Kabanata 4 - Lover

1731 Words
Kabanata 4 LOVER "Hi everyone! It's me again Khali and there's Ian." At saka ko pinakita ang nakatalikod na si Ian habang naka-upo at kausap yong waitress na kumukuha ng oorderin namin para sa lunch. Ang saya naman ng ngiti ni Ate mukhang masayang-masaya siyang kausap si Ian ah. "So its almost lunch time kaya after naming magpalit ng damit ni Ian we decided na kumain na ng earlier lunch. Ayun nga siya nag-oorder na ng pagkain namin." Napataas naman yong kilay ko makita kung nagtawana sila. "Landi talaga." Bulong-bulong ko pa at saka ako nagmadaling lumapit sa dalawa. Nakaalis naman na yong waitress ng makalapit ako sakanila. Kaya ng magkatinginan kami ni Ian sinamaan ko siya ng tingin at saka ko siya inirapan. "Nawala lang ako sandali nakikipagladian kana sa iba." Masungit kung sabi sakanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay saka siya ngumisi sakin. "I like it when you're jealous Love." "Che! Kapag talagang natural kang malandi kahit san ka talaga mapunta lalandi at lalandi ka, ano." "Are you aware your cam is on and still recording everything?"Balik na tanong naman niya sakin. Nanglaki naman yong mga mata ko at saka ko ko siya sinimangutan pero hindi na ako nagsalita. Urgh! Pano na 'to? For sure kapag pinanuod ni Tita 'tong vlog makikita niya 'tong scene na 'to! Damn. "Urgh! Alam ko naman kasing nasa jowa challenge tayo tas nakikipaglandian kapa din sa iba!" Naiiritang sabi ko naman sakanya. "Uhm, I'm not aware you are this possessive Khalisee." At saka siya tumayo mula sa kinauupuan niya. Akala ko pa kung anong gagawin niya pero nagulat nalang ako ng pumunta siya sa likuran ko at saka niya ako binack hug tas hinalikan niya yong pisngi ko. Sa sobrang pagkataranta ko naman hindi ko na alam gagawin ko. Ni-hindi ko na nga napansin na hawak-hawak ko pa din yong cam at navivideo ko pala yong nagyayari samin. "Hindi ako nakikipagladian sakanya, my sinabi siyang joke kaya nakitawa lang ako." Hindi naman ako nagsalita kasi hindi ko alam sasabihin ko. Inaamin ko naman eh, madalas talagang ang tingin ko kay Ian kapag my kasama siyang babae, kalandian niya yon at my kalokohan na naman siyang balak don sa girl. "You're always suspicious that everyone I'm with wants me. It's not like that always Love. I'm your lover and I'm only yours. Kausapin mo man sila, pero sayo pa din ako pagkatapos ng lahat ng yon." At saka mas nilapit pa niya yong mukha niya sa mukha ko, akala ko talaga hahalikan na niya ako sa lips kaya pigil na pigil yong paghinga ko pero hindi. Syet! Umasa ako don ah! Pero yong side lang ng lips ko yong hinalikan niya. Kaunti nalang yong lips ko na mahahalikan niya hindi pa siya nag adjust! Kakainis! Akala ko ba playboy ka?! Bakit ang hina mo dimiskarte?! Natapos naman yong pagmomoments namin ni Ian ng lumapit samin yong waiter na my dala-dalang cart ng pagkain. Mabuti nalang at iba na yong nagserve ng food, hindi ko bet si Ateng waitress kanina eh. "Hi Ma'am, Sir eto na po yong orders niyo." Nilagpasan ni Kuya si Ian at saka siya lumapit sa side ko para don iserve yong mga pagkain na naorder. "Thank you." Masayang sabi ko naman sa kanya. At saka ko muling inabot yong cam para marecord yong mga food na naorder. "So this our lunch guys." At saka ko finocus yong recording sa mga foods at isa-isang binangit yong mga orders namin. "Feeling ko 'tong jowa challenge namin ni Ian pwede na din isama sa title plus mukbang. Kita niyo naman yong foods para my pafiesta lang sa dami! Let's eat na guys!" Ayun vinideo ko lang yong pagkain ni Ian. Meron pa yong hinatid niya yong crabs at saka niya sinubo sakin. "Guys ang sarap lalo na kung sinusubuan ka pa ng jowa mo. #Sanaallmyjowa." At saka ako nagheartsign na naman at natawa sa sariling joke ko. Asa naman akong makitawa si Ian sakin, mukhang pinaglihi 'to sa sama ng loob eh. Syempre baka naman sabihin ng mga nanunuod na wala akong kasweetbone-sweetbone sa katawan.  "Say aaahh Love." Sabi ko sa kanya at sinadya ko talagang damihan yong kanin na isinubo ko sakanya. Nagkakamay kasi kami habang kumakain. Sinamaan naman niya ako ng tingin habang ngininguya niya yong sinubo ko kasi ang dami talaga medyo nahirapan pa niya akong isubo lahat sa kanya. So, yon nagsusubuan lang kami ni Ian sa vlog at kung ano-ano pang kalandian yong ginawa niya.  "Ayun done na kami maglunch at ngayon naman nagdecide kaming maglakad-lakad kaso lang tanghaling tapat talaga eh! Mainit." At saka ko nilipat yong cam para makuwanan yong magkahawak naming kamay. "Love.." Tawag ko kay Ian.  "Uhhm?" Sagot naman niya sakin. "My lahi ka bang keyboard?" Tanong ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at saka tinaasan ng isang kilay. At mahahalata mo talaga sa reaction niya na wala siyang idea sa sinasabi ko. Bago ko naman sagutin yong sarili kung tanong, tumabi ako sa kanya para makuwanan kaming dalawa ng video. "Type kasi kita." At saka ko siya kinindatan. At bago pa siya makapagreact inunahan ko na siya agad. "Wait lang my isa pako. Espanyol kaba?" "Hindi." Sagot naman niya agad sakin. Sinimangutan ko naman siya. "Letche. Hindi ko tinatanong. Nagpipick up line ako! Dapat bakit?! Take two!" At saka ko siya muling tinanong. "Bakit?" "Sinakop mo kasi yong puso ko." At saka ko niyakap yong braso niya. At tinago yong mukha ko sa dibdib niya. Naramdaman ko naman yong pagpatong niya ng baba niya sa ulunan ko kasi yong balbas niya nafeel ko din eh. "I got one for you." Napaangat naman ako ng tingin sakanya. "So my alam ka palang pick up line? Sa bagay babaero ka kaya dapat lang madami kang alam na pangbola." Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya nakagat ko yong pang-ibabang labi ko at saka nagpeace sign nalang. "Char lang Love. Ano nga kasi yong pick up line mo?" "I forgot your name." Sabi niya sakin at bago pako makasagot sinabi na niya agad yong kasunod na pick up. "Can I call you mine?" Seryoso niyang sabi sakin. Natawa nama nako sa kanya. "Love mo na nga ako, gagawin mo pa akong mine." At saka ko siya niyakap sa bewang. "Okay Guys jan nagtatapos yong korni'ng pick up segway namin." At saka ako nagwaive sa camera para magpaalam na muna. "What's up guys? So, as you can see ginaya ko lang naman yong i********: outfit ni Nadine. Ang dami ko kasi nakikita sa IG ko and even on my f*******: na ginagaya 'tong outfit na 'to at dahil chance ko na 'tong magaya din siya grinab ko na. I'm wearing my two piece bikini at syempre 'tong jeans ko na kaunti nalang malalaglag na, lakas lang makahiphop eh, then my shades din and to complete the outfit syempre dapat my panyong nakatali sa ulo. So ayan we're gonna swim kasi ang init! It's 2 pm at inaatay nalang ako ni Ian sa labas so we could go there together. Kaya puntahan na natin siya." "I know guys are expecting na if were not gonna swim sa pool sa dagat kami for sure but for today sa iba tayo magswiswimming. And I'm sure hindi kayo maniniwala kung san. Grabe excited nako kaya magmadali na tayo." "So, were here na! As you can see you we have the infinity pool na nakaharap sa dagat. So this is a special reservation for Tita Ivana kaya huwag na kayong magtaka guys kung bakit kami lang ni Ian ang nandito at symepre iilang staff na magaasikaso samin." So nagsasalita ako habang pinapakita ko yong view na meron kami sa cam. "So ayun si Ian my sarili na naming mundo. Kita niyo naman nakatingin lang sa dapat at parang ang layo ng iniisip. Okay, so mamaya na natin pagtuonan ng pansin si Ian kasi guys! Meron akong ipapakita sa inyong kakaiba talaga at astig. Sabi ko naman kanina diba hindi kami lalangoy sa dagat or pool kahit na meron'g pool dito ngayon. Kasi dito kami magswiswimming ni Ian." Tapos ayun naglakad ako ng kaunti para makarating sa pinakadulong part ng pool. Pinocus ko na muna sakin yong video. "Eto na yon!" At saka ko pinakita sa recording yong malaking fish bowl na my tubig kung san pwede kaming pumasok ni Ian sa loob at don lumangoy na parang mga gold fish. "Alam ko namang familiar kayo sa kanta ni Taylor Swift na Lover and I'm sure guys tulad ko nainlove din kayo don sa video, isa sa mga scene don is lumangoy sa loob ng fish bowl si Taylor at Christian. Don inspired 'tong malaking fish bowl na 'to, nasabi din kasi sakin kanina nung isa sa mga staf na fan din daw ni Taylor yong mismong may-ari nitong Resort. So, alam niyo na guys? Kung gusto niyong maexperience yong isa sa mga scene ng video ng Lover punta na kayo dito sa resort." So ayun yong nangyari sa part ng vlog na 'to is pumaso kami sa loob ng fish bowl ni Ian at lumangoy langoy kami. Sobrang saya. Nakiusap din pala ako don sa isang staff na vlog kami.  "It's four in the afternoon at nandito kami ni Ian ngayon sa seashore nagpapahinga naman after ng nakakapagod pero super sayang langoy scene namin sa loob ng fish bowl." At saka ko pinakita yong view na meron kami. "We have our blanket here para higaan at para kahit papano naman malibang kami nagdala din ako ng guitar, kaunting snacks while we wait for the sunset." Kanina my pinakiusapan akong dalawang Ate girl na tulungan kami magvlog para lang makita yong buong ayus namin ni Ian. "At para makita niyo naman yong set-up namin in Ian. I have here Elaine and Gretchen. Say Hi mga Ate. Kung kilala niya si Ivana Ford, don iuupload yong video na to. So tutulungan nila tayong magvlog for now." Habang nakaupo si Ian sa blanket at nakatingin sa dagat lumapit ako sa kanya at saka ako humiga sa lap niya at kasama nung guitara. "Habang inaantay natin yong sunset, para naman hindi kayo mabored panuorin lang kaming nakaupo at nakaabang din sa sunset kakantahan ko nalang muna kayo." At yon nga nagstart na ako magguitara habang nakahiga ako sa lap niya.  (Author's note :) Isipin niyo nalang nagplayplay yong kanta ni Taylor Swift na Lover.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD