Kabanata 36 MR. POPULAR "Pres!" Gulat na tawag sakin ni Andrei at sa agad siyang lumapit sakin para alalayan sana ako sa paglalakad. "Tumigil ka nga jan Andrei! Okay na ako." "Pero sa Wednesday ka pa dapat papasok Pres." Dagdag pa ni Cataleth. Naglakad silang dalawa sa gilid ko at pinaghila pa ako ni Andrei ng upuan ko sa student council office. My maliit na benda yong gilid ng noo ko kasi medyo nagasgas dahil sa pagtama ng bolang sinerve ni Ron nung nagkaron kami ng volleyball game. Dahil para mawalan ako ng malay ng araw na yon. Then the next thing I knew 2 days daw akong nakatulog. "KHALISEE!" Sigaw ni Ron ng dahan-dahan kung binuksan yong mga mata ko. Binuka ko yong bibig ko para makahingi sana ng tubig pero bigla nalang siyang sumampa sa kinahihigaan ko at saka niya ako niyakap