KABANATA 35 ENEMY "Anong ginagawa mo dito?!" Kalalabas ko palang ng gate at una kung nakita ay si Tristan na nasa labas at nag-aantay. My kagat-kagat pang tinapay. Ako lang ba 'to o ang cute niyang tignan? Napa-iling ilig naman ako sa bigla kung naisip. Wala naman na akong lagnat kaya ano 'tong kalokohan na naiisip ko? "Magandang umaga din Pres!" Masigla niyang bati sakin. "Dinalhan kita ng almusal." At saka niya inabot sakin yong isang paper bag. "Sabay na din tayong pumasok." "Trsitan! Amin na yang bag ko!" Hindi pa nga ako maka-get over sa biglang pagsulpot ni Tristan na parang kabote bigla ba naman niyang kinuha yong bag ko at sinabit na naman niya sa balikat niya. "Kainin mo na yan Pres baka lumamig pa." At saka siya naunang naglakad sakin. Napatingin tuloy ako sa paper bag na