Chapter seventeen ARA Hindi parin ako makagalaw, yung kaba ko kanina domoble pa ng makita ko si Junpei na ibang iba ang itsura noon at ngayon. “ Oh, bakit hindi mo man lang ako batiin? Did you miss me?” “ Anong ginagawa mo dito?” “ Well, this is my house.” “ Huh?” “ Bahay ko to.” Hindi ko sinabing itagalog niya! nagtataka ako sa sinabi niyang bahay niya itong parang malapalasyo at paano nangyari iyon? “ Paano nangyari to.” “ Pinaghirapan ko to mahal kong asawa.” Teka? Si Mike! Nasaan si Mike, kilala niya si Junpei ah bakit niya ako dinala dito? Sinilip ko siya sa may pinto at wala na doon si Mike maski ang sasakyan niya, ang naiwan lang ay ang mga maleta ko na inimpake ko kagabi. “ Ano to?” tanong ko sa aking sarili, bakit iniwan ako ni Mike dito? “ Hindi ba sinabi ng ipinalit