Chapter sixteen ARA Nagtataka ako ilang araw ng malambing sa akin si Mike, tuwing nagluluto ako niyayakap niya ako sa likod tapos hinahalikan ng kagaya ng trato niya dati. Ano kayang meron sa kaniya ngayon? Dahil ba nanlamig ako sa kaniya kaya siya nanlalambing ng ganiyan? O may ibang dahilan? Kinakabahan nga ako eh dahil ilang buwan na nung huli niya akong nilambing ng ganito. Nagtataka din ako dahil nasa bahay lang din siya palagi, ayaw ko naman na magtanong dahil baka umiba nanaman ang trato niya sa akin, ayos na ito, bumabalik na siya sa dati. Sana magtuloy tuloy na. Nagluluto ako ngayon ng afritada habang si Mike nasa gilid ko at nagcecellphone, may kachat siyang lalake pero hindi ko na pinakealaman. “ Lalabas muna ako mahal.” “ Saan ang punta mo?” “ Sa kaibigan ko, uuwi din