“BULLET, MY BOY. Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, ah.” Hinaplos-haplos ni Reigan ang mukha ng gray na kabayo. “Kumusta? Miss me?”
“Halikan mo na rin kaya para kumpleto na ang ang eksena?” biro ni Sierra na kanina pa napapangiti sa pinapanood na reunion ni Reigan sa kabayo nitong si Bullet. “So, kailan ka nahilig sa kabayo at pangangabayo? At paano kang nakarating dito sa Stallion Riding Club?”
“You know my parents migrated in Australia, right?”
“Oo. Lagi mong ikukuwento sa akin iyon noong highschool pa lang tayo para kaawaan kita.”
“Pero hindi mo ako kinaawaan.”
“Dahil ikaw ang tumanggi na sumama sa parents mo sa Australia.”
“Ayokong iwan sina lola. Walang mag-aalala sa kanila.”
And she loves him for that even more. Isa rin iyon sa mga dahilan noon kung bakit mas lalo siyang nagka-crush dito.
“Anyway, may rancho sina Mama sa Australia at doon ako natutong mangabayo. Pero mula nang tutukan ko ang pag-aasikaso sa mga ospital na naiwan nina Lola sa akin mula nang mag-retire sila, hindi na uli ako nakabalik sa Australia. Nakalimutan ko na rin ang pagkahilig ko sa kabayo. Hanggang sa isa sa mga business partners ko ang nagyaya sa akin dito sa Stallion Riding Club. I saw those horses and my love for the questrian sports came back. Kaya ito na ang naging stress reliever ko kapag nai-stress na ako sa dami ng trabaho.”
“It’s good to have a hobby as your stress reliever.”
“Yes. But most specially, kung may mga kasamahan ka sa hobby mo na makakakuwentuhan din ng walang kinalaman sa trabaho at negosyo. Although most of the club members only registered for the business connections they could get from each other, halata rin naman na nag-e-enjoy din naman talaga lahat sa companya ng isa’t isa.”
“Bakit parang iniiwasan mong sabihin na magkakaibigan kayo rito?”
“Because it’s cheesy. But, yes, Stallion boys were all friends here.” Hinaplos nito ang mukha ng kabayo. “Hey, Bullet, I want you to meet Sierra. She hated my guts but she agreed to date me today. Must be my lucky day, huh? So, what do you think? She is pretty, right?”
“Nambola ka na naman diyan, Reigan. Alagaan mo na nga lang iyang kabayo mo.”
“Mas type ko kasi ang nambobola kaysa mag-alaga—“ The horse nodded his head. Reigan laughed. “See? Even Bullet agrees with me.”
“Agrees with what?”
“Na maganda ka.” Nilingon siya nito. “Which is true, by the way. Kahit na pambobola pa rin ang tingin mo sa mga sinabi ko. Wanna ride with me?”
Oo! sigaw niyang sagot sa kanyang isip. Sasama ako sa iyo kahit saan. Kahit anong sasakyan pa ang gamit! Kaya lang, ayaw namang makipag-cooperate ng katawan niya. Nanatili lamang siya sa kinatatayuan sa gilid ng kuwadra ng kabayo nito, habang pinapayuhan niya ang puso na huwag masyadong magpakasaya at baka kung saan na naman mapunta ang pangangarap niya ng gising.
“Sierra?”
“Yes?”
“Ang sabi ko, kung gusto mong mangabayo kasama ko. Don’t worry, Bullet is a gentle horse.”
“Ahm…” Would she do it? Oh, well, date naman nila ito kaya siguro allowed naman siyang mag-daydream kahit ngayon lang. “Sige.”
Nauna na itong sumakay ng kabayo. Parang gusto pa nga niyang pumalakpak dahil napaka-graceful ng mga kilos nito, halatang sanay na sanay. Siguradong mas dadami ang tagahanga nito sa kanilang lugar kapag nalaman ng mga ito kung ano ang favorite past time nito, bukod siyempre sa pang-aasar sa kanya.
He leaned towards her, extending a hand. “Come on, pretty lady.”
Tinanggap niya ang kamay nito, kasabay ng tuluyan niyang pagtanggap niya rito sa kanyang puso. She loves him. And she would love him despite of the fact that he doesn’t not feel the same way to her. Sa likuran siya nito pumuwesto kaya nakakapit siya sa katawan nito. Bahagya pa siyang natawa nang kumilos ang kabayo.
“Nabibigatan yata sa akin si Bullet. I really need to shake off some excess fats.”
“Sierra, kailangan na naman ba kitang kulitin para makumbinsi kang hindi ka mataba. As for Bullet, his movements was just his way of adjusting to our weights. He’s a thoroughbred so added weights of its rider won’t bother him.”
“Okay, okay. Hindi na po ako magsasalita.”
“Good. Kumapit ka na nang mabuti sa akin. Lilipad na tayo.”
“Lilipad?”
“Bullet is the fastest thoroughbred here. So, kung ready ka na, lilipad na tayo.”
“I don’t like the sound of it.”
Tumawa lang ito. “You’ll be fine.”
First time lang niyang nakasakay ng tumatakbong kabayo at full speed. Pero wala siyang nararamdamang takot o kaba. Napaka-smooth naman kasi ng takbo ni Bullet. Parang may built-in itong shock absorber kaya kahit hindi pantay ang terrain ng riding club ay kumportable ang mga nakasakay dito. At siguro, dala na rin ng pagkakayakap niya sa matatag na katawan ni Reigan kaya ang pakiramdam niya ay para lang siyang nakasakay sa merry-go-round sa mga carnivals. Nakalapat ang katawan niya sa likod nito. Her left cheek touching his broad shoulder blades. Napakasarap ng pakiramdan niya sa likuran nito. Daig pa niya ang nakahiga sa pinakamalambot na kama sa buong mundo.
But she couldn’t close her eyes. Napakaganda kasi ng paligid, lalo na ang tanawin ng Taal Lake sa di kalayuan. Pero ang pinakamaganda sa lahat ay ang katotohanang magkasama sila ngayon ni Reigan, hindi bilang magkapitbahay o magka-iringan. Kundi bilang magka-date. Hay, saya!
“Okay ka lang diyan, Sierra?”
“Oo.”
“We’re almost at the Lakeside Clubhouse.”
“Okay.” Wala na rin siyang pakialam kung malapit na sila sa dulo ng mundo. Ang importante, magkasama sila nito.
“Reigan…” bulong niya sa likuran nito. “Mahal kita…”
She felt him moved. Subalit nanatili siyang nakadantay sa likuran nito.
“Sierra.”
“Hmm?”
“Did you just say something?”
“Wala, ah.” Napansin niyang nakatigil na ang kabayo. Pero hindi pa rin siya umaalis sa pagkakayakap dito. “Ano naman ang sasabihin ko?”
“Ewan ko. Parang may narinig lang akong sinabi mo kanina.”
Bingi! Although wala naman talaga siyang balak na sabihin dito nang harapan ang mga salitang kabibitiw pa lang niya, umasa pa rin siyang sana nga ay narinig na lang nito iyon. Para mas madali ang confrontation nila. Kapag tinanong siya nito, sasagutin niya ito ng diretso. In the meantime, since hindi naman nito naintindihan ang kung anomang narinig nito, dito na muna siya sa tabi nito.
“Here comes the prodigal son!”
Muntik pang bumaliktad si Sierra dahil sa gulat nang marinig ang boses na iyon. Mabuti na lang at nahawakan siya ni Reigan sa kanyang mga braso na nakapulupot pa rin sa katawan nito.
“Eneru, ipapasipa kita sa kabayo ko kapag inulit mo pang gulatin si Sierra!”
Nilingon ni Sierra ang pinanggalingan ng gumulat sa kanya. Mula sa isang gazeebo-inspired clubhouse ay nakita niyang nagkakatipon-tipon ang anim na nakangising kalalakihan. Kasama roon ang kambal na nauna na niyang nakilala kanina sa restaurant doon sa lobby ng Stallion Riding Club. Nauna ng bumaba ng kabayo si Reigan saka siya inalalayan. Hawak siya nito sa kanyang beywang habang kumuha naman siya ng balanse sa magkabilang balikat nito. Pagbaba niya, hindi maiwasang magkalapit ang kanilang mga mukha. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagngisi nito. Either way, she still liked his grin. Kaya hindi na nakakapagtakang nahawa na rin siya sa pagngisi nito. Before her feet reached the safety of the ground, Reigan kissed the tip of her nose.
Tuluyan na siyang nagulat sa ginawa nito at nawala ang kanyang balanse. She came sprawling into him. Their crowd cheered.
“Alright! Way to go, Reigan!”
“Naka-iskor din ang manok natin.”
“Manok na manok talaga. Ang husay sa tukaan!”
Nahampas tuloy niya si Reigan sa dibdib nito. Napasinghap ito pati na ang mga kaibigan nitong ginawang sine ang mga nangyayari sa kanila ng binata. Agad naman niya itong dinaluhan. Hindi pa nga magaling ang mga sugat nito sa kamay, heto at nabalian na naman yata niya ito ng ribs.
“Ikaw kasi, eh. Lagi mo na lang akong pinagti-trip-an. Magtino ka nga, Reigan.”
“Akala ko ba ayaw mong maging mabait ako?”
“Malayo naman ang mabait sa matino. Ano, okay ka lang ba?”
“Kiss me and I’ll be fine.”
Pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. “Sinabi ng huwag mo akong bibiruin ng ganyan!”
“Sino naman ang nagsabing nagbibiro ako…” Inilapat nito ang sarili nitong kamay sa kanyang batok. “At binibiro kita?”
Then he pulled her to him and kissed her lips. Kung nawawalan lang ng ulirat ang isip, kanina pa iyon tulog. Dahil nang maglapat ang kanilang mga labi, nawalan na ng kakayahan ang isip niya na magtrabaho. Ang tanging natira sa kanya ay ang kanyang pandamdam. She could only feel as her brain now refused to function. Or just gave in to the feelings.
Nakabukas pa rin ang kanyang mga mata nang maramdaman ang unti-unting paggalaw ng mga labi ni Reigan. It was like he was massaging her lips, in a very intimate and sensual manner. At tila iyon lang ang hinihintay niya upang dahan-dahan na rin siyang mapapikit. The sensation of his kisses was heady. And there was nothing else she could do but to surrender to her feelings, his kisses and to him, as she wound her arms around his neck.
Wala. Bukingan na ito!