sugat ko kung nandyan ka? Dito ka sa tabi ko maupo.” “Ako ang gagamot sa iyo?” “Hindi ko naman puwedeng gamutin ang sarili ko at parehong may pinsala ang mga kamay ko.  Come on, Sierra.  Tatanggalin mo lang naman ang mga tumusok na bato at bubog sa mga palad ko.  Pagkatapos ay lilinisan mo na at pagkatapos, tapos na.  Madali lang iyon. Sandali lang iyon.” “Ayoko nga.” “Dadagdagan ni Lord ng isang patong ang mga cute mong bilbil sa tiyan.” “Gago.” “Dalawang patong--” “Oo na!” Padabog siyang umupo sa tabi nito. “Ia-assist naman talaga kita sa pag-aasikaso sa sugat mo. Pero ngayon, parang gusto ko na ring bawiin ang plano kong kabaitan sa…iyo…” She looked at the sight of little scratches on his hands. Mas lalong nginatngat ng kunsensya ang pagkatao niya. She suddenly wanted to touch those arms and gently blew on it to make him feel better. “Relax, Sierra. Ganito lang ang gagawin mo…” Reigan gave her a rundown on how to clean his wounds.   Heck, she didn’t need those instructions. Kaya kumilos na siya para asikasuhin ito. With trembling fingers, she gently picked up bits of broken glass and pebbles off his palms.  Nang makitang may mga mumunting dugo na ang nagmumula sa mga pinag-alisan niya ng mga bubog, napahikbi na siya. “Hey…what’s wrong?” he asked in his softest voice. “H-hindi lang ako sanay na…n-na makakita ng ganito…ng dumudugong sugat.”  Patuloy siya sa paghikbi at pag-iyak nang kumuha ng bulak at basain iyon ng alcohol.  “Kung alam ko lang na lampa ka sa umaga, sana…s-sana…” “Sana sa hapon mo na lang ako itinulak,” natatawa nitong dugtong. “Tumahimik ka nga. Walang nakakatawa sa nangyari sa iyo.” “Nakukunsensya ka na ba ng lagay na iyan? Kung ganon, sagutin mo na ako--” “Shut up.” Pero walang dating ang tono ng boses ni Sierra. Para kasing ayaw na niyang masaktan nang husto ang binata. Parang ayaw na niyang masaktan uli ito. “You’re afraid of blood?” “Hindi, ‘no?  I just don’t like doing this,” kaila niya. “Ayokong makakita ng mga ganitong bagay. Kaya nga ako nag-accounting, eh.  Para siguradong hinding-hindi ako sa mga nasasaktan.”  Napalakas ang hikbi niya mapansing dalawa sa maliliit na sugat nito ay hindi maampat ang pagdurugo.   “Hindi pa ako mamamatay, Sierra.” “Magpa-ospital ka na kasi!” “Malayo iyan sa bituka.” “Paano kung hindi na huminto ang pagdurugo ng mga iyan? Paano kapag naubusan ka ng dugo?!” “You’re so cute.” Binalingan niya si Reigan para kastiguhin lalo, pero napansin niya ang kakaibang kislap ng mga mata nito na tila ba masyado itong natutuwa sa mga nakikita sa kanya nang mga sandaling iyon. He looked freakin’ handsome. “Pinagtatawanan mo ba ako?”   “And also admiring you.” “Taragis ka, makakarma ka rin…” Kumuha si Sierra ng malinis na tissue sa medicine kit at suminga roon.  “Ayoko na. Hindi ko na kaya. Magpa-ospital ka na lang, please…” He chuckled and shook his head slowly.  “Hindi ako makapaniwala na sa tapang mong iyan, galos lang pala ang makakapagpatiklop sa iyo.” “Oo na.  So, ano?  Tama na ba iyan? Hindi mo na ba talaga kailangan magpa-ospital? Baka kulang pa ang ginawa ko at lalo lang lumala ang sugat mo.”  Muli siyang suminga sa kanyang tissue paper.  “Baka hindi ka na makapanggamot uli. Wala nang magiging doktor ang mga bata dito sa atin…” “Ikaw talaga. I told you, malayo ito sa bituka. I’ll be fine. Huwag ka nang mag-alala. Sapat na ang ginawa mo. Ako na ang maglalagay ng bandage. Magpahinga ka na lang dyan at parang tatakasan ka na talaga ng kaluluwa sa itsura mo.” Pero inagaw niya kay Reigan ang mga pang-benda sa sugat.  “Ako na.” “Kaya mo pa ba? Akala ko ba…” “Ayoko lang ng naglilinis ng mga sugat.”  Nanghihina at nanginginig pa rin ang mga kamay niya habang ibinabalot sa bandage ang kamay nito. Mali yata ang kanyang ginagawa dahil hinawakan nito ang isa niyang kamay at iginiya sa kung paano ibabalot nang maayos ang bandage.  Pansamantalang nakalimutan ni Sierra ang katatapos lang niyang dilemma nang maramdaman ang init na hatid ng kamay nito sa kanya.  Ito na nga lang yata ang kumikilos dahil nakatitig na lang siya sa magkasugpong nilang mga kamay.   It really felt good.  When she turned to him again, tamang tama lang na napatingin din ito sa kanya.  Nang ngumiti ang binata na tila ba sinasabing ayos lang ang lahat, nagwala na ang puso ni Sierra.  Parang lasing na naghahamon ng away.  Pagkakaiba lang, hindi paghahamon ng away ang isinisigaw ng puso niya nang mga sandaling iyon. I!  Love!  You! “Okay ka na?” tanong ni Reigan.  Tila robot lang na tumango si Sierra habang pinagmamasdan ang binata.  “Don’t feel bad about this, Sierra.  Hindi ako mamamaay sa mga simpleng gasgas na ‘to.” I!  Love!  You!  “Reigan!” Napakislot ito sa sigaw ni Sierra at agad nagtaas ng mga kamay. “I’m already injured. You can do whatever you want with me. Just do it gently. Alam mo naman, sensitive ang sink ko--” “Huwag kang maging mabait sa akin!” “Okay, okay. You don’t have to shout.” He tried to wiped the tears from Sierra’s cheeks. “Tama ng iyak iyan.” She pulled away and wiped her own tears. “Hindi ako sanay na ganyan ka kabait, Reigan.” “Ako rin.  Kaya lang, nang makita kitang umiyak, hindi ko maatim na biru-biruin ka.”  Kumuha ito ng tissue at marahan iyong idinampi sa pisngi ng dalaga.  Hindi talaga sumusuko.  “Kung ayaw mong maging mabait ako sa iyo, huwag ka na ring iiyak.  Baka kasi masuntok ko na ang sarili ko kapag nakita pa kitang umiyak.” Pusang gala!  Surrender na talaga si Siera!  She was, and still is, inlove with him.  Mula ng highschool siya hanggang ngayon. Iyon ang dahilan kung bakit kakaiba ang mga nararamdaman niya kapag nasasabak sila sa mga kakatwang sitwasyon.  Gaya noong gabing daganan niya ito sa harap ng bahay nito.  Mahal niya ito at iyon din ang dahilan kung bakit sa kabila ng matinding iritasyon niya rito, lagi pa rin nitong napapabuti ang kalooban niya kapag badtrip siya sa mundo.  And that’s also the reason why he was the only one who could make her heart beat like crazy.  Because she had always been in love with him.  Hindi nabura ng galit at inis niya rito ang damdaming iyon.  Hindi rin sapat ang naging kabiguan niya rito, pati na ang haba ng panahong lumipas, upang maglaho iyon. In fact, mukhang naging mas matibay pa nga iyon.  Dahil ang traydor niyang puso, inalagaan ang pag-ibig na iyon sa loob ng maraming taon nang hindi niya namamalayan.  Ngayon, lumitaw na lang iyon nang hindi rin niya alam kaya heto siya at wala ng magawa pa para pagilan ang damdamin niya rito. Napahikbi na naman si Sierra hanggang sa mapaiyak uli siya nang tuluyan.   “You really want me to punch myself, do you?”  Napabuntunghininga na lang si Reigan.  “Hay.  Sige na, sige na.  Susuntukin ko na ang sarili ko.  Tahan na.” She touched his hand.  “Huwag ka ngang tanga, Reigan.  Naiiyak lang ako pero hindi ikaw ang rason.  Epal ka.” Napakamot na lang ito ng ulo.  “Ano na ba talaga ang dapat kong gawin sa iyo, Sierralaine?” “Wala.”  Kumuha uli siya ng tissue.  “Hayaan mo lang akong umiyak.” “And I told you I don’t want to see you cry.  Kung hindi ito dahil sa mga sugat ko, kung ganon dahil na naman ba iyan sa iniisip mong mataba ka?” Nakakita siya ng magandang opportunity na mailayo sa totoong dahilan ng pag-iyak niya ang usapan.  “Mataba naman talaga ako.  I’m fat and I’m ugly.  Wala  na akong pag-asa.” “You’re not fat. You’re just…healthy.” “You stuttered.” “And you’re beautiful. You’ve always been beautiful in my eyes.” “Nambobola ka na naman.” “Kailan mo ba ako paniniwalaan, ha, Sierraline? Kapag kasal na tayo?”  Napatanga na lang si Sierra.  He looked so serious and for a moment she really thought he was going to do it.  But then again, knowing how crazy Reigan can be, he just laughed it off after.  “O, biro lang. Biro lang. Huwag kang maha-highblood agad.” Biro lang. Na naman. Hindi na talaga siya nito sineryoso.  At mukhang hindi na iyon magbabago pa.  Nakakalungkot.  Kung kailan diretso na ang takbo ng magulo niyang puso at isipan, saka naman gumulo at nagpapagewang-gewang ang taong nagpatino sa puso at utak niya.  Muling umagos ang luha sa kanyang pisngi subalit wala ng anomang ingay na maririnig sa kanya.  Natuto na rin siyang mahiya sa harap nito.  Bad trip.  Kung hidni lang siya nahihiya ngayon, sinabi na sana niya ang lahat ng nararamdaman niya.  Para wala ng sakit ng ulo.  Pero malas, eh.  Ngayon pa talaga siya tinubuan ng hiya sa katawan. “Sierra, ano na naman ang ginawa ko?” frustrated na ang boses nito. “Wala.” He took a deep breath and wrapped his arm around her, pulling her close to him.   “Halika na nga rito.”  Just like that first time he hugged her at his clinic.  Masarap pa rin sa pakiramdam.  “Sierra, hindi ka magiging masaya kung habambuhay mong iintindihin ang sinasabi ng ibang tao sa iyo.  You have to learn to accept everything about you, who you are and what you are.  Dahil kung hindi, wala ring tatanggap sa iyo.  Huwag kang magpadikta sa sinasabi ng lipunan na mga seksi lang ang may karapatang maging maganda. Na mga seksi lang ang may karapatang lumigaya.” See that? How could she not love this man when he was being like this? Oo, lagi nga niyang ipinapakita ang pagkaasar niya rito pero dahil lang sa pakiramdam niya na lagi lang siya nitong pinagti-trip-an. But when he was serious like that, when she could feel his sincerity, her real feelings showed up as well. ‘…hindi ka magiging masaya kung habambuhay mong iintindihin ang sinasabi ng ibang tao sa iyo.  You have to learn to accept everything about you, who you are and what you are.’ She touched a hand over his broad chest.  Wala na siyang pakialam sa ibang tao.  Basta nariyan lang ito sa tabi niya at laging magsasabi na maganda siya at siya lang ang tanging babae sa buhay nito.  Kahit pabiro lang iyon, gusto pa rin niyang marinig. “Hindi ka pa rin naniniwala,” malungkot nitong konklusyon. Napabuntunghininga na lang ito. “I don’t know what to do anymore to make you feel good about yourself, Sierralaine.  I really hope you could see what I see in you.” “Bakit, ano ba ang nakikita mo sa akin?” “Alam mo na iyon.  Lagi ko ng sinasabi iyon sa iyo noon pa man.” “Ang alin?” “Na maganda ka.  Na hindi mo na kailangan ang mas magandang katawan.  Dahil kapag sumeksi ka, baka mas lalo akong mabaliw sa iyo.” She just stayed that way and savored those words of his.  Sana nga totoo na lang iyon.  “Matagal ka ng baliw, ano pa ba ang bago?” “Naninirang puri ka na naman, Sierralaine.  Idedemanda na talaga kita.” “E di idemanda mo.” “On second thought, huwag na lang.  Mamaya matipuhan ka pa ng mga pulis at preso sa kulungan, maging instant kriminal pa ako.  Sayang ang lahi ko kung Bilibid lang ang makikinabang.” “Hindi ka na talaga nawalan ng kayabangan sa katawan, ano?” “Nasa sistema ko na iyan, wala na tayong magagawa.  Besides…” Hinintay niya ang susunod nitong sasabihin.  Pero hindi na ito nagsalita pa.  “Besides what?” “Next time na lang.  Para may reserba pa tayong mapag-uusapan.  Siyanga pala, day-off ko ngayong araw.  Wala ka ring pasok ngayon, hindi ba?” “Oo.” “Gusto ko sanang ituloy ang naunsiyami nating date kagabi.” Kumalas siya rito at hinarap ito.  “Date? Anong date?” “’Yung kagabi.” “Hindi ba’t susunduin mo lang ako nun?” “Ah, well, it was supposed to be a date.  Hindi lang kita mayaya nang direkta dahil baka supalpalin mo lang ako ng tumataginting na ‘no’. Kaya iisahan na lang sana kita na kunwari susunduin lang kita.  But the truth is, I really wanted to ask you out last night.” Nagregodon ang puso ni Sierra.  “Sira ka…” “I know.”  He touched a fingher to her hair.  “Makikipagkasundo na sana ako sa iyo.  Nagsasawa na kasi ako sa mga pag-aasaran natin.  Naisip ko lang na kung ‘yung mga aso at pusang kalye nga nagkakasundo, tayo pa kaya?  Ilang dekada na tayong ganito at medyo nagkaka-edad na tayo.  Hindi na bagay na parang mga bata pa rin tayo kung mag-iringan.” “Makikipagkasundo ka lang pala sa akin, bakit kailangan pa ng date?” “Double purpose. Alam mo naman, di ba? Na matagal na akong nanliligaw sa iyo. Hindi mo lang pinapansin--” “You were never serious.” “And you never took me seriously,” dugtong nito. “Dahil kung hindi lang laging poging demonyito ang tingin mo sa akin, e di sana nakita mo na ang kapalaran mo.” “Heh.” Para ng tsubibo ang pakiramdam ni Sierra nang mga sandaling iyon.  ‘Yung bang tipo na tila inilipad siya para lang ibagsak sa lupa pagkatapos.   Pero sige, okay lang.  Tutal naman, inosente si Reigan sa mga nararamdaman niya.  It was not his fault she was a bit hurt right now because of what she just learned. “Fine.” “Ha?” “I said, fine. Tinatanggap ko ang alok mong date. Wala rin naman akong importanteng gagawin maghapon, so…” Napakunot-noo si Sierra nang makita ang expression sa mukha ni Reigan. “Anong klaseng reaksyon iyan? Akala ko ba excited kang maka-date ako?” “O-oo…” “Sasakalin kita kapag sinabi mong nagbibiro ka na naman, Reigan.” “No, no! Seryoso ako! Nagulat lang ako. Akala ko kasi magpapakipot ka--” “Hindi ako pakipot!” “I know, I know. I just thought…well, willing naman akong suuyuin ka nang suyuin hanggang sa pumayag ka--” “Magdi-date ba tayo o hindi?” “Magdi-date!” Sumaludo pa ito. “Thank you!” He was really annoying sometimes, but he was also really cute. Really handsome even. “Saan ba ang date natin?” “Sa Stallion Riding Club.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD