CHAPTER 12

1559 Words
OKAY.  WHAT NOW? tanong ni Sierra sa sariling repleksyon sa salamin.  Nagkakasiyahan sa labas ang grupo nina Reigan at nag-excuse na muna siya upang mag-banyo para kahit paano ay mai-compose niya ang sarili.   After that kiss, ano na ang susunod na mangyayari sa kanila ni Reigan? It was obvious that she just poured out her feelings for him on that kiss.  Ewan pa nga ba naman niya kung hindi pa iyon mahalata ng binata.  In any case, sigurado namang hindi nila maiiwasan ang pag-usapan ang katatapos lang na pangyayari sa kanila.  Would he tell her he loves her?  Was he in love with her?  Does he loves her?  Ang daming version ng mga tanong na iisa lang naman ang tinutumbok.   Mahal din ba siya ni Reigan gaya ng pagmamahal na nararamdaman niya para rito?   She shook her head. “Tama na munang pag-iisip iyan, Sierra.  Basta matuwa ka na lang sa mga nangyari.  At least one of your dreams did come true.”  She smiled at her reflection in the mirror.   Namumula pa ang kanyang mga pisngi at may kakaibang kislap ang kanyang mga mata.  She never felt like this before when she met Donald. She never even reacted this way to any of her previous crushes, major and minor. Ito ba ang sinasabi ng mga tao na mukha ng mga babaeng in love?  Nakakatawa ang itsura, pero masarap ang pakiramdam.  Iilan lang ang mga masusuwerteng taong nagkakaroon ng pagkakataong maranasan ang ganong pakiramdam.  At isa siya sa mga masusuwerteng taong iyon. Isang babae ang pumasok roon at ini-lock ang pinto.  Nagulat pa ito nang makita siya roon. “Akala ko walang tao rito.”  Wala sa tono nito ang nagpapaumanhin.  “Oh.  Hindi ba’t ikaw ‘yung girl na hinalikan ni Reigan kanina sa labas?” Agad uminit ang mga pisngi ni Sierra.  “Ahm…” “Huwag kang mag-alala, okay lang iyon.  Ayos nga ang ginawa mo, eh.  Minarkahan mo agad ang teritoryo mo.  At least may dahilan ka na ngayon na mangalmot sa mga babaeng maglalakas pa ng loob na lumapit kay Reigan. Good job, soldier.”  Humarap ito sa salamin at inayos ang mahabang buhok.  Ni hindi nito pinansin ang pagkatok ng kung sino man sa pinto.   “May ibang magsi-CR din yata.’ “Ginagamit ko pa ang CR na ‘to kaya maghintay sila.  Sa labas.  Ayoko ng may makasamang mga cheap dito.  I’m Paz Dominique Moreno, by the way.  You can call me Dominique, Paz Dominique, Miss Moreno, o Mahal na Prinsesa ng Davao. But don’t ever call me Paz. Kukurutin kita ng nailcutter.” “I won’t. I’m Sierralaine. You can call me Sierra.” “Can I call you Reigan’s girl?” Sierra could only smile. Kinikilig siya sa bago niyang title. Siyempre hindi siya kokontra, ‘no-- “You’re a bit overweight.  Dapat ay alagaan mo na ang timbang mo dahil kung hindi, siguradong may mga babae pa rin talagang lalapit at lalapit kay Reigan sa pag-aakalang pagsasawaan ka niya agad dahil nga hindi ka sexy.” Tapos sabay bawi. Ouch, ha?  “Hindi naman nagrereklamo si Reigan sa katawan ko.  Siya pa nga ang nagsasabi na huwag na akong mag-diet, basta mag-exercise na lang.” “Really?  Well, wasn’t that nice.  For a change, may isang lalaking hindi lang katawan ng babae ang habol.  You’re one lucky girl, Miss Sierralaine.” Matapos maglagay ng lip gloss ay saka lang nito binuksan ang lock ng pinto at dire-diretsong naglakad palayo.  Ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang mga babaeng gigil na gigil na rito. “Maldita talaga ang Paz Dominique na iyan!  Wala rin naman siya kung wala ang politikong tatay niya.” “And if I know, isa ring kurakot sa gobyerno ang isang iyon.” “Hindi rin naman iyan papatulan ni Zell kung wala siyang mapapakinabangan sa babaeng iyon.”  Napalingon kay Sierra ang nagsalita.  “Katulad ng isa diyan…” Naghugas na lang siya ng mga kamay kahit hindi naman kailangan para lang makaiwas na sabunutan ang mga ito.  Halata naman kasing naiinggit lang ang mga ito sa kanya at kay Dominique dahil sa mga lalaking nai-involved sa kanila.  Napangiti tuloy siya nang maalala ang kissing scene nila kanina ni Reigan.  Marahil ay napanood ng mga iyon kaya nakilala agad siya. Hah!  Mamatay kayo sa inggit! “Ano nga ba ang mapapakinabangan sa kanya ni Reigan?  Look at that body.  It’s so mabilbil.”  Nagtawanan pa ang mga ito. “Iyon na nga,” dugtong pa ng isa.  “Mga fats niya ang napapakinabangan sa kanya ni Reigan.  Unan, kumot, jacket…you name it, she’s got it.” Hinayaan ni Sierra na nakabukas ang gripo ng tubig at pinigilan niya ang tubig niyon.  Ang nangyari tuloy, sumirit sa iba’t ibang direksyon ang tubig.  Partikular na sa puwesto ng mga babae na agad nagtilian at nagmamadaling lumabas nang mabasa. “Ay, sorry. Hindi ko akalain na ganito kalakas ang pressure ng mga gripo rito,” buong kaplasitakan na wika ni Sierra. “Puwede bang mag-ingat ka naman?! Look what you did to my new Chanel dress!” “Kung hindi ka marunong gumamit ng pang-mayaman na gripo, huwag mong pakialam.”   “Bakit ba kasi nagpapapasok ng mga cheap at dukha si Reid Alleje sa Stallion Riding Club. Istorbo lang naman sila sa mga tao rito.” Matapobre talaga ang mga salaguinto’t salagubang na ‘to. “Sige, mag-iingat na ako next time.” Iniwan na niya ang mga ito na walang humpay pa rin ang reklamo sa buhay. Pagbalik niya sa grupo nina Reigan ay nagkakagulo pa rin ang mga ito.  Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang mga babaeng kasama ng ito roon.  The women looked sophisticated and elegant.  Bagay na bagay lang sa crowd na iyon ng mga lalaki.  Samantalang siya, naka-plain shirt lang at jeans.  Parang kahit itabi siya sa mga empleyado ng Club, mag-i-stand out pa rin ang mga empleyado.  Ganon siya ka-plain. “So, si Neiji pala ang naging biktima ng sarili niyang bitag.” “Sinabi mo pa.  Kaya nga hindi na siya gaanong nagpapakita dito nitong mga nakaraang araw.  Hinahabol kasi niya ‘yung babaeng tinulugan lang niya nung nag-date sila.” “Bago yata iyon, ah,” wika ni Reigan. “Yeah, blame it on those two.”  Itinuro ng nagsalita ang kambal, who looked innocently at their friends.  “Sila ang nag-manipulate kung bakit si Neiji ang naka-date ng babaeng nanalo sa raffle promo niya.” “We didn’t do anything,” wika ni Trigger.  Or ni Jigger. “Yeah, right.  Kaya ikaw, Reigan, kung ayaw mong mabulilyaso ang lovelife mo, huwag kang didikit sa dalawang iyan.” “Kapag pinakialaman nila ang lovelife ko, ibabalik ko sila sa tiyan ng nanay nila.” Nagkibit balikat lang ang kambal habang nagtatawanan ang iba nilang kasama.  Lalapit na ba siya sa mga ito?  Bumalik na lang kaya siya sa banyo at i-text si Reigan na sunduin na lang siya roon.  Parang ang awkward naman kasi na basta na lang siya sumulpot sa grupo ng mga ito.  Tapos naka-shirt at jeans pa siya samantalang mga babaeng kasama ng mga ito ay puro signature dress ang suot.  Pabalik na talaga siya sa CR nang marinig ang boses na iyon na natatandaan niyang isa sa kambal. “Reigan, you’re a doctor.  Papayuhan mo ba ang girlfriend mo na magpapayat ng konti?” “No.” “Why not?” “First of all, I don’t have any right to tell her whether she needed to lose weight since she wasn’t my girlfriend.  And second, I don’t really like it when people talk about her like she was sick or something, just because she was a little overweight.  I hope we understand each other perfectly, Jigger.” “I’m Trigger.” “You’re Jigger.” “How did you know that?” “Trigger is nicer.” Lumapit na siya sa grupo ng mga ito.  Reigan was suddenly by her side.  “You’re here.  Gusto mo na bang kumain, Sierra?  Nagpa-order na ako ng food doon sa kabilang table.  Huwag tayo rito dahil masyadong maraming istorbo sa date natin.” “Busog pa ako, Reigan.  Puwede bang magpahatid na ako sa Maynila?  Baka kasi ma-traffic kung magpapahapon pa ako rito.  E, maaga pa ang pasok ko bukas.” “Sunday bukas, ah,” singit ni Jubei. “Ano ba’ng pakialam nyo?  Sa gustong pumasok ni Sierra ng Linggo.”  Hinawakan na siya nito sa kamay.  “Let’s go.” “Mag-stay ka na lang dito.  Alam ko naman na masyado mong na-miss ang mga kaibigan mo.  maghahanap lang ako ng masasakyan at magpapahatid sa sakayan ng mga bus pa-Maynila.” “Miss, si Reigan ang maghahatid sa iyo,” singit ni Zell.  “And anyway, hindi naman iyan mananatili rito kung ang tanging dahilan ng pagpunta niya rito ngayon e aalis na.” Napatingin siya rito.  Ano ang ibig nitong sabihin?  Binalingan niya ang nakangiting si Reigan. “You heard my friends.”  Hinila na siya nito palabas ng clubhouse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD