Chapter nine JUNPEI Back to work again. Masaya ang mga empleyado ko na nakita nila ako personal, hindi kase nila akalain na kaya ko makipagsabayan sa kanila. Hindi kagaya ng ibang may ari ng kompanya na maaarte, galing din naman ako sa hirap kaya alam ko pakiramdam nila. “ Sir pwede ko ba kayo makausap?” sabi ng hinired kong investigator. “ Pumunta ka sa office ko doon tayo mag usap.” Nasa lobby palang ako ng salubungin niya ako. Kaya nagmadali akong pumunta sa opisina ko, magkaiba kase kami ng daan, baka mahalata kami. Nasa pinto siya ng opisina ko at sabay kaming pumasok. “ Ano ang balita?” agad kong tanong. “ Sir napag alaman kong nagbebenta ng mga ari arian si Mike at mukhang napakarami talaga niyang utang sa ibat ibang tao dahil sa pagsusugal.” “ Anong ari arian ang biibenta