Kabanata 3
JOWA CHALLENGE
"Sinabi na kasi sayo kahapon na maaga kang matulog! Lagi ka nalang ganyan pinag-aantay mo si Ian."
"Mom yong totoo? Sino bang anak mo ako o si Ian?" Inis ko din'g tanong kay Mommy. Pababa na kami ng hagdan at talagang atat na ata siyang harapin ko si Ian kasi sinundo pa niya ako para lang make sure na magmamadale ako sa pagkilos. Kasunod din namin si Ate Aya na dala-dala yong isang maliit na maleta ko para sa weekend getaway namin ni Ian.
"Ewan ko sayong babae ka! Sinabi na kasing matulog ka ng maaga eh! w*****d ka na naman siguro ng w*****d jan!" Hindi ko naman na nasagot si Mommy kasi nakababa na kami at nagdiretso na ako sa entertainment room kasi andon daw nag-aantay si Ian.
Agad naman siyang tumayo ng makita niya ako, habang ako nakasimangot lang na nakatingin sa kanya hanggang sa makalapit siya sakin.
"What's wrong?" Tanong niya sakin at saka niya iniyakap yong isa niyang kamay sa bewang ko, symepre napansin ko agad yon pero hindi ko nalang pinansin. Kunwari nalang wala akong paki kahit na yong puso ko sa loob ng rib cage ko nagwawala na at gusto ko ng isuka sa hindi ko maintindihan na dahilan.
"Sinasabihan ko lang naman yang spoiled brat mong kaibigan. Naku Ian napapansin ko jan sa babaeng yan lagi ka nalang pinag-aantay tuwing my lakad kayo. Mabuti nga at madame kang pasensya jan kay Khali."
"It's okay Tita maaga lang po talaga akong nakarating dito."
"Naku at talagang pinagtatakpan mo pa yang babaeng yan kaya nasasanay eh." Sagot ni Mama at saka siya umiling-iling. "Mabuti pa kumain na kayo don at baka malamig na yong pagkain at hindi din maganda na pinag-aantay niyo yong pagkain." Inalalayan naman ako ni Ian papunta sa dining room nain.
"Khali bilisan mo jan sa pagkain mo at nasasayang yong oras niyo para na din hindi kayo gabihin sa daan."
"It's okay Tita, medyo malapit lang naman yong pupuntahan namin ni Khali." Sagot naman ni Ian at saka siya bumaling sakin. "Take your time." At saka siya ngumiti sakin. Hindi naman niya madalas na gawin yan sakin kaya inirapan ko siya at nagpatuloy nalang sa pagkain. Well sanay naman na ako na ganyan si Mommy kasi kaya parang wala nalang din sakin yong sermon niya.
"Mag-ingat kayo Ian at watch over Khali alam mo naman yang batang yan, my pagkabaliw at baka kung ano-ano na naming gagawin habang nasa andon kayo and have fun at the same time." Tumango naman si Ian kay Mommy at siya lumapit sakin para bigyan ako ng hug.
"Alam mo namang my meeting ang Daddy mo kaya maaga siyang umalis but he promised na kasama natin siyang magdidinner this Sunday once your back." Tumango naman ako.
"Nag-iisa ka lang namin'g anak Khali hindi ako nagsesermon sa harap ni Ian to embarrass you. You knew that right?" Tumango ulit ako.
"Daddy and I loves and care for you so much, we only want the best for you. I hope you understand, anak."
"Yes Mommy." At saka ko hinalikan ni Mommy sa cheeks at ayun nga kailangan na naming magready para makabyahe na kami papuntang Subic pero ibig din sabihin nun kailangan ko ng magready sa simulan yong vlog.
Mabuti nalang at nung kinausap ako ni Tita Ivana about dito kahapon sabi niya sakin eh, siya pa din yong mag-iintro. Sa bagay vlog pa din niya naman 'to at mafefeature lang kami para maiba. Inayos ko naman yong camera at saka ko sinet-up para magstart na yong recording ng video bago kami magstart sa byahe. Kaso lang -
"Ian.." At saka ko hinila yong laylayan ng damit niya. Agad naman niyang binaling yong atensyon niya sakin. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko at saka ako nagpout.
"Di ko alam pano sisimulan yong vlog!" Sabi ko sa kanya at saka ko pinakita sa kanya yong camera, sabay tuloy kaming napatingin don sa camera at nanglaki yong mga mata ko ng makita ng mapansin kung nagsimula na palang magrecord, eh hindi naman ako mahilig magganito kaya hindi ko din alam inavigate 'tong camera ni Tita. Ayaw ko din'g kalikutin kasi baka my mapindot ako na ikasira ng nito.
"You started recording already Khali." Nakataas yong isang kilay ni Ian ng sabihin niya sakin at saka niya ginulo yong buhok ko. Napasimangot naman ako at lumayo sakanya para maayus yong buhok ko. Nagclear na din ako ng throat at wala ng choice kundi simulan yong vlog ipapaedit naman 'to ni Tita kaya sasabihin ko nalang sa kanya na alisin 'tong first part.
"Hi everyone! So, for today's Tita Ivana's vlog we are gonna do a take over vlog with Ian!" Cheerful na sabi ko with matching taas pa ng kamay at saka ko binaling yong camera kay Ian para makita siya sa video. At mukhang for the first time hindi camera shy ang Uncle Ian yon kasi nagwaive pa siya sa camera.
"Hi!" Dagdag pa niya at dahil normal na sakin yong asar-asarin si Ian nakawala din sa isip ko na naka-on cam na pala kame at nasabi ko nalang -
"Aba hindi ka camera shy ngayon Boy!" At saka ko siya nginisian. Sinamaan naman niya ako ng tingin at saka niya hinila yong right wrist ko para mapalapit ako sakanya at dahil hindi ko inaashaan yon medyo naout balance ako at napasandal ako sa likuran niya. Iniyakap naman niya yong isa niyang kamay sa tyan ko at saka niya pinatong yong baba niya sa balikat ko.
"What are we gonna today?" Tanong niya sakin. At eto na naman po yong puso kung abnormal nagwawala na naman sa loob ng rib cage ko at feeling ko any moment niya isusuka ko na yong puso ko sa sobrang kilig. Sunod-sunod akong napalunok at pinilit ko yong sarili kung kunwari normal lang lahat ng 'to at walang epekto sakin yong ayus namin ngayon ni Ian.
"Jowa challenge nga diba?" Sweet na sagot ko sa kanya habang nakatingin kami sa isa't-isa. Pero pota gusto ko ng mahimatay dito. Kung hindi lang siguro nakayakap si Ian sakin baka kanina pako natumba dito sa kinatatayuan ko. At saka ko binaling yong atensyon ko sa cam.
"So bago ang lahat, alam ko namang kilala niyo na kami pero magpapakilala nalang kami ulit. I'm Khalisee but you can call me Khali for short and this is Friagne, Ian nalang din for short dahil alam ko namang tulad ko nahihirapan din kayong i-pronounce yong weird na name niya." At saka ako natawa sa sarili kung joke. Okay lang yan Khali ganito naman sa vlog eh!
Hinarap ko yong cam sa car na gagamitin namin ni Ian para ipakitang we're getting ready na para sa byahe papuntang Subic. Syempre habang nasa byahe dapat nakarecord din para madaming clips na pwedeng piliin kapag eedit na nila yong video. Nagsalita salita na din ako para naman malaman ng viewers kung san yong lakad namin. Sure naman kasi akong hindi maasahan kung si Ian ang ipagvlovlog ko.
"We are on our way now at Subic. Yi. I'm excited because for today we're gonna visit the famous Inflatable Island and I've never been there." At saka ko hinarap yong cam kay Ian. Nagdridrive naman siya at nakafocus lang siya sa daan. Mukhang wala ngang pakialam sa pagvlovlog ko, mabuti na din yon kasi na-aawkwarddan din ako kapag nasa akin lang yong atensyon niya tas nagsasalita ako dito sa cam.
"Have you been there Love?" Tanong ko sa kanya. Saglit naman niyang binaling yong tingin niya sakin at saka niya ako tinaashan ng kilay at ngumisi sakin. Mukhang gets ko na kung bakit.
"What? This is twenty-four jowa challenge! Diba yong mga magjowa eh merong endearment? Ayaw mo ba ng Love? Pwede namang ibahin eh, how about –" pero bago ko pa masabi yong ibang endearment na naisip ko kinut na niya ako agad.
"I like it when you call me, Love." At syempre para nakakakilig naman yong dating eh, nagheart finger sign ako at saka ko nilabas yong dila ko habang sunod-sunod na nagwink.
"Pota! Kinikilig nako guys, endearment palang!" Dagdag ko pa. "Pero syempre mas gusto kung kiligin kayo samin ni Ian."
"Baka lang naman gusto niyong mas makilala pa kami ni Ian at dahil on the way palang naman tayo sa Subic at medyo mahaba-habang byahe pa 'to. Let's talk about Ian and I muna. I'm sure naman nakikita nio na kami sa mga previous vlogs ni Tita Ivana, as her guest. So you're aware that Ian and I are bestfriends and he is Tita Ivana's only son."
One Eternity Later
"What's up guys! So I'm back and it's almost lunch time kararating lang namin dito sa Subic at we're about to check out na sa hotel rooms namin. So, wala kaming idea sa itinerary na hinanda ni Tita Ivana para samin pero knowing Tita Ivana I'm sure, Ian and I are going to have fun!" At saka ko naman pinakita yong hotel kung san kami magchecheck in ni Ian pati na din yong pagkausap namin sa kay Ate front desk.
"Reservation for Ivana Ford." Sabi ko. Binati naman kami ni Ate Girl at saka siya nagpasalamat sa binigay kung information.
"Room 3991 po Ma'am and Sir." At saka inya inabot samin ni Ian yong nag-iisang key card. Napakunot naman yong noo at ng binalinggan ko si Ian ayan na naman siya sa wala akong paki sa nangyayari sa paligid ko reaction niya basta nakatingin lang siya sakin na para bang ako lang yong nakikita niya.
"Thanks eto pero dalawa kasi kami yong isang room pa po?"
"Sorry Ma'am pero iisang room lang yong nakareserve sa name ni Miss Ivana." Nalilitong sagot naman niya sakin.
"Uhm. Sure po ba kayo?"
"Check ko po ule." Sagot naman niya sakin pero ganun pa din eh, medyo nagtagal na nga kami sa front desk kasi three times pang chineck ni Ate pero wala talaga eh isang room lang daw talaga.
"I'm sorry Ma'am pero summer kasi ngayon kaya fully book po kami." Inask ko kasi siya kung pwedeng magbook nako ngayon ng isa pang room. "Malaki naman po yong suite na kinuha ni Miss Ivana." So wala din'g choice. Pumayag nalang ako at inaya na si Ian na magpunta sa room. Baka din yon yong reason kaya isang room lang talaga yong nabook ni Tita.
"This is our room." Pagpasok namin ni Ian pinakita ko sa vlog yong magiging room namin ni Ian. "So there's a king size bed." Medyo natawa pa nga ako. "And look there's rose petals and a kissing swan made of towels in the middle of the bed. That's sweet! Para lang kaming maghohoneymoon ni Ian."
"So dito muna sa tabi yong mga gamit ni Ian because I'm gonna tour you sa aming room." Tas ayun pinakita ko sa kanila yong balcony, yong bathroom na my bathtub pa, mini salas at yong terrace na nakaharap sa dagat.
"Be back later guys! Mag-aayus muna kami ni Ian para magbeach tour later!" At saka ako nagflying kiss bago i-off yong cam.