Kabanata 2
VLOG
"Ian! Khali!" Tuluyan na sanang magdidikit yong lips namin ni Ian ng makarinig kame ng sunod-sunod na katok mula sa bintana ng kotse ni Ian don sa my side ko. At nang makilala ko yong boses ng Mommy niya agad kung itulak si Ian palayo sakin. Baka makita pa kami ng Mommy niya!
Agad namang nalayo sakin si Ian para bang nawalan din siya ng lakas sa posisyon namin kanina. Dahan-dahan kung binaba yong bintana para makita kami ni Tita kasabay ng pagtunog ng lock ng car ni Ian para magbukas yong mga pinto.
"Ano pa bang ginagawa niyo jan sa loob? Kanina ko pa napansin na nagparada ka Ian." Nagtatakang tanong ni Tita Ivana at saka siya nagpalipat-lipat ng tingin samin ni Ian.
Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko at pilit na ginawng normal yong facial expression ko kahit na ang totoo ang lakas pa din ng t***k ng puso ko at ramdam na ramdam ko yong pag-init ng buong mukha ko. Sana lang talaga hindi mahalata ni Tita yong pamumula ko.
"Namumula ka Khali? Are you okay?" At hinawakan pa ni Tita yong noo ko.
"Open naman aircon?" Takang tanong niya. Alanganin naman akong ngumiti sa kanya buti nalang –
"What's for snack Mom?" Tanong ni Ian at hindi na niya inantay pa yong sagot ni Tita. Agad siyang lumabas ng kotse at saka lumapit sa tabi ni Tita para pagbuksan ako ng pinto.
"I'm hungry." Dagdag pa niya kasabay ng pagbukas niya ng pinto sa side ko. Lumabas naman ako at binago na din yong topic.
"Nanggaling po kami sa practice nila ng basketball Tita."
"I see. Nagbake ako ng chocolate chips cookies at strawberry shake. Let's go inside na tamang-tama at malamig na yong cookies. Khali, strawberry shake is your favorite correct?" Excited na sabi ni Tita. Sunod-sunod nama n yong ginawa kung pagtango kasi hindi pa din ako makaget over don sa halos kiss namin ni Ian sal oob ng car niya.
"Dito na kayo magmirenda!" Sabi ni Tita at saka niya ako inalalayan sa entertainment room namin.
"Tulungan na kitang kunin yong mirenda Tita."
"No its okay Hija, I'm sure napagod ka din sa schoola today magrest kana jan anjan naman sila Andrea para tulungan ako at saka my ikukuwento ako sayo tungkul sa new vlog ko!" Bigla naman akong nakaramdam ng excited sa sinabi ni Tita kasi naalala ko na naman yong sinabi ni Ian na Jowa Challenge daw gagawin ni Tita sa vlog niya.
"Hala sasabihin na ni Tita yong jowa challenge! Kakaexcite!" Sabi ko kay Ian at saka ako kumapit sa braso niya para sabay kaming makapasok sa loob ng entertainment room nila. Muli na naman tuloy siyang napasimangot. Napangiti nalang ako sa reaksyon ni Ian.
"Ano ba don't take it seriously, kasal na sila Tita at Tito hindi na maagaw si Tita ng iba. At saka hindi mo pa napapansin kapag magkasama silang dalawa kung pano nila tignan yong isa't-isa? Inlove na inlove sila sa isa't-isa na mapapasabi ka nalang ng sana all.
"Quit watching Korean novela's Khalisee." Bored na sagot naman ni Ian sakin. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
"Bitter-bitter mo sa love pero ang dame mo namang nilalandi!" Asar na sagot ko sa kanya.
"It's them you wants my attention and I am just being nice enough to entertain them." Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka ako padabog na umupo sa tabi niya.
"Ian ha?! Bet na bet ka din ni Amanda, ngayon palang pinaalalahanan nakita! Kapag nilandi ka niya huwag kang marupok! Ayukong icomfort yang abnormal na yan kapag naheart broken sayo!" Masungit kung sabi sakanya. Wala naman na akong nakuhang sagot sa kanya kasi dumating na si Tita kasama si Andrea.
"I hope you like it, lalo kana Khali ikaw yong iniisip ko while making this snacks." Sabi ni Tita at tumabi pa talaga siya sakin para lang abangan kung magugustuhan ko ba yong binake niya.
"Thank you Tita." At saka ko tinikman agad yong milk shake. Agad naman akong napangiti sa sapran g shake.
"I love it Tita! Ang sarap!" At saka ako muling uminom ng shake. Habang si Ian naman wala man lang karea-reaction luto ng Mommy niya basta kinakain lang niya.
"Yay! I'm so happy you like it. Later mag-uwi kana din para matikman ng parents mo."
"Thank you Tita!" At saka ko siya hinug sa my bewang niya na agad naman niyang sinuklian ng hug din sakin.
"Hindi nako makapag-antay na maging daughter in law ka, Khali." Sabi pa ni Tita Ivana.
"Tita naman!"
"Ligawan mo na kasi 'tong si Khali, Ian mamaya maunahan kapa ng iba jan! At tumigil kana jan sa kakalandi mo sa mga babae mo, naku sinasabi ko sayo anak kapag talaga 'tong si Khali naturn off sayo mahihirapan ka sa pangliligaw dito! Naku ha?! Ayaw ko ng ibang daughter in loaw bukod kay Khali."
"Stop it Mom, you're making her feel uncomfortable." At saka siya tumayo sa pagkakaupo niya.
"Where are you going?" Tanong agad ni Tita at mukhang ayaw pa niyang Ian kami ni Ian.
"Take a bath. Pawis nako mula sa practice." Napasimangot naman si Tita.
"Eh! Hindi mo maririnig yong plano ko don sa jowa challenge na vlog ko! Dito ka muna!"
"Mom, that's really not a good idea, even Dad don't like it. Think of another thing to do on your video." At saka nag walk out ang malditang Ian.
"Hay naku manang-mana talaga sa Ama niya." Sabi pa sakin ni Tita at saka siya pabagsak na naupo ule sa tabi ko pero ng bumaling naman siya sakin naging masaya na uli yong mood niya. Oh! Guys alam niyo na kung san nagmana si Ian sa pabago-bago ng mood.
"Hayaan na nga natin yong mokong na 'to huwag lang siyang mag-inarte kapag gagawin niyo na yong vlog." Napakinot naman yong noo ko sa sinabi ni Tita.
"Po? Anong ibig mong sabihin tita? Anong kame ni Ian sa vlog?" Takang-takang tanong ko sakanya pero ngumisi lang siya sakin.
"Excited na ako! Ganito kasi yong mangyayari, so bukas magvlo-vlog kayo ni Ian para sa YouTube ko at dahil gusto ko ng twist sa vlog ko para maiba naman at mukhang hindi na nga din mashado maganda na ako yong mag-jojowa challenge kahit na ang dmaing nagrerequest, kayo nalang ni Ian ang gagawa. Magiging jowa mo si Ian for twenty–four hours at you can't say no! Pabirthday niyo na din sakin 'to ni Ian."
"PO?!" Gulat na gulat kung sagot kay Tita Ivana. Ako at si Ian magjowa for twenty-four hours?! Seriously?!
Tamang-tama naman na kinabukasan is weekend na so it means wala na kaming pasok an nagpapasalamat talaga akong wala kaming pasok kasi hindi talaga ako nakatulog ng maayus kagabi! Hindi mawala sa isip ko yong jowa challenge na gagawin namin ni Ian!
"Khali gumising kana jan!" Sabi ni Mommy mula sa labas ng room ko at saka siya sunod-sunod na kumatok ng malakas mula sa labas.
"Hmp!" Sagot ko naman sa kanya at saka ko tinakip yong unan sa mukha ko para hindi ko marinig si Mommy na ginigising ako. Parang kakapikit ko palang kanina para makatluog ako eh! Tapos umaga na agad!
"Andito na si Ian sa baba at nag-aantay na din sayo. Bumangon kana at mag-ayus at sabay na daw kayo mag-almusal! Khalisee!" At saka muling kumatok si Mommy sa pinto. Halata naman na hindi siya titigil hanggat hindi ako babangon eh!
"Oo na Mommy babangon na!"
At saka ako dahan-dahang naupo sa kama ko. Seriously guys! Parang kakapikit ko palang twenty minutes ago tas parang kanina ang dilim pa tas ngayon my sikat na ng araw na pumapasok sa loob ng room ko! Pero as if naman my choice ako, ayuko naman mag-antay si Ian don at saka oo na nga! Aamin na ako, excited din ako sa part na jowa ko for twenty-four hours si Ian! Sana lang talaga hindi ako chaka sa video mamaya kapag nag vlog kami dahil sa vlog ko.
"Ewan ko ba sa babaeng yan mukhang nagpuyat na naman kaya nalate na gising alam naman niyang my gagawin kayo ngayon." Syempre, nag madale nakung nag-ayus at maya't-maya yong ginawang pagkatok ni Mommy sa room ko mabuti nalang pala at sinabi ko kay Mommy 'to kahapon kaya sinabi niya kina Ate Aya na mag-impake ng mga damit ko para susunod na dalawang araw na bakasyon namin ni Ian pero hindi pa din mawala yong sa isip ko yong convo namin ni Ian last night about dito sa jowa challenge eh, habang naliligo ako.
1 message receive
Ian Lande
Yan kasi yong name niya sa phone ko.
"Ayaw mo ba akong matry na maging boyfriend for twenty-four hours?" Hindi ko alam pero napapikit nalang ako ng mariin habang nakangiti at saka ko tumili ng walang boses. Pota! Nababaliw na ata ako. Bakit kinikilig ako sa abnormal na to?
"Aray ko!" Ilang seconds palang bago ko maisend yong message ko sakanya nagvibrate naman yong phone ko kasi tumatawag naman si Ian ngayon. Hindi ko alam pero biglang bumilis yong t***k ng puso ko at parang my yong ano sa loob ng tummy ko na nagpaparamdam sakin ng kung ano dahilan para mas lalong hindi ako mapakali.
Nagtatawagan naman kami madalas ni Ian pero purong kalokohan lang at mga walang kwetang bagay yong pinag-uusapan namin. Oo nga't napag-uuspaan din namin yong love pero tungkul yon sa pangbababae niya at kalandian niya. Hindi tungkul sakin at siya equals love life.
"What took you so long to answer?" Masungit na tanong sakin ni Ian pagkasagot ko ng tawag niya. Niloudspeaker ko na din para marinig ko sya ng maayus kasi pakiramdam ko sa sobrang lakas ng t***k ng puso o nabibingi na ako.
"Uh.. g-galing kasi ako ng b-bathroom!" Kinakahabang sagot ko sa kanya. Wala naman akong nakuhang sagot sa kanya kaya muli kung tinignan kung andon pa ba siya sa kabilang linya, andon pa naman mkuhang hindi lang talaga siya sumagot. Ano bang pwede kung sabihin? Ayukong maramdaman niyang nakakaramdam ako ng kaba, ackwardness at saya at the same time baka makahalata siya!
"P-pwede naman tayong magtext nalang bakit tumawag.. kapa?"
"I want to hear your voice before sleeping. At saka hindi mo pa sinasagot yong tanong ko." Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko sa sinabi niya.
"Alam naman ng lahat na challenge yon at hindi totoo kaya malamang hindi natin kailangan mag-acting."
"But I want to act like your real boyfriend." Mahina niyang sagot sakin. Pota! Gustong-gusto ko ng magsisigaw sa kilig!
"Hay naku.. nagprapractice kana ba para sa jowa challenge kaya ginagamit mo sakin yang kalandian lines mo? Ian kahit naman hindi ka mag-act na real boyfriend ko kikita at kikita 'tong vlog na ipopost ni Tita." Pero pota effective eh! Ngayon lang niya sinasabi yan sakin, madalas kasi kapag nagtatawagan kami kapag matutulog na kami sasabihin niya, "Matulog kana nga hindi na nga makita yong mata mo mas magmumukha kapang eye bags na naglalakad kasi ang laki-laki ng eye bags mo."
"I'm serious Khalisee." Waahh! Hindi ko na alam sasabihin ko! Masusungit nalang ako!
"Oo na nga lang yes at saka ayan narinig mo na boses ko? Goodnight na garud. Huwag moko pagpracticesan ng kalandian mo."
"Goodnight Khalisee. See you tomorrow."
"Sige." At dahil sa sobrang kilig ko pinatay ko an yong tawag at hindi na inantay pa yong sagot niya. Pero one eternity later hindi pa din ako nkatulog! At hindi mawala-wala yong sinabi ni Ian sakin. Gusto niyagn maging totoong boyfriend ko bukas! Ibig bang sabihin niya, gagawin namin yong mga ginagawa ng totoong mga magjowa?!