CHAPTER 13

798 Words
MEDYO MASAMA ang pakiramdam ng tiyan ni Sierra ngunit maaga pa rin siyang gumising upang mag-exercise.  Nasa harap siya ng telebisyon nila at sinusundan ang mga steps para sa taebo lessons na pinabili niya kay Lucy noong isang araw.  Nang hingalin pagkatapos lang ng kalahating oras ay nahiga siya sa carpeted floor habang ang kanyang mga paa at inipit niya sa ilalim ng mabigat nilang sofa.  Then she started doing sit-ups.  Na nakaka-tatlo pa lang siya ay sumuko na siya. “Peste!  Ang hirap!” Tagaktak na ang mga pawis niya samantalang hindi pa nga siya talaga nagtatagal sa mga ginagawa niya.  According sa health books na nabasa niya, mabuti sa katawan ang pagpawisan ng husto paminsan-minsan.  Indikasyon din daw iyon na maganda ang response ng metabollic system niya para ilabas ang mga dumi sa kanyang katawan.  Kailangan lang niyang ituloy-ituloy iyon para mas lalong maging maganda ang resulta ng ginagawa niyang iyon. Nang makapagpahinga sandali ay ang jumping rope naman ang napagdiskitahan niya.  Nang magsawa naman, ang slimming tea na kanina pa niya inilaga ang pinuntirya niya. “Tigilan mo na nga iyang kaiinom mo ng mga slimming-slimming tea na iyan.  Itapon mo na rin iyong mga fat-burning tablets.  Ipapahamak mo lang ang sarili mo niyan, eh.  Bakit hindi ka na lang mag-stick sa pag-e-exercise?  Mukhang mas okay nga iyon kaysa mga artipisyal na pagpapapayat na iyan.” “’Nay, mabagal masyado kung mag-e-exercise lang ako.  Dapat may tulong mula sa aking mga miracle drinks and tablets.” “Mabuti na ang slowly but surely.  Kaysa naman iyang mabilis nga, hindi ka naman sigurado.  At tsaka, ano ba ang ipinagmamadali mong pumayat?  Para kanino ang pagpapa-sexy mong iyan?  Wala ka namang boyfriend.” Naalala niya si Reigan.  Hindi na sila nag-imikan nang magbalik sila sa Maynila kahapon galing Stallion Riding Club.  No one mentioned anything about their feelings or relationships.  Not even about that kiss.  Ang sabi niya sa sarili niya, okay lang iyon.  Pero nagrereklamo ang puso niya.  Ayaw na nitong malito.  Ayaw na rin ng tanong nang tanong.  Wala naman siyang magawa dahil nahihiya siya at natatakot din na baka nagkakamali lang siya ng inaakala sa mga ipinapakita at sinasabi nito sa kanya.  Isa pang nakakapagpadagdag sa alinlangan niya ay ang sinabi nito sa mga kaibigan nito. Na hindi naman siya nito girlfriend.  Na kailangan na niyang magbawas ng timbang.  Dahil overweight na siya. Kaya naman nag-isip siya ng puwede niyang gawin para matapos na ang lahat ng iyon.  Magpapapayat na muna siya.  At kapag naabot na niya ang ideal body type para sa kanya, saka niya ito susugurin at haraparang tatanungin kung mahal ba siya nito or what.  In the meantime, kasabay ng pagpapayat niya ay ang pag-iipon din niya ng sapat na lakas ng loob na magsalita na nga rito. “Basta, ‘Nay.  Nagsasawa na rin naman ako na pinupuna dahil sa katawan ko.  Kaya para sa ikatatahimik ng mundo ko, magpapapayat na talaga ako.” “Hmm, sana nga matahimik na ang mundo mo.” “Tita Taba!  Good morning!” “Good morning.”  Yumuko siya upang tanggapin ang halik ng pamangkin.  “Anong ginagawa mo rito?  Oras na ba para asarin mo ako?”   Saka naman pumasok sa kusina ang ina nito.  “Iwan ko muna rito si Tinay, Ate.  Aasikasuhin ko lang ‘yung loan ni Marvin sa SSS.  Malapit na kasi ang birthday ni Tinay, eh.” “Ma, gusto ko cake.  Tita Taba, hindi kita bigyan.” “Okay lang.  On diet naman ako.” “At tsaka ice cream at sokoleyt at—“ “Tinay, on diet si Tita.  Kaya kung ayaw mong kagatin kita, tigilan mo na iyang pagbibilang ng pagkain sa harap ko.” “Am pangit mo!” “O, Sierra, aalis na kami ni Lucy.” “Ha?  Bakit kayo aalis?  Paano si Tinay?  Sino ang magbabantay sa kutong lupang ito?” “Ikaw.  Hindi naman namin puwedeng isama iyan ng tatay mo doon sa lamay ng kaibigan niyang namatay.  Mag-iingay lang iyan doon.” “Don’t worry, ‘Te.  Alas dose mamayang tanghali, tulog iyan.  pakialiw na lang muna siya hanggang mamaya.”  Inilapag nito ang isang bag sa kitchen table.  “Eto ang mga gatas niya.  Timplado na iyan.” “Pero hindi ako marunong mag-alaga ng bata—hoy, huwag nyong iwan sa akin ‘to…” “Kaya mo iyan,” wika ng kanyang ama na tinawag na ang kanyang ina.  “Sandali lang naman kami.” “Mabait naman iyan si Tinay.” Bigla siyang napalingon sa pinanggalingan ng ingay.  Nakita niyang naabot na pala ng pamangkin ang lalagyan nila ng mga kutsara at tinidor.  Na ngayon ay nagkalat na sa sahig at basag na rin ang lalagyan. “Tinay!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD