END

1835 Words
“AH, COME ON, Sierra.  Don’t give me that surprised look.  Ilang taon ko ng sinasabi sa iyo ang nararamdaman ko.  Dapat lang na nasanay ka na.”  Sinuklay nito ng mga daliri ang buhok nito.  “Dekada na nga ang inabot ng panliligaw ko.  Ewan ko nga ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagsasawa sa kakasuyo sa iyo.  Minsan gusto na kitang batukan para lang matauhan ka.  Lalo na nang magkaray ka ng isa pang manliligaw.  Nang sabihin ko sa iyong nagselos ako, imbes na aluin mo ako, tinangka mo pa akong pisain.  Nakakasama ka na talaga ng loob.  Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin para lang maniwala kang seryoso ako sa iyo.” “R-Reigan, are you…” “Proposing?  Yes!”  Marahan itong napailing.  “Hayan ka na naman sa pagiging insensitive mo.  hindi pa ba obvious ang ginagawa kong pagtatapat ngayon?  Aba, pati sa national television nagtapat na ako.  Pero gaya pa rin ng dati, hindi mo pa rin na-gets.  I already hugged you and ride with you back at the Club.  Alam mo bang kasama sa Golden Rule ng Club na kung sino man ang babaeng isasakay ng mga miyembro sa kabayo nila na kasama sila, iyon na ang pinili nun na mahalin habambuhay.” “Hello!  Alam ko ba iyon?” “Well, I did kiss you.  Pero natigatig ka ba?  Hindi pa rin.  you still regard me as a nuisance in this world.  Daig ko pa ang kulugong gigil na gigil kang tanggalin sa ilong mo.” “Reigan, that’s gross.” “Wala akong pakialam.  Napupundi na ako sa iyo.  Kaya ngayon, magtiis ka sa akin.  Ito ang huling baraha ko.  Kapag wala pa ring nangyari dito…sige, susuko na ako.  Hindi na ako magpapakita sa iyo kahit kailan.  Doon na lang ako sa Lakeside Mansion ko magbuburo.”  Muli itong napabuntunghininga.  “Anyway, as I was saying, sa dami na ng ginawa kong paraan na mapansin mo, bakit ba balewala pa rin iyon sa iyo?  Ano pa ba ang kulang?  Gusto mong haranahin kita…O hindi mo lang talaga ako magustuhan?  Alam mo, pasensiya ka na kung medyo garapal ako sa mga ipinapakita ko sa iyo.  Kung bakit sa kabila ng ilang ulit mong pagtataboy sa akin, dikit pa rin ako ng dikit sa iyo.  Pinanghahawakan ko kasi hanggang ngayon ang nakita kong pag-iyak mo sa puno ng narra nang malaman mong naging girlfriend ko na si Lena nung highschool tayo.  Ang alam ko, type mo rin ako.  At kaya mo lang naman ako ipinagtatabuyan ay dahil sa nasaktan ka nang magka-girlfriend ako.  That’s always been the one thing that I kept holding on to.” “Hanggang ngayon…?”  Natatakot siyang basta na lang itanong ang mga nais talaga niyang itanong dito dahil sa nakikita niyang pagiging fragile nito.  It seemed like he would crumble to dust with just one hurtful word from her.  Ganon na niya ito katagal na napahirapan.   Dapat ba niyang ikatuwa ang naging kamiserablehan nito?  Nang dahil lang sa natupad naman ang kanyang pangarap na mahalin nito? “I don’t know, Sierra.  I guess at first, inisip kong laro lang ang lahat.  Natuwa ako kaya itinuloy-tuloy ko ang panliligaw at panunuyo sa iyo.  Bata pa nga naman ako noon.  Laro-laro.  Trip.  Hanggang isang araw, nagising na lang ako na totoo na pala ang lahat para sa akin.  That I’ve fallen inlove with you completely.  At hindi ko na nakaya pang pigilan ang sarili ko.  kunsabagay, ayaw ko rin namang magpapigil.  I like loving you.  You give me a reason to wake up everyday with a smile on my face.  Minsan naitanong mo sa akin kung bakit sa kabila ng kayamanan ko, nagtitiyaga ako sa clinic ko sa simpleng subdivision na iyon.  Well, here’s why.  Dahil nandoon ka.  Ayoko ng lumayo pa sa iyo.  Ayoko ng malayo ka pa sa akin.  Just thinking of not seeing your face made me feel awful.  I never get tired of my life because you were there cheer me up.” “Cheer you up?  E, lagi nga kitang inaasar.  Lagi pa kitang sinasaktan.” “Okay lang iyon sa akin.  At least nahahawakan mo ako.” “I was hitting you.” “And I was deliberately pushing you to do so.” “Praning ka talaga.” “Hindi naman.  Nagmamahal lang.” She couldn’t helped smiling.  Her heart was turning to jelly with his words.  Nakakaloka.  Pero ganon talaga ang nararamdaman niya.  Wala siyang masabi sa mga ipinagtatapat nito.  Dahil kung ikukumpara sa ipinagmamalaki niyang pagmamahal dito, walang wala ang iyon sa pag-ibig nito. “Reigan…I’m sorry…”  Nanlumo ang itsura nito at bumagsak ang mga balikat.  Mabilis tuloy siyang bumawi.  “No, no.  I mean,  sorry sa mga ginawa ko sa iyo.  Pinahirapan pala kita nang husto.  Pasensiya na, hidni ko kasi alam…” “Well, ngayong alam mo na, ano na ang reaksyon mo?” “Ahm…I…I don’t know.” “You can tell me to get off your face if you want.” “Why would I want that?” “Because…that’s what you want?” “Of course not.” “So, what is?” Kino-corner siya nito.  Sa ordinaryong pagkakataon, baka binatukan na niya ito o hinampas sa balikat.  Ayaw na ayaw kasi niya ng pine-pressure siya.  But he had given her time already to think about this converstation of theirs.  And he’d been such a nice, sweet thing she couldn’t think of hurting him in any other way.  Besides, masyado na itong nag-suffer ng dahil sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga.  Ngayon ay siya naman ang dapat na magpaliwanag.  Para maayos ang lahat. “I don’t want you to go either,” panimula niya.  “Dahil…dahil, well…I’m inlove with you as well.” Hinintay niyang makakita ng anomang reaksyon mula rito.  Kahit ano.  Kaya lang ay nanatiling seryoso ang mukha nito.  Ay, anong nangyari?  Didn’t he just say that he loves her?  All these years?  Pero hindi siya agad nawalan ng pag-asa.  Narinig na niya ang mga pinakahihintay niyang marinig mula rito at hindi niya iyon bsta lang bibitawan. So she continued.  “Nasaktan nga ako noong highschool tayo nang malaman kong may girlfriend ka na.  Pero ang pinakamasakit sa lahat, ay nung nag-offer kang liligawan ako dahil lang sa walang nanliligaw sa akin at naaawa ka.  Napakababa na ng self-esteem ko noon dahil sa nagkalat na tagihawat sa mukha ko.  Mas lalo iyong lumala matapos mong mag-propose sa akin.  I thought you were the meanest boy on the planet.  Nadurog nang husto ang puso ko nun.  Kaya nang makapasok ako ng college, imbes na magpakalunod ako sa kamiserablehan ko nung highschools ay binago ko ang pananaw ko sa buhay.  Until I was mature enough to feel good about myself.  Kaya lang, nahilig naman ako sa pagkain.  And then, my dillema of extra fats came in.  Pakiramdam ko ay bumalik ang nangyari noong highschool tayo dahil lagi mo rin akong tinitira ngayon.  Iba na nga lang ang topic of discussion natin.  Pero sinabi ko sa sarili kong hindi na uli ako patatalo sa iyo.  And so we became enemies.” “Kahit kailan, hindi kaaway ang naging tingin ko sa iyo.” “Sa iyo siguro. Dahil iba ang tingin mo sa akin.  Pero para sa akin, sa dami ng ginawa mong pang-aalaska sa akin, minarkahan na kitang kaaway.” “Kasalanan ko pala ang lahat.” “Oo.  Kung naging mabait ka sa akin imbes na lagi mo akong inaasar, baka matagal na tayong magkabati.” “Hindi kita kaaway.” “O, basta.”  Kinutkot niya ang kanyang kumot.  “Kaya lang…sa kabila ng mga naging pagsasalpukan natin, naroon pa rin pala ang dati kong pagkagusto sa iyo.  Kasabay kasi ng pag-aalaga ko ng galit ko sa iyo, hindi ko alam na napasama roon ang pagmamahal ko sa iyo since pareho iyong parte ng nakaraan natin.  Kaya ngayon, well…heto ako.  Mahal pa rin kita.  At mas minahal pa nga siguro dahil mas naintindihan ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig at pagmamahal.” “So, you love me, huh.” “Bakit, ikaw din naman, ah.  Hindi ba’t mahal mo rin ako?” “Matagal ko ng sinabi iyan.” “Ano ka?  Hindi, ‘no?  In fact, kaya nga naging masyadong matagal ang paghihirap mong makuha ang loob ko ay dahil ni minsan, sa tagal ng panliligaw kuno mo na iyon sa akin, wala kang binanggit tungkol sa nararamdaman mo.  Puro ka biro.  Kapag nagsabi ka naman ng seryoso, ngingisihan mo ako pagkatapos.  O, sabihin mo nga, paano ako maniniwala nun?” “I thought I already sent the right messages.” “Wrong.” “When I kissed you—“ “You still never said anything.  You never said you love me.  kaya tuloy para akong luka-luka na isip nang isip sa kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa akin.  Kasi naman puro ka paramdamam.  Puro ka pagpapa-cute—“ “Okay.  Fine.”  Tumayo na ito.  “I love you, Sierralaine!  I love you for who you are and for what you would be in the future.  I love you!” “I—“ “Teka, hindi pa ako tapos.”  Then he captured her lips with his and kissed her the way he had kissed her back at the Club. Buong suyo, buong pananabik, buong pagmamahal.  Walang itinagong anomang damdamin nito ang halik na iyon.  He just bared all of himself to her.  And she was just more than willing to accept the man who had accepted all of her.  even the extra fats on the side.   Napahiga siya sa kama at dahan-dahan itong dumagan sa kanya nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi.  Kapag may pumasok na medical attendant, bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin.  Basta siya, heto na ngayon sa mga bisig niya ang lalaking kay tagal niyang hinintay.  At wala siyang balak na basta na lang ito pakawalan. “I love you, Sierralaine.”  He looked at her deep into her eyes and kissed her mought again. “I love you, too, Reigan.” “I want to marry you.” Kinurot niya ang ilong nito.  “Well, aren’t you romantic?  Ni hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko ring magpakasal sa iyo.” “Baka kasi tumanggi ka pa.  Mabuti na ang sigurado.” She laughed and kissed him back.  “Ask me.” “Will you be my wife?  And finally be a part of my life?” Sweet.  “Pag-iisipan ko pa.  Ahm, sige na nga.”   THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD