CHAPTER 15

615 Words
MASAMA NA naman ang pakiramdam ni Sierra.  Kaning umaga pa niya nararamdaman ang pananamlay na iyon.  Well, actually, ilang araw na niyang nararamdaman iyon.  Hindi nga lang tulad ngayon na talagang halos ay maubusan na siya ng lakas sa kahit kaunting pagkilos lang. “Sierra, are you alright?  You don’t look so good.” Naupo siya sa kanyang swivel chair at hinilot ang kanyang sintido.  “I’m fine.  Hindi lang siguro maganda ang naging bangon ko.” “Mauna ka na kayang mag-break?  Take a nap.  Baka makatulong iyon na maibalik ang sigla mo.” “Okay.”   Sa locker room ng mga empleyado siya nagtungo.  Naroon na ang mga kasamahan niyang nagko-coffee break.  Dalawang batch kasi ang mga empleyado roon sa pagbi-break para may mga tao pa ring maiiwan na mag-aasikaso sa mga kliyente nila.  Ngunit hindi pa man siya nagtatagal sa kanyang pagkakaupo ay may bumulabog na sa kanya.  Si Donald. “Paano kang nakapasok dito?” tanong ng mga kasamahan niya rito.  “Bawal dito ang hindi empleyado ng bangko.” “Nagpaalam na ako sa manager ninyo na kakausapin si Sierra.  Hindi naman kayo ang ipinunta ko rito kaya huwag na lang kayong maingay.” Umikot ang paningin niya nang maamoy ang mga bulaklak na iniharap sa kanya ni Donald.  Kaya inilayo niya iyon at muling pumikit. “Look, Sierra.  I know hindi na kita gaanong nadadalaw dito nitong mga nakaraang araw.  Medyo naging busy lang kasi ako masyado sa mga negosyo ko.  Hindi ko naman kasi puwedeng pabayaan na lang iyon.  I hope you’ll forgive me.” “Busy sa negosyo,” narinig niyang bulung-bulungan ng mga kasamahan niya.  “Baka busy sa ibang babae kamo.” “Siguro kaya sinusuyo na naman niyan si Sierra kasi nabasted ng ibang nililigawan.” Nagpatuloy ang mga bulung-bulungan tungkol kay Donald.  Habang ang binata ay tila hindi naman apektado sa mga nangyayari.  Diretso lang ito sa pagmo-monologue nito. “Huwag ka ng magtampo, Sierra.  Promise I’ll make it up to you.  How about a lunch date?  My treat, as always.  O mas mabuti na mag-half day ka na lang para naman magkasama tayo ng mas mahabang oras.  Na-miss na kasi talaga kita nang husto.  So, how about it, Sierra?” “Hindi mo ba nakikitang nagpapahinga si Sierra?  Napaka-insensitive mo talagang unggoy ka.” “Hey, you.  Am I talking to you?” “No.  But I’m talking to you.  Asshole.” Narinig pa niya ang tawanan at palakpakan ng mga kasamahan niya bago niya naramdaman ang matinding kirot na iyon sa kanyang tiyan.  Napadukwang siya at sumuka. “Sierra!” “Naku, anong nangyayari sa iyo?” “Tumawag kayo ng ambulansiya.  Bilis!” Natigil ang pagsusuka niya pero hindi ang p*******t ng kanyang tiyan.  So she stayed leaning forward, pressing her stomach.   “Dalhin na natin siya sa ospital!” “Sierra, come here—“ “Umalis ka diyan.”  Malinaw na rumehistro sa nanlalabo niyang utak ang baritonong boses na iyon.  Si Reigan. “Donald, umalis ka na raw diyan!” “What—“ “Tabi!”   And then she just felt herself being taken from the ground.  Pamilyar sa kanya ang boses na iyon.  Pati na rin ang matatatag na mga brasong bumuhat sa kanya. “Rei…” “Just hold on, Sierra.  Malapit na tayo sa ospital.” And so she held on to him.  Kahit nararamdaman pa rin niya ang p*******t ng kanyang tiyan at panghihina ng katawan niya, hindi na niya iyon gaanong iniinda dahil heto lang sa tabi niya ang tanging taong nakakapagpabuti sa kanyang pakiramdam. “Rei…gan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD