CHAPTER 14

1669 Words
ABALA SA pagluluto si Sierra habang nagbe-belly dancing pa rin nang may mapansin.  Aba, tahimik ang paligid.  Hindi iyon magandang senyales lalo na naroon ang kanyang pamangkin.  Ang speaking of that kid, saan na kaya nagsuot ito? “Tinay?”  Pinuntahan niya sa sala.  Wala.  Sa garden, wala rin.  Pumasok siya uli at sunod na tiningnan ang silid ng magulang.  Wala rin.  “Saan na kaya nagsuot ang batang iyon?” Pababa na siya upang tingnan sa likod bahay nang mapansing nakabukas ang kanyang silid.  Doon niya nasilip ang pamangkin.  Naka-upo ito sa gitna ng kanyang kama.  Nakatalikod nga lang ito kaya hindi niya alam kung ano ang kinukutingting nito. “Tinay, anong ginagawa mo rito?”  Napatili siya nang humarap ito sa kanya, hawak ang face powder niya.   Nagmukhang payaso ang mala-anghel na mukha ng kanyang pamangkin dahil sa kulapol ng lipstick sa mukha nito.  Iba’t ibang kulay din ang nakasabog sa noo nito at ilalim ng mga mata dahil sa ikinulay na eyeshadow niya.   “Tita Taba, mek ap aku,” anito sabay punas ng sponge ng pace powder niya sa pisngi nito. “Tinay—naku, ikaw talagang bata ka!”  Kinuha niya rito ang mga make-up at ibinalik sa kanyang pouch saka ito muling hinarap.  Gusto niyang magalit at sigawan ito.  Pero paano niya magagawa iyon kung natatawa siya sa itsura nito?  “Iniwan lang kita ng five minutes, nakulayan mo na ang mukha mo.  Daig mo pa ako kung mag-make up, ah.” “Tita, bait ako?” “Oo, mabait ka.  Sa sobrang bait mo nga, gusto na kitang kalbuhin—“  Sininghot-singhot niya ang hangin sa paligid.  “Aaahh!  Ang niluluto ko!!” Walang sabi-sabi niyang kinarga ang pamangkin, kinandado ang kuwarto niya at iniwan ito sa sala upang hindi na makadisgrasya pa sa kusina.  Nang mailigtas ang ulam nila ni Tinay ay binalikan niya ito sa sala.  The little girl was picking her nose when she saw her on their sofa.  Kinabahan siya lalo na nang makita ang nagkalat na maliliit na beads na mula sa kinalas nitong bracelet niya. “Tinay, bakit?”  Dumampot siya ng isang beads.  “Ipinasok mo ito sa ilong mo?”  Umiling ito pero panay pa rin ang sundot ng daliri sa ilong.  “Tinay, magsabi ka ng totoo kay Tita.  Inilagay mo ba ito sa loob ng ilong mo?”  Saka lang ito tumango. She freaked out.  Kaya mabilis niya itong kinarga at itinakbo sa clinic ni Reigan.  Mabuti na lang at kalalabas lang ng huling pasyente nito. “There was something on her nose.”  Ipinakita niya rito ang maliit na beads.  “Pakitingnan naman, o.  Baka kung ano na ang mangyari sa kanya kapag tuluyan niyang nasinghot ang bagay na iyon.” Kinuha nito sa kanya si Tinay at pinaupo sa table nito.  “Tinay, may ball ka bang ganito sa ilong mo?”  Tumango ang bata.  “Okay.  kaya mo bang mag-blow ng malakas?  Blow ka rito.” Itinapat nito ang kamay sa ilong ng bata.  Sumunod naman si Tinay.  Pagkatapos lang ng dalawang beses na pagsinga, tumalsik na mula sa ilong nito ang kulay dilaw na beads.  Nanghihina siyang napaupo sa isa sa mga silya doon.   “Tinay, huwag mo na uli ilalagay ito sa nose mo, ha?  Magagalit na si Tita Taba.  Kawawa naman siya mababawasan ang bilbil niya sa kunsumisyon sa iyo.” Pinalo niya ito sa braso.  As usual, gaya ng madalas nitong reaksyon sa mga p*******t niya rito, tumawa lang ito.  Binigyan nito si Tinay ng coloring book at mga krayola na nakalagay sa maliit na karton.  Agad na-focus doon ang atensyon ng bata. “Hindi ako aalis dito hanggat hindi dumadating sina Lucy,” aniya.  “Aatakihin na ako sa puso kapag nagpasok uli ng kung anong bagay sa ilong niya si Martina.  Paano kung hindi na iyon maremedyuhan?  Ayoko na.” “Ngayon lang ba naiwan sa iyo ng mag-isa si Tinay?” “Ngayon lang ako nag-alaga ng bata.” Tinanggal nito ang stethescope na nakasabit sa leeg nito at naupo sa katabi niyang silya.  “Kids like her only needed something to focus her attention to and they’ll be fine.  Masyado kasi silang aktibo at kapag hindi sila nagkaroon ng mapagtutuunan, nagiging makulit sila at pasaway.  Mostly, though, ang mga batang tulad nila ang may pinakamatataas na IQ levels.  Kaya talagang dapat ay tutukan sila at i-guide nang maayos.” “You know a lot about this stuffs.” “Of course.  I’m their doctor, remember?” Doon lang niya nagawang balingan ito.  Nakatuon ang atensyon nito kay Martina na abala na ngayon sa pagkukulay sa libro nito.  Masuwerte siya at binibigyan pa rin siya ng tadhana ng pagkakataon na makasama ito at makausap.  Ang ibig bang sabihin niyon ay kailangan na niyang magsalita ngayon imbes na maghintay pa siya ng tamang pagkakataon?  Pero ano ang sasabihin niya?  At paano siya magsisimula? “Nawalan ka na naman ng imik kahapon,” mayamaya’y wika nito.  “Na-offend ka ba sa usapan ng mga sira ulo kong kaibigan?  Sinabi ko naman sa iyo na huwag mo na lang silang intindihin.  Mga magulang nga nila hindi na sila iniintindi.” “Wala naman silang sinabing masama.” “So, why the sudden change of mood yesterday?” “Why the sudden change in you?” He turned to her.  Her heart jumped.  “Change in me?” “Oo.  Napansin ko lang na mula nang dumating tayo sa Stallion Riding Club, may nag-iba na sa iyo.  Naging parang seryoso ka na.” “Well, you did say I should stop teasing you.” “Oo nga.  Pero kasi…hindi ako sanay na ganyan ka.  Mas gusto ko ang Reigan na ka-espadahan ko noon sa asaran.” “Mas gusto mo?” “Don’t push it.” He grinned.  Now, we’re talking.  Napangiti na lang din siya.  Na-miss niya ang nakakahawang ngiti nito.  Although buong magdamag lang naman silang hindi nagkita.  Weird. “Was it just me or nararamdaman mo rin na meron tayong mahalagang bagay na dapat pag-usapan?” Bumundol na naman ang kaba sa kanyang dibdib sa tanong nito.  Ito na nga ba ang tamang pagkakataon?  Hindi.  Hindi ko pa kayang magsalita.  Hindi ko pa alam ang sasabihin.  Hindi ko pa kayang umamin.  Hindi pa ako…hindi pa ako handang masaktan uli kung sakali. “Pareho lang tayo,” sagot niya.  Hala, bakit iba ang iniisip niya sa sinasabi niya?  Nagkaroon na ba siya ng split personality dahil sa sobrang kakaisip?  “Pero huwag na muna nating pag-usapan iyon.  Medyo naguguluhan pa ako.” “Okay.” “Ikaw?” “Anong ako?” “Gusto mong pag-usapan na ang tungkol doon ngayon?” “If you’re not yet ready, its fine.  Hindi kita pipilitin.  Afterall, maselan ang topic na iyon, hindi ba?  Dapat ay parehong malinaw ang isip natin kapag pinag-usapan iyon.  Ako man kasi, gusto ko rin ng maliwanag na usapan.  Kaya kung kailan mo gusto, at sa tingin mo ay tamang oras na, sabihin mo lang sa akin.  I’m always ready for it.” Gusto niyang mapabuntunghininga.  She never thought he could be this sweet.  Samantalang ang akala niya noon, miyembro ito ng pamilya reptilya.  Na walang ibang misyon sa buhay kundi ang asarin siya at painitin ang ulo niya sa araw-araw na ginawa ng Diyos.  Pero ngayon… “Hmmm.  Hindi talaga ako sanay na ganyan ka, Reigan.” “Gusto ko ng magalit sa iyo, Sierra.  Noong puro ako biro, sabi mo seryosohin kita.  Ngayon namang nagseseryoso ako, ayaw mo pa rin.  Hay.  You’ve always been such a complicated person.  But that was also the things I like about you.  Ang dami mong surpresa sa buhay.  Hindi ka boring.  At—“ “Stop.  Tama na muna iyon.  sige na, sige na.  bahala ka na kung ano ang gusto mong maging sa buhay mo.  If you wanted to joke around, that’s fine.  If you wanted to get real serious with everything, that’s fine too.  Basta, bahala ka na.” “Magugustuhan mo pa rin ba kahit ano sa dalawang personality na iyon ang piliin kong maging ako?” Oo naman, ‘no!  Kahit tubuan ka pa ng sungay sa ilong, o magkapalit man ang kamay at mga paa mo, basta ikaw iyon, mamahalin pa rin kita.  She was still contemplating on his words when her niece turned to them.  May pasak ng krayola ang mga ilong nito habang nakangisi.   “Tita Taba, monster ako.  Haahh!” “Tinay, naman!  Hay naku, talaga nga naman, oo!  Mamumuti ang buhok ko sa iyo!” “Tinay, huwag mo ng tatakutin si Tita Taba.  Baka atakihin na iyan sa kunsumisyon.”  Tinanggal na ni Reigan ang mga krayola sa ilong nito saka binuhat.  Nang may mapansin ito sa coloring book ng bata.  “Wow, ang galing naman ni Tinay magkulay.  Ano ba ‘to?” “Moon!” Grinning he showed it to her.  “Remember our deal?  Na maniniwala ka lang na may gusto ako sa iyo once na naging square na ang buwan?  Eto o, moon na square.  Kulay green pa.” “So, ano iyan?  My gusto ka talaga sa akin, ganon?” “Nakakasama ka na ng loob, Sierralaine.  Matagal na akong may gusto sa iyo.  Hindi ba, Tinay?” Kinuha niya rito si Martina.  “Babalik na kami sa bahay.  Salamat nga pala sa tulong.” “Akala ko ba dito mo na lang hihintayin ang nanay mo hanggang sa dumating sila?” “Hindi, kaya ko na si Tinay.  Ikakadena ko lang ito, okay na.” “Sierra.”  Nilingon niya ito.  “Let’s talk later.” Natalisod pa siya nang tumama ang paa niya sa silya na malapit sa pinto.  “Aray—Sige.  Later.” “Tita Taba, mek ap ka, ‘no?  Pula-pula cheek mo, o.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD