CHAPTER 10

1915 Words
NAKATANGA NA LANG si Sierra habang pinagmamasdan ang papalapit na si Reigan.  She had never seen a man as drop-dead gorgeous as he was right now.  Parang gusto na nga niya itong kuhaan ng picture kung hindi lang magiging obvious ang gagawin niya. Nakalapag pa naman ngayon ang cellphone niya sa mesa kaya mahahalata talaga nito kapag kinuhaan niya ito ng larawan ngayon. Sayang. He was such a sight to behold in his equestrian uniform of black jacket, cream breech pants and black boots.  Nagmukha itong prinsipe sa kanyang paningin.   And his eyes… oh, those eyes.   Na kay Sierra lang nakatutok ang nakangiti nitong mga mata habang patungo ito sa direksyon niya sa restaurant na iyon kung saan siya nito pansamantalang iniwan para magbihis nga ng uniporme nito sa Stallion Riding Club.  Manghang-mangha siya sa naturang lugar dahil kahit saan siya tumingin ay naghuhumiyaw na ‘mayaman ako!’ ang nakikini-kinita niya.  Ito ang riding club na ipinagmamalaki sa kanya ni Reigan kanina habang bumibiyahe pa lang sila. The place was awesome.  And so was Reigan himself.  Parang sa isang iglap, nag-iba ang lalaking nakilala niya mula pagkabata. Sa suot nitong uniporme ngayon, hindi makita ni Sierra ang napakakulit at mapang-asar na kababata. Dr. Reigan Baltazar has turned into Reigan, the most gorgeous man in the world. She could almost hear her heart humming as he sat down on the chair beside her. “Nainip ka ba?  Medyo nagkakuwentuhan kasi kami ng ibang club members na nakasabay ko sa locker room kaya napatagal ang pagbalik ko rito.”  Nakatanga pa rin si Sierra sa binata. Good thing na parang wala namang nahahalata si Reigan sa nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. “So, gusto mo bang kumain na muna tayo bago mamasyal, o mamasyal muna tayo bago kumain?” “I think I’d rather stay here for a while,” sa wakas ay nagawa na rin niyang makapagsalita.  “Nalulula pa kasi ako sa lugar na ito.” “Ano naman ang nakakalula dito?  This was just a restaurant.” “Basta.”  Ibinaling niya sa paligid ang kanyang pansin upang mapigilan ang sariling mapatunganga na naman dito.  Baka kasi kung ano ang isipin nito sa kanya dahil nagmumukha na siyang tanga.  “Hindi ko akalaing may ganitong klase ng lugar dito sa liblib na parte ng Tagaytay.  And you were a part of all this?” “Minsan.  Kapag masyado na akong stressed out sa trabaho.  Ito ang pinaka-retreat place ko.”   “Reigan, hindi yata ako bagay dito.  Parang bawal ang mahihirap na tumuntong dito.” “Kung bawal ang mahirap dito, dapat itinapon ka na palabas ng SRC. Besides, kasama mo ako. Subukan lang nilang hawakan ka at makikita nitong lumilipad patungo sa bunganga ng Bulkang Taal ang mga kamay nila.” “Napaka-morbid mo.” Tumawa lang ito. “Huwag kang ma-conscious. Bagay ka sa lugar na ‘to, lalo na at ako ang kasama mo. Huwag mo rin silang intindihin kung sa kanila ka naiilang.” Itinuro nito ang direksyon ng ilang kakabaihan na halatang mga alta sosyedad na nakikipag-usap sa mga unipormadong club members. “Bawal ang mga outsiders dito pero kung invited ka ng isa sa mga club members, you’re free to roam around here.  At ang mga babaeng iyon, its either companions sila ng mga members o guests ng club.  Nagki-cater din kasi ng mga special functions ang SRC pero very minimal lang at piling-pili.  Sabi nga ni Reid, his Stallion Riding Club is not a tourist spot.” “E, bakit nandito tayo?” “Anong problema kung nandito tayo?” “Dito mo ako dinala para sa date natin.” “Maganda kasi rito, bagay sa maganda ring katulad mo.” Eksaheradong inirapan lang ni Sierra ang patutsadang iyon ni Reigan. Para itago ang pinipigilan niyang ngiti dahil tinablan siya sa hirit nito. Narinig niyang tumawa lang uli si Reigan. “Alam ko kasi na mag-e-enjoy ka rito, Sierra. I know how much you miss the outdoor. Hindi mo na kasi nagagawang makagala mula nang matali ka sa trabaho mo.” “Ang sabihin mo, gusto ko lang magyabang.” He just smiled shrugged off his shoulders. Cute. “Sige, magyabang ka pa sa akin.  Ikuwento mo kung saan ka natuto mangabayo samantalang ang alam ko sa iyo ay doktor ng mga bata ang trabaho. Paano kang napasok sa exclusive, and very expensive, na riding club na ‘to?” “Well, isang simpleng pediatrician lang naman talaga ako—“ “Na nagmamay-ari ng tatlong private hospitals sa Metro Manila at apat na iba pa sa Iloilo at Davao,” singit ng isang lalaking naka-uniporme rin at naupo sa katabing silya ni Reigan.  Iniabot nito ang kamay kay Sierra. “Hi, my name is Trigger.  That’s my twin brother Jigger.” Isang lalaking kamukhang kamukha nito ang naupo naman sa kabilang panig ni Reigan.  The most handsome pair of twins she had ever seen. Inakbayan ng bagong dating si Reigan. “Kumusta na ang may sa kabute’ng Stallion boy?” “I wasn’t the only one na pasulpot-sulpot lang dito dahil umiiwas sa inyong dalawang kulugo kayo,” walang ganang sagot ni Reigan. “Right. Anyway, mabuti naman at naisipan mong tumuntong uli dito.  Teka, ano na nga ang pangalan mo?” “Sierralaine,” sagot ni Reigan. “Beautiful name. Pero ikaw ang tinatanong ko, Sir.” Halata sa mukha ni Reigan na ayaw nitong patulan ang kalokohan ng kambal. One of the twins just smiled and the other one continued to wait for Reigan’s answer. “Ipagpaumanhin na niyang dalawa, ano? Pero nakakaistorbo na kayo sa amin ni Sierra. Iwan nyo na kami, kung maaari.” “You’re on a date?” Trigger, the serious one, asked Sierra as if he was asking her if she was being held captive and if she needed help to escape. That was funny. Nakangiti na tumango lang si Sierra. Nagkatinginan lang ang magkakambal.  Pagkatapos ay sabay ng tumayo ang mga ito. “Sorry to disturb you.” “Sige, ituloy na ninyo ang inyong date.” Patalikod na ang mga ito nang muling tawagin ni Reigan.  “Ano na naman iyang kalokohang binabalak ninyong dalawa?” “Nothing.” “Alam kong may binabalak kayo. I can feel it in my left pancreas.” Magkasunod na sumagot ang kambal. “Where is your pancreas?” “Spell ‘pancreas’.” Pinigilan ni Sierra si Reigan nang tila sasagot pa ito. “Nice meeting you, Jigger, Trigger.” Tumango lang ang kambal. “Sige, enjoy your date.” “Siyanga pala, Reigan.  The guys would want to meet the woman you finally brought here.” “Finally?” tanong ni Sierra. “Si Reigan lang kasi ang nag-iisang member na hindi nagdadala ng woman companion dito sa SRC.  Iniisip na nga namin na berde ang dugo niya—“ “He’s not gay!” tili niya sa mga ito.   “Malay mo--” “He’s not gay sabi!” giit ni Sierra. “He was just too busy with his work to find a woman who would accompany him.” “Yeah, we agree.” “And even if he was gay, so what?” “I’m not gay though.” Hindi pinansin ni Sierra si Reigan. Mainit na ang dugo niya sa kambal na ‘to. Lintik sa kaguwapuhan sana, kaso sarap sakalin. “Hindi mababawasan ang pagkatao ni Reigan kahit ano pa ang maging kasarian niya,” patuloy ng dalaga. “Girl, boy, bakla, tomboy. It doesn’t matter. Basta wala kang inaagrabyadong tao, iyon ang importante. Kaya please lang, huwag na huwag nyo na uli iinsultuhin si Reigan sa harapan ko.” “We’re not insulting him.” “We didn’t insult him.” “Sierra, babe, I wasn’t insulted. Pero masaya ako na ipinagtanggol mo ako sa kambal na saging na iyan.” “Kambal na…what?” Imbes na sumagot ay tumayo na lang si Reigan at hinawakan si Sierra sa kanyang kamay bago hinarap uli sina Jigger at Trigger. “Pakasabi sa kanila, next time ko na lang ipapakilala sa kanila si Sierra. Ngayon ko lang siya nasolo at first date namin ‘to kaya huwag na muna kayong istorbo. I’ll just see you later.” Hindi na hinintay ni Reigan na sumagot ang kambal at iginiya ni nito si Sierra palabas ng naturang restaurant. “Sorry about that.  Maligalig talaga ang dalawang iyon. February 29 kasi ipinanganak kaya ang lalakas ng topak.” “Okay lang.”  And Reigan refused to introduced her to his friends. Ikinahihiya kaya siya nito? But he always said how pretty and beautiful she was… Hay, Sierralaine.  Huwag ka ng mangarap kasi.  Mabuti nga at dinala ka pa rito ni Reigan.  Huwag ka namang abuso. Right. Forget about it and just enjoy being with him. “Ang sabi nila, may mga pag-aari kang ospital dito sa Pilipinas?” “Not mine. My grandparents. Ipinamana lang sa akin.” “Ha. Tama ba ‘yang narinig ko? Naging humble ka bigla?” “Humble naman talaga ako. Kaya nga doon ako sa clinic ko sa village natin nag-i-stay most of the time.” “Now you’re being conceited again, Reigan.” Tumawa lang ito. “So, bakit ka nga nagtitiyaga sa maliit na clinic mo sa subdivision natin? Seryosong sagot lang, please.” Pumitas ito ng dahon mula sa mga halamang nadadaanan nila at pinaglaruan iyon sa kamay nito. “I like it there. Sa village natin. Tahimik ang community.  Sanay na rin ako since doon ako lumaki.  At kailangan ng mga bata roon ang isang magaling na pedia so I stayed there.” Sa sinabi nito, hindi maiwasang humanga ni Sierra.  “That was nice, Reigan.” “I know, right? Wait.” Bahagya siya nitong binalingan. “Did you just praise me?” “Oo…Bakit ganyan ka kung makatingin?” “You really did praise me. May sakit ka na naman ba?”   “Sakit?” “Sa tuwing pupurihin mo kasi ako, pakiramdam ko ay nagdedeliryo ka lang.” “Ganon? So, prefer mong balahurain kita ngayon? You really want to make me look like a bad person?” “No, no. Hindi sa ganon. Hindi lang ako sanay talaga na maging mabait ka sa akin.” “Kasalanan mo rin naman iyon. Lagi mo kasi akong inaasar.” “Kailan kita inasar?” “Lagi.” “Hindi kita inaasar. Pinupuri kita, Sierralaine.” “You you’re making a joke out of me.” Napabuntunghininga na lang si Reigan. “I accept your praises. Huwag na nating pagtuunan nang husto ang rason mo sa mga iyon. I’m happy to hear those words from you, Sierra. Nawa’y dalasan mo pa ang pagpupuri sa akin.” “Bawasan mo ang pang-aasar sa akin.” Halata na kokontra pa ito pero sa huli ay hindi na lang nito itinuloy ang anomang sasabihin sana tungkol doon. “Ang mabuti pa kumain na lang muna tayo bago kita ipasyal dito.” “Teka, akala ko ba hindi tourist spot itong Stallion Riding Club?” “Oo nga.  Pero gusto pa rin kitang ipasyal.  Wala ng pakialan dun si Reid Alleje.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD