Chapter eighteen ARA Tumayo nga si Mike sa kinauupuan niya kanina at nagpaalam sa mga kalaro, naghintay ako sa labas ng casino dahil hindi kami magkakaintindihan kung sakaling doon kami mag uusap. Yung kakilala ni Junpei nakabantay lang sa loob ng sasakyan, wala naman akong takas dahil mukhang makapangyarihan si Junpei, kaya niya akong mahanap at ipakulong. “ Anong ginawa mo sa akin?” agad kong tanog sa kaniya. “ I’m sorry mahal, nagawa ko yun dahil walang wala na talaga ako, ang sabi lang kase niya sa akin pagtatrabahuin nating dalawa ang inutang kong pera sa kaniya.” “ Magkasabwat na ba kayo noon pa ni Junpei?” “ Huh? Anong pinagsasabi mo?” “ Bakit mo ko ibinenta sa dati kong asawa!” sigaw ko sa kaniya. “ Anong dating asawa? Si Mr. Serran ang katransaksyon ko tungkol sa pera, an