Chapter eight
MIKE
Letche naman oh, bakit kailangan ko pang magbayad ng mga interes sa mga nautangan ko, ang lalaki ng interes nila.
Napapakamot na lang ako ng ulo dahil walang alam si Ara sa mga bisyo ko, nagawa ko lang naman to dah isa sugal, nalulong ako sa sugal dahil gusto ko magbayad ng utang.
Kaso lumalala ang kinaadikan kong sugal, hindi talaga ako mapakali hanggat hindi nananalo kaso mas malaki pa pala ang nawawala sa akin kesa ang bumabalik.
Hindi ko namamalayan ang pagkalulong ko sa sugal, basta ang mahalaga sa akin manalo ako at hindi ako makantsawan ng mga kapwa ko negosyante.
Nananalo naman ako kase bumabalik lang din ang pera ko.
Hindi ko na pala napagbibigyan sa kama ang asawa ko kaya ngayong gabi ay siya naman ang aasikasuhin ko yun nga lang tumawag sa akin itong kumpare ko, nag aaya sa birthday niya kaya nagpaalam ako ng maayos kay Ara, yun nga lang mali pala ang nasabi ko sa kaniya.
Hindi pala niya kilala itong kumpare ko na ito, ibang babae kase ang nakasama ko sa araw ng binyag ng anak niya, nakaone night stand ko lang naman yung babae pero ginawa na siyang ninang ng kumpare kong to.
Nagkita kita kami muli ng mga kasama ko sa binyag, at syempre pati yung babaeng nakaone night stand ko, kaya naman agad siyang lumapit sa akin.
Alam naman nil ana may kinakasama ako, wala lang naman to hindi ko mabubuntis lalo may proteksyon.
“ Hi Mike.”
“ Long time no see.”
“ Ang tagal mo kase akong hindi tinawagan.” Hindi talaga kita matatawagan lalo kung one night stand lang, pinagparausan lang talaga siya dala ng init ng alak.
Hindi ko siya pinansin dahil yung mga kaibigan ko ang inuna ko, may utang pa sa akin itong kumpare ko kaya nandito ako, just a reminder for him kaso manhid hindi ata magbabayad, basta mahalaga hindi niya ako tinatakbuhan.
Ganiyan lang naman ang pera sa akin, may papasok may lalabas, kaso mas malaki ang lumalabas, lalo ngayon na may naibenta akong dalawang ari arian at isang negosyo ko, hindi alam ni Ara yun kaya naman nag iingat din ako na malaman niya.
Hindi ako tinigilan nitong babae na nakaone night stand ko noon. “ Liza pangalan ko ano ba Mike, sinisigaw mo pa nga noong umibabaw ako sayo.” Nagtawanan ang mga kasama ko dahil sa sinabi niya.
Fine, alam kong biro yun pero sige tatawa ako.
Alam kong nagbabadya nanaman siya na akitin ako, yung kamay niya kase nasa singit ko na, hinahayaan ko na lang din dahil nabitin ako kanina.
Kinakapa niya ang alaga ko, matigas pa sa bato kaya hindi niya tinigilan.
Ginaganahan tuloy ako, maliit lang naman kase hinaharap nito kaya nakakawalang gana din, unlike Ara na napakalusog at sexy, kaso nga lang pinainom nila ako ng alak n amalakas ang tama, nag init tuloy ang katawan ko ng husto kaya hindi ako pumala kay Liza.
Pinunta ko agad siya sa kwarto ng kumpare ko, alam naman nila ang mangyayari, pare pareho na kaming lasing.
Wala namang bata dito kaya ayos lang, nakabakasyon lahat ng anak niya
Pagpaparausan ko lang talaga ang mga babaeng nakakasalamuha ko, minsan nga hindi ko pa kilala pero kilala na nila ako.
Wala ako sa sarili ngayon dala ng alak at init ng katawan, hinahayaan ko na lang itong babae na bumayo sa akin hanggang sa labasan ako.
Maski halik hindi ko nagawa sa kaniya pero nalamas ko naman ang dibdib niya, parang tinuloy ko lang yung init ng katawan ko kanina kay Ara.
Hindi ko nga namalayan na nakatulog na ako ng walang saplot sa katawan.
Paggising ko alasais na ng umaga, medyo madilim pa nga dahil pasikat palang ang araw, wala na yung babaeng kasama ko dito sa kama.
Paglabas ko ng kwarto tulog din ang mga kainuman ko sa labas ng tinulugan ko, medyo masakit pa ulo ko pero kailangan ko umuwi.
Pagdating ko sa bahay sinalubong agada ko ng asawa ko, alam ko kasalanan ko hindi ako nakauwi agad kaya mahinahon lang ako ngayon, at isa pa inaantok pa ako, hikab ako ng hikab habang nagsasalita siya kaya tinuloy ko na lang ang tulog ko sa kama namin.
Mas komportable at mas mabango.
Nagsorry na ako kay Ara, ayos na yun kesa naman magalit pa ako, wala ako sa mood ngayon. Gusto ko lang matulog ng matulog.
Kaso nga lang istorbo itong mga naniningil sa akin, sinabi ko na ngang huwag nila akong puntahan sa bahay kaso ang titigas ng ulo.
Isang linggo palang naman akong hindi nakabayad kaso ang kulit kulit ng mga to kaya lumabas na ako sa gate para kausapin sila.
“ Bro, may hang over ka nanaman.”
“ Nasobrahan lang, nagkaayaan kami ni misis.”
“ Oh ano na Mike? May pang inom ka wala ng dumagdag sa binayad mo sa akin noong nakaraang linggo.”
“ Sabi ko naman sayo sa lunes.”
“ Maraming lunes Mike, hindi lang iisa.”
Ang hirap magtimpi ng inis lalo kapag ganiyan ang kausap mo, pilosopo, ako kase ang may atraso sa kanila kaya ganiyan sila kung umasta.
Pero kapag ako naman ang kinailangan nila hindi naman sila nakakarinig ng ganiyan sa akin,kainis! Sana pala hindi na ako bumait noon.
“ Seryoso sa lunes, ibibigay ko ng buo yun.”
“ Kaya mo ibigay ng buo?” nakakainsulto yung pagkakasabi niya.
“ Oo naman, bakit hindi? Wala kase akong cash that time kaya nakahiram ako sayo.” Pero ang totoo gipit na ako ng panahong iyon kaso kailangan kong magbayad.
“ Aasahan ko yan Mike.”
“ Oo, magbibigay ako.”
Umalis din agad sila, hindi ko na alam saan kukuha ng kalahating milyo na utang, nainsulto kase ako sa sinabi niyang kaya mo ibigay ng buo? Tsk. Sige magagawan ko ng paraan yan.
“ May utang ka?” tanong ni Ara sa akin pagkapasok ko ng bahay, naririnig pala niya yung usapan namin, maingay naman kase yung lalaking yun kaya narinig ni Ara.
“ Wala kase akong cash kaya napahiram ako sa kaniya, maliit lang naman yun nasa singkwenta mil lang, mababayaran ko naman yun, abala lang kase ako nitong nakaraang linggo kaya hindi ko naibigay agad.”
“ Edi sana binigay mo na ngayon, may pera ka naman diyan sa vault mo ah.”
“ Oo nga noh, hahaha nakalimutan ko, pasensya na inaantok pa kase ako.”
Ang hirap magpalusot, yung pera ko sa vault kulang pa yan pambayad kase naman may mga interes pa, sa isang taong kalahating milyon ang utang ko, iba pa sa ibang tao, pero may mga nakautang din naman sa akin kaso ipambabayad ko lang din sa mga utang ko, dadaan lang sa kamay ko tapos hindi ko na magagamit.
Ganiyan ang pera sa akin.
Kinabukasan dinalaw ko yung business ko kaso palugi na rin, nakukuha ko na kase yung pondo ko dito sa negosyo ko, ang mga nagtatrabaho sa akin tsinitsismis na rin ako, wala akong pakealam sa iniyo, kapag nawala itong negosyo ko wala na rin kayong trabaho.
Hanggang dito ba naman sa negosyo ko may sisingil, mabuti na lang palabas na ako tsaka ako sinalubong ng kalaro ko sa casino.
“ Oh Mike, nasaan na yung usapan natin, sabi mo kase ngayong araw.”
“ Ah oo, papunta palang akong bangko.” Ang totoo niyan nakalimutan ko na yung usapan namin, wala na gaanong laman ang bangko ko, paano ako lulusot nito. “ Kukuha palang sana ako ng pera, kung pwede baka bukas na lang kita babayaran, mahaba kase minsan ang pila doon.”
“ Sasamahan na lang kita kumuha, total wala naman na akong ginagawa Mike, mahirap na hahaha, pangdagdag puhunan ko ulit yang ibibigay mo sa akin.”
“ Ah ganun ba, sige sige sumama ka na lang sa akin.”
Wala talaga akong takas, ibibigay ko nanaman ang pera ko sa bangko, hindi na nga nadadagdagan nababawasan pa. Ayaw ko naman magpahalata dito sa kalaro ko sa casino baka hindi na ako makaulit at maikalat pa niya sa iba na wala akong pambayad.
Meron naman kaso delay lang talaga.
Nakapag withdraw ako ng singkwenta mil para ibayad sa kaniya, panggrocery dapat namin yan mamaya ni Ara pagdating ko kaso naibigay ko na.
“ Salamat ah, bukas nag aaya nanaman sila.”
“ Oo, pupunta ako para makabawi.”
Napakamot na lang ako ng ulo dahil wala akong maibibigay kay Ara mamaya, ako na bahala magdahilan sa kaniya, sumasakit lang ang ulo ko kakaisip.
“ Mahal? Nakabihis na ako, sabi mo pagbalik mo maggrogrocery na tayo.”
“ Mahal bukas na lang masama ang pakiramdam ko ngayon.”
“ Ha? Bakit? anong nangyari sayo?”
“ Hindi ko rin alam, basta ang sama ng pakiramdam ko ngayon, gusto ko magpahinga, may makakain pa naman tayo.”
“ Oh sige.” Nadismaya siya dahil nakabihis na siya at ready na umalis.
Nagkulong na lang ako sa kwarto at nag isip kung paano makakabayad sa mga naniningil sa akin, kulang ang nasa bangko ko, kapag naibigay ko yun wala na akong pera ni piso.
Ibenta ko na kaya yung isa kong negosyo? Total palugi na rin, ipapasalo ko na lang sa ibang negosyante, babawasan ko na lang makabayad lang ng utang.
Kaasar naman.
Tinawagan ko ang secretary ko, siya ang nag aaudit ng mga pumapasok na sales sa bangko ko, syempre malaki din bayad ko sa kaniya.
Pinahanap ko siya ng pwedeng pagbentahan ng ari arian, yung mapagkakatiwalaan talaga na magbabayad, ang iba kase manloloko, syempre gawain ko rin minsan kaya nag iingat ako, ayaw ko makarma.
Siya na bahala maghanap, kokontakin na lang niya ako kapag may nahanap na siya.
Pagbukas ng pinto ng kwarto may dala dalang pagkain si Ara at pamunas, napakamaalaga ng asawa ko, akala talaga niya masama ang pakiramdam ko.
Oo masama ang pakiramdam ko dahil sa mga utang na yan na hindi na makatarungan ang interes kung minsan, mga mauutak din talaga sila kapag alam nilang negosyante ang uutang.
Inasikaso lang niya ako, syempre ako? Gustong gusto ko naman, wala naman akong sakit pero inaalagaan ako.
“ Ang lamig lamig ng katawan mo, akala ko nilalagnat ka.”
“ Masakit lang ulo ko, siguro sa init sa labas.”
“ Huwag ka na kaseng naglalabas pa, kung hindi naman importante yung pupuntahan mo.”
“ Dinalaw ko lang yung ibang negosyo ko, kaya nga maaga ako umuwi.”
“ Ako na lang gagawa nun kapag masama pa pakiramdam mo, kilala naman nila ako.”
“ Ayos lang, dumito ka na lang.”
Baka mamaya siya pa ang makausap ng mga naniningil sa akin. Dagdag nanaman si Ara sa bubunganga sa akin kapag nalaman niyang milyon ang utang ko.
Kaya ko naman bayaran yun paunti unti, yun nga lang umiinteres kase at atat ang mga nakautangan ko kaya nauubos na din ang pera ko kakabayad imbis na pinapaikot ko.
Libangan ko talaga ang casino, kaso mas nastress ako ng simula ng nagcasino ako, palaki ng palaki ang nagagastos ko.
Kinabukasan agad agad akong pinuntahan ng secretary ko.
“ Sir, may interesado na po sa pinapabenta niyo.”
“ Ayos naman bang kausap yun?”
“ Yung secretary niya po ang humaharap pero legit buyer sir, mayaman at may ari ng kompanya, hindi po kagaya ng ibang negosyante na napagbentahan natin noon, binabarat tayo pero ito parang galante.”
“ Hindi ba pwedeng makausap yung boss niya?”
“ Hindi po sir, pero ibibigay niya agad ng cash yung bayad.”
“ As in?”
“ Yes sir.”
Ngayon lang ako nakapagbenta na ibibigay lahat, milyon yung benta ko doon pero ibibigay ng buo? Hindi paunti unti.
“ Aba ayos pala yan ah, anong pangalan ng boss niya? saang kompanya sila galing?”
“ Mr. Serran na lang daw po ang itawag natin sa boss niya, pero ang secretary lang niya ang makikipagtransact sa atin sir.”
“ Sige, sa kanya na natin ibenta, kailangan maayos ang papeles at buo ang pera kagaya ng sinasabi niya.”
“ Yes sir.”
Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko, makakabayad na ako sa ibang nakautangan ko kung sakali. Ang saya naman nito makakabalik pa ako sa casino next week, baka sakaling manalo na ako ulit at mabawi ko na yung negosyo ko