Chapter fourteen MIKE Ang laki ng nakuha kong pera doon sa isang kalaro ko sa casino, hindi ko siya kinilala ng husto noon pero ngayon at sinabi sa akin na leader pala siya ng isang gang ay mas lalo akong namroblema. Nagsabi ako ng araw kung paano ko siya babayaran kaya naman natakot ako ngayon dahil nandito sila sa negosyo ko, ito na lang ang nag iisang negosyong meron ako. Ang dami niyang kasamang alalay, hindi ito yung dati kong hinihiraman. Natatalo kase ako noong nakaraang linggo sa casino, nahiya akong umalis dahil wala akong pambayad kaso siya ang nagpahiram sa akin, I grabbed the opportunity but now, I suffered. Akala ko kase ordinaryong business man lang siya pero ang sabi ng mga kalaro namin, ang lakas daw ng loob kong nanghiram sa kaniya, siya naman nag offer sa akin kumag